Chapter 36

3.9K 68 0
                                    

Haruka's POV

Lasing na silang lahat....ako wala hindi ako nalasing

"Mga mahihina pala kayo"sabi ni Cindy at ngumiti

That smile, the smile that made me fall for her

"Haist! Ilang shot lang pala ang kaya ng mga to eh"sabi nya at tumayo. Nagumpisa syang maglakad

Tumayo na din ako at sinundan sya. Ilang tao nalang ang nandito sa , yung iba wala na at ang iba lasing na

Bigla na lang syang natumba kaya agad ko syang sinalo at tinignan ang maamo nyang mukha

"Haru..."bulong nya at hinaplos ang pisngi ko

"Hahaha ikaw nga"sabi nya at umayos ng tayo

Bigla nya akong hinila papunta sa isang park at umupo kami sa medyo madilim na parte nun

"Alam mo, minsan naisip ko na bakit ang saklap ng buhay? Ikaw pa yung taong nakilala ko at naging boyfriend pero....hindi ko pinagsisihan ang lahat ng yun kasi.......minahal din kita eh"sabi nya at tumingin sakin

"Lasing ka lang, Chase"sabi ko

"Diba si Chase namiss mo pero si Cindy na minahal mo hindi"sabi nya at malungkot na ngumiti

"Ano ba tong pinagsasabi ko? Hahaha nababaliw nanaman ako"sabi nya

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya palapit sakin "Si Chase at si Cindy ay iisang tao lang at parehas ko silang minahal"sabi ko at hinalikan sya

Ramdam ko na natigilan sya sa ginawa ko at agad ding nakabawi. She kissed me back and smile between our kisses

"I miss you, baby"i said when i released her lips

Nakatingin lang sya sakin"Lasing nga lang siguro ako"sabi nya at napailing

Hinila ko sya palapit sakin at pinaupo sya sa kandungan ko "Hindi ka lasing, Cindy"sabi ko at nginitian sya

Agad nanlaki ang mata nya at umalis sa kandungan ko "Omygod! Hindi pwede to"sabi nya

Biglang kumulog kaya agad syang napayakap sakin at tinago ang mukha nya sa dibdib ko "Ayoko talaga ng buhay ko"rinig kong bulong nya kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan

Tinayo ko sya at hinawakan ang kamay nya. Lumabas kami ng park at pumunta sa parking lot ng hotel at pumasok sa kotse ko

"Pumasok ka na"sabi ko

"Ayoko nga baka kung ano pang gawin mo sakin"sabi nya at inirapan ako

"Papasok ka, iiwan kita?"tanong ko

Agad syang pumasok ng kotse ko at sumandal sa upuan nya

"Okay ka lang?"tanong ko

"Hindi...kahit kailan hindi ako magiging okay"sabi nya at pinikit ang mata

Napaiwas ako ng tingin at hinubad ang coat ko "Ano bag address bahay mo?"tanong ko

"Ayoko munang umuwi, gusto kong pumunta sa lugar kung saan pwedeng makalimutan lahat ng sakit"sabi nya

****

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan kita ang city lights, umuulan pa kaya basang-basa na kami

"Masakit parin pala, akala ko okay na ako. Akala ko move on na ako pero bakit tuwing nakikita kita ganun parin....mahal parin kita! Nakakainis! Nakakabwisit! Bakit kasi nauso yung pagibig?!"sigaw nya halata ang pagkainis sa boses nya at galit sya

Umupo ako sa tabi nya "Alam mo, nasabi ko din yan dati nung panahon na umalis ka. Akala ko magisa lang ako nun, nakalimutan kong may mga kaibigan pala ako at nandyan ang parents ko.....muntik na ako mawalan ng pagasa na hindi ka na uuwi ng Pilipinas pero......sabi nila babalik ka kaya lumakas ang loob na babalik ka at bumalik ka nga"sabi ko at tumingin sa kanya

Nakita ko ang pagngiti nya at humarap sakin "Buti ka pa, kasama mo pa sila. Ako....isa nalang ang meron ako"sabi nya

"Ano yun?"tanong ko

"Ikaw"sabi nya at niyakap ako "Namiss kita, Haru. Kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko. Tuwing birthday mo, nagpapadala ako ng isang tauhan para mabantayan ka"bulong nya

Niyakap ko sya pabalik at napangiti "I love you, baby"sabi ko at kumalas sa kanya

Hinila nya ang basang polo ko at hinalikan ako

*****
A/N

Malapit na pong matapos ang The Missing Cinderella of Mr. Mafia. My gosh!

Next UD is on Wednesday, pagnakauwi po ako galing school. Salamat po sa mga sumuporta ng storya kong ito

Gosh! Nakakaiyak! I love you mga cutie readers! Mwuah!

Lovelotz

-clazore_love

The Missing Cinderella of Mr. MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon