"Ang taray naman pala this GIRL!"
Nanlaki mga mata ko sa sobrang lakas ng boses ni Shawn, halos masampal ko na sya sa sobrang lakas ng bunganga niya.
"Sus! Kunwari inis pero girl... hm... HAROT!"
Iniripan ko lang sya saka na uminom ng nilibre sa akin ni Shawn na inumin sa infinitea.
Sawa na daw kasi sya sa Starbucks.
Edi sya na mayaman.
Kayniz! 'Kala mo naman napakalaki ng sahod.
Pero habang umiinom, napapangiti ako kapag naalala ko yung mga nangyari nitong mga nakaraan.
"HAROT!" saka niya ako hinampas sa braso at jusko muntik ng matapon yung inumin ko, ibinalik ko lang naman ang hampas niya sa akin ng mas doble sa lakas.
Natawa lang sya.
Abnormal -_-
"Ay! Oo nga pala bakla!"
Natigil ako sa pag-inom "waeyo?"
Napaatras sya sa kinauupuan niya "ano daw? hmm! Confirm! Tinuturuan ka niyang mag Korean nu? HAROT talaga Gene!" saka na naman sya tumawa ng malakas, sinamaan ko na lang ng tingin.
Nakakahiya na kasi sa ibang customers ng infinitea nu?
Feeling kasi nitong si Shawn, sya lang ang nag iisang customer dito.
"Oh! Eto na nga! Remember Franz?"
Tumango ako "kaklase ko yung nung 4th year"
"May nakwento kasi sa akin si madam, may alumni daw kayo echeng sa Sabado na kasi mag retire na yung teacher niyo nung 4th year kayo"
Nanlaki mata ko "Talaga?"
"Yezzy yez! Inform mo na sa fiance mo"
Sinamaan ko na naman sya ng tingin.
Parang gusto kong pumunta na ayaw.
Pero sasabihin ko pa rin kay Russel kung sasama ba sya.
"Sinabihan na rin ako ni Franz e, matagal na" sabi niya habang naglalaro ng Resident Evil 7 "Walanjo! Ang tagal naman mamatay nitong matandang 'to"
"Edi ikaw na updated sa lahat, ikaw na maraming source" comment ko habang nakikinuod sa laro niya "Ay teka lang! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"
"Wala lang"
Sinamaan ko sya ng tingin kahit naka focus sya sa paglalaro "Yan ka na naman sa Wala lang syndrome mo e nu?"
"Hindi kasi ako interesado sa ganun"
Ganyan si Russ, kapag naglalaro minsan lumalabas din yung totoo niyang ugali.
Na minsan, hindi sya interesado talaga sa mga ginagawa niya sa buhay.
Nung tinanong ko sya about sa mga ginawa niya nung high school kami, di naman daw talaga sya interesado sa mga ganun.
Alang alang lang daw yun sa grade dahil pangarap niya talaga maging Valedictorian nung 4th year kami.
Siguro yung pagiging hindi niya interesado yung nag udyok sa kanya para gawin yung mga bagay na yun at para matupad syang maging Valedictorian ng batch namin at para na rin siguro para magkandarapa yung mga babae sa school namin dati ng hindi sinasadya.
"Bakit sasama ka ba?" tanong niya sa akin
Nakatutok pa rin ako sa nilalaro niya, medyo badtrip na rin kasi ang tagal nga mamatay nung matanda. Napapasabunot ako ng buhok kapag hinahabol pa rin siya nung matanda kahit sunog sunog na yung katawan e.
BINABASA MO ANG
Why Russel Marry Genesis? [ O N G O I N G ]
Roman d'amourBakit nga ba kasi?- Genesis Basta! Baka ma-ispoil natin ang istorya- Russ Sige na nga, shut up na me- Genesis Good Girl- Russ