Pangatlong linggo ko na sa pagtatrabaho at isang linggo na lang nagbabalak na akong maghanap ng pag oojthan na company, tinutulungan din naman ako ni Russ sa paghanap ng company sa Jobstreet saka sa Kibbr.
Unang linggo nung huling kong nakita si JA, hanggang ngayon gusto niyang makipag-usap sa akin pero keber lang kasi sa totoo lang ayoko din siyang makausap.
Iba kasi si JA, pag once na tinatamad ka niyang kausapin hindi ka talaga niya kakausapin, kumbaga nafafall ka sa kilos sa mga salita niya pero I know from the start naman na hindi siya seryoso sa akin that's why may mga finifling sya na mga babae na binibida niya sa social media.
Masakit? Syempre. Kahit papaano naman, minahal ko na sya.
Sya kaya yung first kiss ko, nangyari pa yun nung hinatid niya ako sa apartment ko siguro pangatlong beses niya akong hinatid sa apartment.
Nung mga unang mga linggo ang sweet sweet niya pa sa akin, may pa-halik halik pa sya sa knuckles ng kamay ko may pa pat-pat ng ulo, pagulo-gulo parang mga sa bidang korean na lalaki?
Syempre, sa sobrang ka gentleman niya nahulog ang lola niyo.
Kaso after nung one week ng pagiging sweet niya, nag-iba ang ihip ng hangin.
Hindi na sya tumatawag, open sya sa messenger pero hindi niya pinapansin yung mga chat ko sa kanya.
Kung hindi ko pa sya ichachat, hindi niya ako ichachat at kung hindi ko pa sya tatawagan hindi sya tatawag.
Ganern.
Once, tinry ko na hindi ko sya ichat or itext ng tatlong araw at mukhang tuwang tuwa naman sya kasi hindi talaga sya nagparamdam.
Nag sorry sya nun at sinabi niya na nagiging unfair na sya nun pero sa isang sabi lang niya ng 'i love you' okay na ako ulit, okay na kami ulit kahit wala talagang kami.
Pero nalaman ko sa pinsan niya na may girlfriend pala sya.
Dun na gumuho yung mundo namin na pinagsusumikapan kong buoin.
Pero pagkatapos nun, umaasa pa rin ako kasi kahit na nalaman ko na may girlfriend na sya, umaasa akong hiwalayan niya yun tapos ako piliin niya kaso ayun nga umaasa lang ako.
Pero ngayong naka in a relationship ako kay Russel saka sya G na G makausap ako at ako itong hindi talaga nagpaparamdam sa kanya.
"Susunduin kita mamaya ah?" paalala ni Russ habang nagsasapatos ako, papasok na rin kasi ako at sya nagrereview para sa bar exam ng pagka Engineering kahit na mag 5th year pa lang sya kasi nga mas maganda na daw na mapaghandaan agad.
Nakaugalian na rin niyang sunduin ako sa bakery ng tita niya para daw hindi maghinala yung pamilya niya walang something sa amin at gawa gawa lang talaga ang lahat.
"Uhm, may pupuntahan ako mamaya, tetext na lang kita" sabi ko sa kanya
"Saan?"
"Uhm, may kakausapin lang ako"
"Yung JA?"
"Ikaw na talaga stalker"
"May source kasi"
I rolled my eyes "oo na, sige na bye! Review ka lang dyan! FIGHTING!"
Natawa sya ng mahina "FIGHTING! Ingat"
Tumango lang ako sa kanya saka na binuksan ang pinto saka bumaba ng hagdan.
Naging okay naman ang araw ko ngayon, medyo marunong na akong magdecorate ng cake at nakakatuwa nga't nagkaruon na ako ng original decoration na ipinaskil na nila sa album of decorations nila.
BINABASA MO ANG
Why Russel Marry Genesis? [ O N G O I N G ]
RomanceBakit nga ba kasi?- Genesis Basta! Baka ma-ispoil natin ang istorya- Russ Sige na nga, shut up na me- Genesis Good Girl- Russ