Chapter 3

13 0 0
                                    

Reignielle's POV

Monday na ngayon at may pasok na ako, actually ngayon na lang ang pasok namin dahil ga-graduate na kami.



"Reign ija bilisan mo mag aalmusal na tayo!" pagtawag sakin ni mommy

"Opo ito na po pababa na" sagot ko at iniligpit ang aking mga abubot.


"Kamusta naman ang pag aaral mo anak?" Tanong sakin ni dad nang makababa ako sa hagdanan.

"Uhm ok naman po. Ngayon po ang general practice namin sa graduation." Sabi ko sabay subo ng pan cake.

"Balita ko you're running for salututorian ah!" Proud na sabi ni mommy

"Ah opo sa friday na rin po pala ang graduation namin, sa gym po gagamapin." Sagot ko naman

"We're so proud of you anak keep it up" sabi ni dad sabay thumbs up pa

"Thanks mom and dad" sabi ko sabay yakap sa kanila

"Hmmm I have to go na pala 7:39 na" sambit ko dahil alas otso ang pasok ko, mag pa practice na lang kami para sa graduation

"Ok ingat princess!" Sabi ni mom

Kiniss ko naman silang dalawa bago umalis.



I'm in grade 10 and I'm running for batch's salututorian habang si Chelsea naman ay ang first honorable mention.

✘ⓐⓣ ⓣⓗⓔ ⓢⓒⓗⓞⓞⓛ✘

Tinext ko si Chelsea para sunduin niya ako dito sa field. Hindi ko kasi alam kung saan sila nagpa practice.

To: Chelsea BFF <3

Hoy sunduin mo ko sa field! Pleeeeeeeaaaaaassssssssss ^o^.

Sent!



"Hoy!"

"Ay elepanteng pinaglihi sa unggoy!" Sigaw ko

"Leche sinong elepente ang pinagsasasabi mo?" taas kilay niyang tanong.

"Ikaw," mahinahon na sabi ko

"Aish tara na nga mabugbog pa kita eh" naiinis na sabi niya.

Isa-isa kaming nag martsa by section, at dahil star section kami, kami ang unang mag mamartsa. 

 Pagkatapos namang mag martsa pinakilala nila yung mga sponsors, teachers at principal. Then umawit kami ng pambansang awit, kumanta rin kami ng prayer song, tapos kinanta namin yung iba't-ibang hymn song. 

 Grabe di ba? Walang katapusang kantahan, singing contest ata ito eh! Noong tapos na kami sa pagkanta ay pinaupo na kami.

 Gumawa naman yung mga staff ng iba't ibang mga seremonyas. Tapos pumila ulit kami at isa-isang pinaakyat said stage. Tinuruan kami kung paano ang tamang pagkuha ng diploma at kung paano ang tamang pakikipag kamay. Pagkababa ng lahat sa stage at namumpa naman kami. 

Hay Salamat! Tapos na din ang aming practice. 

Wala na kaming gagawin sa Tuesday to Thursday magpahinga na lang daw kami. 

"Nakakapagod noh?" Sabi ni Chelsea nang makalapit siya sa akin. 

Nasa exit na kasi ako. "Oo nga eh Hagardo Verzosa na ako" sabi ko habang nag aayos ng buhok. 

"Tara umuwi na tayo may ipapahiram ako sayong libro yung Hell University ni Darling KIB." Kinikilig na sabi niya habang hinihila niya ako papuntang parking lot.

 "Sabay ako sayo ah? Sabi ko kasi sa driver ko wag na akong sunduin kasi sasabay ako sayo." Daldal na naman niya. 

 "OK" sabi ko sabay pasok sa kotse ko.



-S A B A H A Y-

 "Manang pakidalahan po kami ng mireyenda ni Chelsea sa kwarto" sabi ko sabay akyat papuntang kwarto, sumunod naman si Chelsea sa akin. 

 "Ok po ma'am"

 "Uyyyyy basahin mo na 'to" sabi niya sabay abot sa akin ng librong Hell University Kinuha ko naman ang libro at sinimulan basahin ito.

 ~tok~ ~tok~ 

 "Ma'am ito na po yung mireyenda nyo" sabi ni Manang

 "Chelsea buksan mo nga yung pinto" utos ko dito, wala naman kasi siyang ginagawa nag cecellphone lang, siguro nagbabasa din ng wattpad. 

 "Wooooooow! Cookies!" sigaw ni Chelsea sabay kuha nito kay manang.

 "Salamat po manang" sabi ko habang hindi inaalis ang paningin sa libro 

 "Thank you manang your the best!" Pambobola pa ni Chelsea

 "Hahaha! Ikaw talagang bata ka" tanging nasabi ni manang at bumaba na 

 "Hoy kumain ka muna!" Sabi ni Chelsea habang kinakalabit ako. 

 Sinarado ko muna yung libro at kumain muna. 

 "Alam mo Chelsea naiintindihan na kita ngayon kung bakit gustong-gusto mong magbasa ng wattpad, maganda pala talaga." nangingiting sabi ko 

 "Sabi sayo eh! Gamitin mo na kasi yung cellphone mo kesa pabulukin mo sa cabinet. Gumawa ka agad ng wattpad at Facebook account" sabi niya

 "Sige na nga pero after graduation na" pag sang ayon ko.

 "OMG!!!!!!!!!! Yeheeeeeey!" Nagtatatalon na sabi ni Chelsea. Tsk baliw talaga (^.^)/

True Heart of a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon