Chapter 2

19 0 0
                                    

Reignielle's POV



"Yes!" sabay na sabi namin ni Chelsea sabay apir

Dali dali nya akong hinila sa may parteng may nakalagay na 'NEW RELEASE' kinuha niya yung Hell University ni Kuya Kib, Lucid Dream ni Alyloony at ang Ang Buhay Nga Naman Parang Life ni Matthew Anderson.Pumila na kami sa may cashier at binigyan kami ng stub.

Pagkatapos sabay kaming tumakbo ni Chelsea papuntang hall 1.

"Damn it!" I cursed paano ba naman halos mapuno na ang hall one sa sobrang dami ng tao.

"Hala! Tara na ang haba ng pila" sabay hatak sa akin ni Chelsea

~*~

7:30 pm na pero naka pila pa rin kami, ang layo pa namin eh hanggang 8:00 pm lang daw ang event.

"Aish! Bakit ba kasi doon lang sila kay Matthew naka pila?" Tanong ko

"Kasi nga ang ganda ng mga story nya."

"Hanggang 100 na lang ko ang makakaya ni Matt sorry po pero pagod na din po siya." Sabi ng isang staffBigla namang umingay ang hall at sabay sabay silang simugaw ng 'TAPUSIN!!!'

"Pero para po sa mga natitira magkakaroon po kayo ng group photo with Matthew by ten po at ipo-post na lang po namin ito sa aming page."

"Hala ang layo pa natin sa 100" naiiyak na sabi ni Chelsea.

"Gaga! Wag kang umiyak may group photo naman kayo with Matt eh!" Sabi ko sakanya sabay batok.

"Pero iba pa din pag may pirma niya 'tong libro na binili natin." Malungkot na saad nya.

~*~



9:30 pm na, pababa na kami papuntang parking lot. 

 'Yong group photo? Ayon! Todo akbay ang loka loka kong best friend. 

 "Try mong basahin yung mga librong binili ko magaganda yan promise." Masiglang sabi niya "OK." Sabi ko sabay suot ng seat belt

 Masigla na siya kasi daw naakbayan na niya ang most famous author in wattpad here in the Philippines, kaya siya tuwang tuwa tsk.

 "Uwaaaaah! Di talaga ako makapaniwala na naakbayan ko si FAFA MATTHEW!!!!" Here we go again, paulit ulit po niyang sinasabi ang mga katagang iyan. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay sobrang hyper niya pa din...

 "At dahil naakbayan ko si Matt pa sleep over ako ah?" Sabi niya aangal pa sana ako kaso bigla siyang tumakbo papuntang taas. 

 "Haist napaka kulit talaga, isip bats" nangingiti kong sabi. 

 Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na tulad niya, na handa akong damayan,pasayahin, intindihin yung ugali ko at sakyan ang aking mga kalokohan. I'm so lucky that I have a friend like her. 

 "Reign! Reign! Basahin mo itong ANG BUHAY PARANG LIFE ni Matt maganda yan swear!" Naeexcite na sabi niya habang nagtatatalon sa kama ko tapos ang kanyang kanan kamay ay naka taas na para bang nanunumpa at yung kaliwang kamay naman niya ay hawak ang libro. 

"Haaaaay Oo na! Mahiga ka na lang baka masira mo yung gorgeous kama ko" sabi ko sabay roll eyes

 "Arte" bulong niya kahit rinig ko naman ito, hindi ko na lang pinansin at kinuha ko na lang sa kanya ang libro.

 "Hoy ano? Di ba maganda di ba? Di ba?" pangungulit sa akin ni Chelsea pero sa halip na pansinin ay mas nag focus ako sa pagbabasa. 

 ~*~ 

 Alas tres na nang madaling araw pero gising pa din ako dahil tinapos ko yung story, sa totoo lang maganda siya. 

Tungkol ito sa babaeng mabilis ma fall, lagi na lang siyang nasasaktan at iniiwan. Pero isang araw may isang lalaki na lumapit sa kanya habang umiiyak siya kinomfort niya ito, hanggang sa lagi na silang magkasama, naging mag best friend sila at the end nagka developan sila kahit na madaming hadlang sa pag iibigan nila pero sa huli mas nanaig pa din ang kanilang tunay na pagmamahalan. Napatingin naman ako sa katabi kong tulog na tulog. 

Napangiti na lang ako, kaya pala baliw na baliw 'to sa wattpad. Maganda nga talaga at may matutunan ka ding mga aral sa bawat kwento. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Zzzzz zzzzzz -o-



~*~

 "Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!"

 "Aish!" Nagtalukbong ako ng kumot at natulog ulit -o- Zzzzzzz Zzzzzzz 

 "Hoooooooy babae gumising ka na ngayon ang balik nila tita galing Spain" sigaw na naman ng mega phone este best friend ko

 "Huh?! Anong oras na ba?" Natatarantang tumingin ako kay Chelsea

 "Uhm 10:48" sa nito

 "Oh shit!" Dali dali akong naligo at nag ayos 11:30 ang dating nila mommy galing Spain, as usual business matter.

 ~*~ 

 11:45 nang makarating kami sa airport, humahangos na hinanap ko sila mommy.

 "Mom! Dad!" Sabi ko sabay yakap sa kanila.

 "Princess!" Sabay na sigaw nila 

 "Kamusta ka na anak?" 

 "Oo nga kamusta anak?"

 "Gumaganda ka ah may boyfriend na siguro ang ating princess"

 "Kamusta ang pag aaral anak?"

 "Hep! Andaming tanong isa isa lang mahina kalaban" sabi ko sabay pout ^ω^ tumawa lang sila at bumaling sa likod ko 

 "Oh Chelsea nandito ka pala!" Sabi ni mommy 

 "Ay hindi tita statwa ko lang toh" biro ni Chelsea 

 "Haha di kita napansin" sabi naman ni daddy

 "Omygas Tito! Sa ganda kong toh di nyo ko napansin?!" Pagbibiro niya ulit Sabay sabay naman kaming napaubo nila mom kaya naman nag pout siya at sinabing 

 "Magpacheck up nga kayo baka tuberculosis na yan" sabi ni Chelsea

 Kaya naman binatukan ko siya at niyaya na sila mommy umuwi.....

True Heart of a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon