Isa sa mga problema namin sa pagtira ni Russel sa apartment ko e yung pagligo, papasok sya sa ojt niya ako naman sa part time ko, paunahan kami palagi.
Eh jusme naman kung maligo kasi siya parang dinaig niya pa mga monghe sa dami ng seremonyas.
Kaya kahit nakamamatay ang tubig sa umaga talagang inaagahan ko ang gising wag lang niya akong maunahan.
Pangalawa, sa pagiging malinis niya MASYADO sa lahat.
Bawal nakakalat lang ang mga libro
Bawal magtapon ng pulbo
Dapat naitatapon agad ang basura sa basurahan.
Dapat naifaflush ng maayos ang inidoro
At kung ano ano pa ang mga bawal at dapat niya lagay niyo na dyan.
Tss.
Dinaig pa na sya yung may ari nung tinitirhan ko e.
Tss.
Ikatlo, dun ko napagtanto na hindi pala sa lahat ng pagkakataon e gentleman sya.
Kasi naman, hinahayaan niya lang ako matulog sa sahig kasi kagaya ko single lang ang bed ko.
Pero minsan kapag ginagabi siya ng uwi, sinasamantala ko ng matulog sa kama ko, syempre kama ko 'to e.
Hampas ko sa kanya yung unan dyan e.
Tss.
Pero masarap sya, as in sobrang sarap magluto.
Try niyo syang i-hire kapag may party kayo.
Hindi kayo magsisisi sa mga luto ng isang Russel Williams.
"Dito ka na"
Napatingin ako sa kanya habang inaayos ang hihigaan ko sa sahig, kagaya ng sabi ko sa taas hindi nga gentleman itong si Russel sa kam--
"Dito ka na huy!"
"San?"
Tinap niya yung kama sa tabi niya
"Ayoko" saka ko ibinagsak ang unan ko
"Dali na!"
At nagbago ang problema namin nun nung gabing kumain kami sa Eastwood
"Wow ah? Napag-isip isip mo ring nahihirapan ako sa pagtulog ah?"
"Oo naman, di naman ganun katigas ang puso ko nu?"
"OA ah?" saka ako tumawa
"Hindi ka pa ba inaantok?"
"Di pa e"
"Nuod tayo Walking Dead?"
"Tara!"
Siguro mga 1am na kami natapos paano G na G kaming dalawa sa mga susunod na episode at 5am pa ako gigising para lang maunahan ko sa pagligo itong si Russel.
"Ikaw na maunang maligo bukas" biglang sabi niya habang nakatalikod sa akin
"Mind reader ka ba?" tingin ko sa buhok niya
"Wala kasi akong ojt bukas"
Tumango-tango ako "Saan nga ba galing yung motor mo?"
Kasi wala talagang motor tong si Russel kaya nakakagulat na mayroon syang motor kanina, naalala niyo ba nung nakaraan? Yung dala dala niya yung bag niya? Diba nga naglalakad lang sya nun?
Kaya nakapagtataka talaga na nagkaruon sya ng motor bigla.
"Sa akin yun, naka park lang sa bakery nina tita"
BINABASA MO ANG
Why Russel Marry Genesis? [ O N G O I N G ]
RomanceBakit nga ba kasi?- Genesis Basta! Baka ma-ispoil natin ang istorya- Russ Sige na nga, shut up na me- Genesis Good Girl- Russ