Noong una wala akong alam sa mga gadgets na yan! Ni wala nga akong facebook eh... Hindi rin ako mahilig magcomputer, Ewan ko pero wala talaga akong interes sa kanila... Hindi rin ako mahilig magbasa ng libro o mga wattpad...
Hindi ko alam kung bakit wala akong amor sa mga gadgets, karamihan ng kakilala ko ay adik na adik dito. Pero isang araw naging katulad na rin nila ako, naging libangan ko na ang pag cecellphone, hindi ko na nga ito mabitawan eh...
WATTPAD
Sa wattpad nagsimula ang lahat kung bakit ayaw kong tigilan ang cellphone ko.
WATTPAD na kung saan lagi akong napapangiti,naiiyak,naiinis at kinikilig..
.WATTPAD na kung saan madami akong natuklasan na bagong mga salita.....
Isa lamang akong 'silent reader' kung tawagin ng iba....Ngunit hindi ko inaakalang magiging masugid akong taga hanga ng isang author.Na kung saan lahat ng kanyang book signing at meet and greet ay naroon ako. Tinitiis kahit sampung oras nang nakapila para lang makita siya.
Ang simpleng pang iidolo ko sa kanya ay napalitan ng paghanga na di kalaunan ay naging pagmamahal. Dahil isang araw ay naging malapit ako sa kanya... napakabait, maaalahanin, maalaga at gwapo.... Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya? Eh nasa kanya na ang lahat.
Pero ang hindi ko talaga inaasahan ay ang pag amin niya sa akin....
Na naging kami....
Tama nga sila "EXPECT THE UNEXPECTED" I am Reignielle Evans and read the TRUE HEART OF A FAN.
BINABASA MO ANG
True Heart of a Fan
RandomIsang babae na walang pakialam sa mga gadgets at sa social media. Pero isang araw nagbago ang lahat, active na siya sa social media at adik na adik na siya sa cellphone ng dahil wattpad. Gandang ganda siya sa mga storya dito lalo na sa mga kwento ng...