Chapter 24

3.7K 83 0
                                    

Third Person's POV

Pinagbabaril ni Haruka ang dalawang lalaking nagbabantay sa abandonadong lugar sa likod ng MU at agad na pumasok sa loob

Nakita nyang hawak ng dalawang lalaki si Cindy at may baril na nakatutok dito

"Sige, Furukawa. Lumapit ka, tignan natin kung mabuhay pa tong babaeng to"sabi ng kanilang leader

"Ibaba mo yang baril mo"sabi ng isa nilang kasamahan

"Ibaba mo!"sigaw nito kaya agad na binaba ni Haruka ang baril nya at sinapa palapit sa leader nila

Nakita nyang hindi nakatali ang paa nito at tinignan nya si Cindy sa mata at tinunguan. Sinipa ni Cindy at dalawang lalaking nasa gilid nya at kinuha ang baril sa sahig at tinutukan ang leader nila

Sinipa ni Haruka ang isang lalaking sumugod sa kanya at sinapak naman ang isa. Mabilis nyang nilapitan si Cindy at hinila palabas

*BANG*

Ramdam ni Cindy ang pamamanhid ng likod nya. Agad syang sinalo ni Haruka at kinuha ang baril sa kamay nito at binaril ang mga taong kumidnap sa babaeng mahal nya

"Haruka"bulong ni Cindy dahilan para mapatingin sa kanya si Haruka

"Furukawa!"

Dumating sila Captain kasama ang mga pulis kaya agad na binuhat ni Haruka si Cindy

"Furukawa dito!"sigaw ni Felix at tinuro ang kotse nya

Agad nyang pinasok si Cindy sa backseat at sinarado ang pinto "Cindy, Cindy"tawag nya kay Cindy habang hawak-hawak ang kamay nito

"Haruka.....m-masakit"nahihirapang sabi nito at hinawakan ang pisngi ni Haruka

"Im here, baby. If i can make the pain away. Im sorry baby"sabi ni Haruka at hinalikan ang kamay ni Cindy na hawak ang pisngi nya

"Dahil sakin napahamak ka"sabi ni Haruka

"H-haruka, wa-wag mong sisihin ang sa-sarili mo"nauutal na sabi ni Cindy

"Shhh it's all my fault"sabi ni Haruka at napaiyak

"H-happy Mo-monthsary Ha-haruka, I l-love you"huling salitang lumabas sa bibig ni Cindy bago mawalan ng malay

****
-3 HOURS LATER-
Danny's POV

Tatlong oras na kaming naghihintay sa labas ng OR pero walang paring lumabas na doktor

"F*ck!"sigaw ni Haruka at sinuntok ang pader

Masakit na makita si Cindz na nasa loob ng Operating Room habang nagaagaw buhay at kami walang magawa para tulungan sya

Napayakap nalang ako kay Mike at umiyak sa dibdib nya "Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!"sabi ko habang umiiyak at pinalo-palo ang dibdib ni Mike

"Shhh go on, cry"bulong ni Mike

Niyakap ko sya ng mahigpit at patuloy lang na umiyak

****
Cindy's POV

Liwanag, puno ng liwanag ang paligid

Walang kahit anong makikitang kulay. Biglang nagbago ang paligid at naging.....wait! Bahay to ni Daddy ah

Pumasok ako sa loob at umakyat sa taas. Diretsyo ako sa kwarto ni Daddy at.....nandito si Daddy at Tita Monique

"Bakit ba hindi mo nalang ibalik ang batang yun sa mga Park! Hindi naman natin sya anak ah!"sigaw ni Tita Monique

"Bakit anak ba natin ang dalawang batang yun?! Anak mo sa ibang lalaki yun! Kaya mong ipaako sakin ang mga pesteng yun! Si Cindy, sya ang naging buhay ko ng mamatay ang asawa't anak ko. Sya nalang ang maituturing kong kayaman kaya lumayas na kayo ng mga pesteng yun!"sigaw ni Daddy

Umiiyak na lumabas si Tita Monique ng kwarto ni Daddy at agad kong nilapitan si Daddy at hinawakan pero.....tumagos lang ang kamay ko

Tinignan ko ang hawak nyang picture....sandali

Ako yan at may kasama akong batang lalaki

Pamilyar ang mukha nya....sino kaya yan?

Biglang nagflashback sa utak ko ang nakita kong malaking picture frame sa bahay nila Haruka

Sya yun....bakit kami magkasama dyan at.....

Anong ibig sabihin nyan?

The Missing Cinderella of Mr. MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon