Chapter 23

3.7K 76 0
                                    

Cindy's POV

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kawalan. Nandito ako sa garden, magisa lang ako dito. Walang pumasok sa Black Tigers kahit si Haruka, ewan ko ba kung bakit kaya?

Monthsary pa naman namin, September 5 ngayon tapos wala sya *pout* nabu-bwisit na ako

"Cindz, anong mukha yan?"tanong ni Danny

"Kasi naman eh, wala si Haruka. Monthsary namin ngayon, FIRST MONTHSARY yun special occasion tapos hindi ko alam kung nasan sya"sabi ko at napasimangot

"Baka naman naghahanda lang yun para sa Monthsary nyo"sabi ni Danny

"Baka nga"sabi ko at tinignan ang box na hawak ko

Bracelet ang laman nito, pinagawa ko at pinalagyan ko pa ng pangalan nya.

Sinuot ko ang bracelet at tinago ang box sa bag ko bago tumayo "San ka pupunta?"tanong ni Hinata

"Kahit san basta mageenjoy ako"sabi ko at naglakad palabas ng garden

Akmang lalabas ako ng gate ng biglang may humila sakin papasok ng Univ. at dinala ako sa likod ng building number 4

May pinaamoy sila sakin at......

Haruka.....help....

*BLACKOUT*

****
Haruka's POV

Napatingin ako sa paligid. Ayan Perfect!

Tapos na kami ang kailangan ko nalang tawagan ang pinakamamahal ko

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko at tinignan kung sinong caller

Napangiti ako ng makitang si Cindy to at agad na sinagot

"Hel....."

(Makinig ka, hawak ko si Cindy Sanchez. Pumunta ka sa likod ng building number 4 dito sa Montero University, magmadali ka na kung ayaw mong mamatay ang babaeng pinakamamahal mo. Wag kang magsasama ng iba at wag ka ding tatawag ng pulis)

*tooot tooot*

Nandilim ang paningin ko at agad na hinarap sila Captain

"Tumawag kayo ng pulis kapag hindi pa ako nakabalik ng kalahating oras"sabi ko at agad na kinuha ang susi ng kotse ko at mabilis na pumasok sa loob at humarurot

Walang akong pake kung wala akong t-shirt basta kailangan kong makita ang girlfriend ko

'Im going to save you, my Cindy. I promise'

****
Third Person's POV

Nagising ang isang dalaga na nakatali sa isang maliit na upuan at agad na tumingin sa paligid. May tape ang bibig nya para hindi sya makapagsalita

'Haruka..'bulong nya sa kanyang isipan at nagsimula ng umiyak

"Uyy gising na pala ang prinsesa"sabi ng isa sa mga kumidnap sa kanya

May humatak ng buhok nya at tinignan sya ng masama "Buhay mo at buhay ng anak ni Furukawa ang kabayaran para sa namatay kong pamilya"sabi ng kanilang leader at binitawan ang buhok nya

Napaiyak nalang sya at yumuko, wala syang magawa kasi nakatali sya

"Saktan na yan!"sigaw ng kanilang leader

Biglang napaangat ang tingin ni Cindy at tinignan ang mga lalaki sa paligid nya. Nakangising lumapit ito sa kanya, agad syang naging alerto at pinakiramdaman ang paligid

"Alam mo, Cindy. Sayang ka eh, maganda ka, sexy, hmmm mabango at virgin"sabi ng isang lalaki at hinubad ang T-shirt nya

Tinanggal nito ang tape sa bibig ni Cindy kaya agad nyang dinuraan sa mukha ang lalaki. Tinignan ng lalaki ng masama si Cindy at sinampal

"Walang hiya ka!"sigaw nya at sinuntok sa tyan si Cindy

*BANG*

*BANG*

*BANG*

****
A/N

Omo! Omo! Omo! Nakidnap si Cindy!

Alert! Alert! Alert! Systems! May lulusubin tayo!

*System shut down*

Patay! Haruka help!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

-clazore_love

The Missing Cinderella of Mr. MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon