CHAPTER TWO
“I’M GLAD at naalala mo pa kami Sid. It’s been four months ago ng huli tayong magkita,” masayang wika ni Alfred nang makita siya pagbukas ng pintuan ng bahay nito.
“Am I not welcome?” nakangiti niyang tanong.
“Come in. Come in,” yakag nito sa kanya.
Pagpasok pa lang niya ay umagaw sa kanyang pansin ang kisame ng bahay nito. It looks like the ceiling of St. Peter’s Basilica in Vatican. Talagang tinutuo nito ang sumpa nito noon na gagayahin nito ang kisame ng naturang simbahan.
“Ganda ah! Akala ko biro mo lang ‘to noon. Talagang tinutoo mo nga,” aniya na talagang namangha sa ganda nito.
“You know me, pag sinabi ko, gagawin ko talaga,” nakangiting sabi nito.
Paglingon niya sa kanang bahagi ng pintuan ay nakita naman niya ang hagdanan na yari sa Rosewood na nalalatagan ng pulang carpet na sa tingin niya ay galing pa iyon sa India. Ang hawakan naman nito hanggang sa balkonahe sa ikalawang palapag ay gawa sa brass. Ito yung hiningi nito noon sa kanya na desinyo.
Napangiti na lang siya.
Pagkalingon naman niya sa bandang kaliwa niya ay nakita niya ang lumang grand piano na tinutugtugan nila noon ni Alfred noong nasa elementary pa sila. Katabi nito ang mga mamahaling mga porcelain jars na galing sa China. Nasasabi niyang galing iyon sa China dahil sa mga nakaukit doon na mga Chinese characters. Tiyak niyang collection ang mga iyon ni Samantha ang asawa ni Alfred. Hilig nitong mangolekta ng mga mamahaling jars.
“I’m not expecting this na ganito kaganda ang kalalabasan ng desinyong binigay ko sa’yo noon,” sabi niya na parang nalasing pa siya sa pagkamangha sa bahay ng kaibigan.
“Wala ka naman kasing bilib sa mga gawa mo pare, eh.”
Kaklase niya si Alfred Gatchalian sa unang kursong kinuha niya, ang Business Administration sa Ateneo. Dahil sa pagpupumilit ng papa niya na mag-aral ng Civil Engineering sa kalauna’y pinagbigyan niya ito at pumunta siya sa Amerika at doon nag-aral. Nais kasi nito na siya ang susunod sa yapak nito at mamahala sa construction business ng pamilya nila. Wala kasing hilig ang mga kapatid niyang babae sa negosyo nila kaya wala siyang choice kundi pagbigyan ang papa niya.
Pagka-graduate naman niya ng Civil Engineering ay kumuha siya ng ilang units ng Architecture. Hindi pa kasi siya kontento sa kanyang nalalaman doon. At pagkapasa naman niya sa licensure exam ng engineering saka na siya pinaupo ng papa niya bilang CEO ng kanilang kompanya.
“Good to see you again Sid,” anang ng babaeng kakalabas lang mula sa kusina. May bitbit itong mga plato.
“Same here Sam. You still stunning huh? Talagang inalagaan ka ng husto nitong kaibigan ko. Mabuti naman at hindi ka binigyan nito ng sakit ng ulo,” nakangiti niyang sabi at nakipagbiso-biso siya dito.
“Sa awa ng Dios naman ay wala pa siyang ginawang kalokohan sa akin. Because he knows that I will cut that thing,” anang nito na ininguso pa ang ibabang bahagi ng asawa.
Napatawa siya sa tinuran ng asawa ng kaibigan. “Naks pare, talagang dapat kang mag-ingat kay Samantha.”
Napailing na lang ito.
BINABASA MO ANG
No Reasons For Love (Chapter 1 and 2 only unedited)
Storie d'amoreThis is my first novel under Precious Hearts Romances. May 2, 2012 siya narelease noon. Pero ang post kong ito ay parang pagunita lamang. Baka kasi may mga natitirang kopya pa nito sa mga bookstores at gusto ninyong bumili para matapos ninyong basah...