Chapter 1

6.5K 44 0
                                    

CHAPTER ONE

 

PASALAMPAK na naupo sa upoan ng eroplano si Caitlyn nang makapasok na siya. Agad siyang sumandal sa headrest nito dahil talagang pagod siya sa mahabang biyahe niyang iyon mula sa resort nila sa Palawan. Dagdag pa doon ang pagsakit ng ulo niya. Galing kasi siya doon para tingnan ang lagay ng kanilang negosyo.

            Kung hindi lang talaga nakiusap ang kanyang Mama Carmela na pumayag sa gusto ng Papa Antonio niya na magsimula nang pag-aralan ang pasikut-sikot ng kanilang negosyo noon na kalaunay totohanan na pala siguro’y hindi siya makakapupunta doon. Nag-iisang anak lang kasi siya at wala nang iba pang magpapatuloy na kanilang negosyo kundi siya. No choice. Kaya sinunod na lang ang kanyang ina kahit na ayaw niya.

            Graduate siya ng Business Administration sa Ateneo at doon din siya nag-MBA. Sa katunayan ay hindi rin niya gusto ang kursong iyon. Gusto niyang kumuha ng Fashion Designing noon sa Paris pero ang kanyang papa pa rin ang nasunod.

            Wala rin siyang boyfriend ngayon, kaya wala siyang ibang pwedeng pagkaabalahan kundi ang kanilang negosyo lamang. Mag-iisang taon na ang nakaraan ng maghiwalay sila ni Dominic Castro dahil ipinagpalit siya sa isang former beauty queen na naging sikat na ring modelo ngayon. Pero nabalitaan niya lately na initsapwera din ito ng naturang modelo. Simula noon ay hindi na siya nagkaboyfriend dahil sa nagkaroon siya ng phobia. Nauwi sa wala ang tatlong taong relasyon nila ni Dominic.

            Dahil sa pride ay pumasok din siyang bilang isang modelo. Nagtagumpay naman siya at naging kasingsikat din noong modelong ipinagpalit sa kanya ni Dominic. Ginawa lang niya iyon para ipamukha kay Dominic na dapat itong manghinayang sa pakipaghiwalay nito sa kanya. Pagkatapos ng isang taon ay tumigil rin siya at iyon nga ay tumulong na siyang pamahalaan ang kanilang mga negosyo.

            “Miss, water please----” aniya. Gusto niyang uminom ng gamot dahil sa talagang masakit na ang ulo niya.

            “Ako rin,” sabi ng lalaking katabi niya sa stewardess na lumapit sa kanila. Nasa kaliwang bahagi niya ito dahil sa nasa malapit siya sa bintana nakaupo.

            Tinapunan niya ito ng tingin at hindi niya inaasahang magtatama ang kanilang mga mata. Hindi siya tiyak kung sa kanya ito nakatingin dahil nakasuot ito ng shades. Binawi nalang niya ang kanyang tingin.

            Para siyang kinilig nang maisip niyang kung sa kanya nga ito nakatingin kanina. Guwapo din naman ang lalaking katabi niya kahit sabihin pang hindi naman niya nakikita ang kabuoang mukha nito dahil sa nakashades ito. Sa tantiya niya, nasa biente-otso pataas ang edad nito.

            Pumikit siyang muli habang hinihintay ang tubig niya. Wala siyang pakialam kahit na gaano man ito kaguwapo. Abala siya sa kanilang negosyo at wala siyang oras para sa mga ganun ngayon.

            “Ma’am tubig po ninyo,” dinig niyang sabi ng stewardess. Nagmulat siya. Bago pa man niya tinanggap ang tubig ay natapon ang baso ng tubig sa katabi niyang lalaki.

            “Shit!”

            Agad niyang kinuha ang kanyang panyo para punasan ang nabasang polo nito. Disappointed ito na napatitig sa stewardess.

            “S-sir, sorry po,” takot na sabi nito.

            “Look what you’ve done!” galit na sabi nito.

            “Mister, pasensya ka na,”singit niya. “Ako ang may kasalanan. Hindi ko kasi agad tinanggap ang tubig. May dumaang isang pasahero at bahagya siyang umiwas kaya hindi sinasadyang natabig ko ang baso.”

No Reasons For Love (Chapter 1 and 2 only unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon