Chapter 12

5.2K 97 1
                                    

Third Person's POV

"Anong kanta?"nakangiting tanong ni Cindy sa mga bata

"All of me po"sagot ng mga bata

"Okay"sabi ni Cindy at inistrum ang gitara nya

"Alam nyo bang maliban sa inyo, Haru sya ang laging kalaro ng mga bata at nagbibigay din sya ng konting tulong. Napakabait nyang bata kakaiba sya kahit busy sya nagagawa nya paring dumalaw dito samin para makipaglaro sa mga bata"sabi ni Mother Lilia

"Lagi nya po bang kasama si Felix Santiago?"tanong ni Haruka habang nakatingin kay Cindy na kumakanta

"Ahh oo pero umalis si Felix mga tatlong taon din namin syang hindi nakita nakapakulit at napakaingay ng batang yan kaya lagi silang nagaaway ng ibang bata dito pero nagkakaayos din makukulit kasi ang mga yan"sabi ni Mother Lilia

"Parehas kayong dalawa"sabi ni Mother Lilia dahilan para mapatingin si Haruka sa kanya

"Ano pong parehas?"takang tanong ni Haruka

"Parehas kayong mabuti at mabait na bata, sana mahanap na ni Cindy ang tunay nyang mga magulang"sabi ni Mother Lilia at ngumiti

Napatingin si Haruka kay Cindy na nakangiting kumakanta halata na masaya sya sa ginagawa nya

Umalis na si Mother Lilia na hindi manlang napapansin si Haruka

"Tol, baka matunaw yan"sabi ni Patrick

Napairap nalang si Haruka at napatingin sa batang nakatingin sa kanya

"Kuya Haru, bakit ngayon lang po kayo dumalaw?"tanong ni Casey

Binuhat ni Haruka ang bata at ngumiti "Busy si Kuya Haru eh tsaka marami akong ginagawa sa school namin"sabi ko

"Pumapasok din po pala kayo"sabi ni Casey na kinataw ni Haruka

"Syempre"sabi ni Haruka

"Bagay po kayo ni Ate Cindy kesa kay Kuya Tyler o Kuya Felix"sabi ni Casey

Binaba ni Haruka ang bata at ginulo ang buhok nito "Alam ko"sabi ni Haruka

Ngumiti ang bata at tumakbo palapit kila Cindy

'Bagay kami, bata na mismo nagsabi walang nagsisinungaling na bata'sabi ni Haruka sa kanyang isipan

****
Cindy's POV

Napatingin ako sa langit at tinignan ang mga batang natutulog

Alas syete palang tulog na sila grabe naman, aga pa ah

"Mother Lilia, pinagambag-ambagan namin yan"sabi ni Captain at binigay kay Mother Lilia ang perang pinagambagan namin

"Naku mga bata, wag na"sabi ni Mother Lilia

"Mother Lilia naman, sige na po. Para naman po sa mga bata yan eh"sabi ni Felix

"Wag na nakakahiya sa inyo"sabi ni Mother Lilia

Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng lalagyan ng gitara ko

"Mother Lilia, sige na"pilit nila

Lumapit ako sa kanila at kinuha ang pera. Pumasok ako sa loob ng office ni Mother Lilia at nilagay yun sa drawer nya

"Pasasalamat po namin yan, masaya kaming makatulong"sabi ko at hinila sila

"Galing ah"sabi ni Thunder at inakbayan ako

Broken yan kaya ganyan, nagshare sya sakin nung naabutan ko syang naglalasing sa kwarto nila

"Hoy! Thunder! Wag mo syang akbayan"sabi ni Tyler at pilit na tinatanggal ang braso ni Thunder sa balikat ko pero pinigilan sya nila Rain

Baliw talaga ang magkakakambal na to

"Shhh wag kayong maingay, tulog na ang mga bata"sita ko sa kanila at lumabas ng Orphanage

Gabi na at naglalakad lang kami, ayokong sumakay o magbike kasi...ayoko lang pake nyo ba?

Napatingin ako sa paligid, ang dilim at sobrang tahimik

"Okay ka lang, Ms. Manager?"tanong ni Rex

"Cindy nalang"sabi ko at tumango

Parang.....may nakamasid samin sa paligid

*meow*

Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko. Gagong pusa yun ah

"Hoo, akala ko kung ano"sabi ni Robin

"Takot ka din no"sabi ni Felix at tumawa

"Ingay mo, Lix"sabi ko at pinaglatuloy ang paglalakad

Nakita ko na bukas ang isang tindahan kasi may mga nagiinuman

"Sandali lang!"sigaw nung isang lasing at lumapit samin kasunod yung dalawa pang kasama nya

"Sandali....Miss, anong pangalan mo?"tanong nung isang lasing at akmang hahawakan ako ng pigilan ni Tyler ang kamay nya

"Pre, wala kang karapatan na hawakan sya"sabi ni Tyler

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa takot

"Bakit syota ka ba nya?"tanong nung isang kasama nya

"P-pwede bang tumigil na kayo, k-kayong tatlong u-imalis kayo dyan"sita ko sa kanila pilit kong tinutuwid ang boses ko kahit takot na takot na ako

Ayokong maulit ang nangyari noon. Yung nakapatay ako.....nakapatay ako ng isang kapamilya ng mga Coudron ayoko ng maulit yun

"Miss, alam mo wag ka ng pakipot"sabi nung isa

Tinignan ko silang tatlo ng masama at napabuntong hininga "Alis dyan"sabi ko

"Bakit iiyak ka na?"tanong nung isa

Sinipa ko ang isa dahilan para sumugod sila

****
A/N

Tyler Sebastian, Robin Montreal, Warren Bautista and Rex Antonio on the media

Si Kris nalang ang kulang kompleto na ang EXO sa storyang to

Ilalagay ko nga sya dito, try ko kung keri

Nakapatay sya ng isa sa mga Coudron, let's find out kung sinong napatay nya

Lovelotz

-clazore_love

The Missing Cinderella of Mr. MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon