Kinabukasan, itinuloy ko na ang paghahanap ng trabaho.
Nagpasa ako sa mga dapat pwedeng pasahan ng resume.
Need lang.
Sana matanggap ako.
Nang maupo ako sa food court ng isang mall medyo kalayuan ng very light sa apartment na tinitirhan ko at inuubos ang ice cream na pantawid init lang ngayong summer ay tumunog bigla ang phone ko.
"Oh? Bakit?"
(Where are you girl?)
"Sta Lucia? Bakit?"
(Punta ka SM Masinag, i'm here. Treat kita. Pambawi man lang sa kasalanan ko sayo)
"Okay okay, papunta na ako"
SM Masinag
"Galit pa rin girl?"
"Medyo"
"Sows! Magugustuhan mo rin yang maliit na raket mo, promise ko sayo" sabay higop niya ng kanyang munting teavana
"Kung hindi lang talaga sa pag aaral niya, hindi ko to gagawin e" saka labas sa baso ko ng straw saka tinikman ang whipped cream.
"True! Running Magna Cumlaude si kuya mo. Kita mo yan? Isang perpektong lalaki na nabubuhay sa panahon ngayon? Saan ka makakakita ng ganyan girl? Kay Russel lang"
I rolled my eyes "edi kayo na close"
"Gaga! stalker lang ng profile niya saka stalker din ng mga stalker niya. Dapat pala magpa hired yan si Russel ng mga body guard e nu? Sure ako na pinagkakaguluhan yan ng mga amazonang taga La Salle"
"DLSU nag aaral si Russel?"
"Yes girl! At wag ka! Ayon sa source ko, President's lister sya mula 1st year niya at sya ang number 1 palagi sa mga exams nila sa kahit anong subject"
Napa oh ako, sya na matalino.
"Pero yung kasalanan mo talaga na binigay mo yung address ko sa kanya e"
"Ayan na girl diba? Naalala ko kasi na hindi ka pa nakakatikim ng kape dito sa Starbucks e, medyo naawa ako sayo so tinreat kita"
"Wow! thank you ah?" saka hinigop yung inorder sakin nitong baklang 'to
Actually si Shawn ay kaklase ko nung 1st year high school kaya kilala niya rin si Russel kaso nga lang lumipat sya agad ng school dahil na rin sa lumipat sila ng bahay pero unfortunately naging magkaklase kami mula 1st year college hanggang 4th year college.
Grumaduate na rin siya at ako ito napag iiwanan.
May dalawa kasi akong bagsak na subject na hindi ko alam kung paanong ang roleta ng grades namin ay isang lumalagutok na singko ang napunta sa akin.
Kaya pinagsusumikapan ko ng maghanap ng trabaho para ako na lang ang mamamasahe sa sarili ko papuntamg school at kung mamarapatin ng Diyos ay sarili ko na rin ang mageenroll sa akin sa next sem.
Tagsawa na ako sa pagmumukha ni Shawn pero sya lang ang tanging naging bestfriend ko ngayong nasa kolehiyo ako.
At alam niya rin yung tungkol kay...
"Oh ano? Kumusta na ang pagpapakatanga mo kay JA alyas Poks short for Pokpok?"
Pinasadahan ko sya ng tingin habang tinitignan ang mga nakapila sa counter.
"Ayun umaasa pa rin"
"Tss. Ang panget panget nun asa ka ng asa, bobo mo pumili ng lalaki e nu? May Russel naman kasi kung saan umaapaw na sa sobrang kaperfect-an pero pinipili mo pa rin yung lalaking panget na nga, wala pang talent, bobo pa sa academics at babaero pa. San ka makakakita niyan, dalaw dalaw nga ng EO friend para mawala yang kalabuan ng mata mo at punta ka rin ng albularyo ng mawala yang iginayuma sayo ng Poks na yan"
Sinamaan ko sya ng tingin "daldal mo"
"Bakit? Hayaan mo silang malaman na tatanga tanga ka" saka siya humigop ulit ng teavana niya pero ubos na pala "Kakastress ka 'te! Makabili nga ng isa pa!" saka sya tumayo at pumunta ng counter
At eto si ako napabuntong hininga habang binubuksan yung phone ko habang binabasa yung mga messages niya at pagbrowse ko ng fb kung saan makikita yung picture niya kasama nung bago niyang girlfriend.
'I love you baby' sabi niya sa status niya habang nakatag sa bago niyang girlfriend
'I love you Gene' sabi niya sa message niya sa akin nung isang gabi.
Minsan kasi mas pipiliin nating magpakatanga na lang sa isang sulok e nu?
Open si JA kaso di naman niya ako chinachat, kung kelan lang niya trip ako pagtripan.
At ako patuloy na umaasa na sana ligawan niya ako, seryosohin ganern.
Pero kagaya nga ng sagot ko kay Shawn, umaasa pa rin ako.
Habang patuloy pa ring hinahalo yung kape ko ay may nagnotify.
Kumunot ang noo ko.
'Liza Soberano likes your relationship status'
Kumunot ang noo ko.
Ha?
Relationship status?
Ha?
Liza Soberano?
OA ah?
"Omaygad!!! Omaygad Girl!!!" nagtatakbong sumisigaw si Shawn palapit sa akin, may gulay nakakahiyaaaaa *face palm*
"Ano ba yun? Ang ingay mo" mahina kong sabi sa kanya
"Gaga. Tignan mo kaya phone mo"
Kumunot ang noo ko saka ko sinunod ang gusto ni Shawn.
At dun nasira ang image ko sa Starbucks SM Masinag Branch.
***
Nakikinig ako ng music habang naglalakad pauwi ng may sasakyan na kulay blue ang sumusunod sa akin sa paglalakad.
Tumigil ako at napapikit, tinanggal ang earphones saka tinignan ang bumababang window at bumulaga ang isang maputing babae.
"Kawawa ka naman Gene, ilang taon na sa Saudi ang Papa mo, naglalakad ka pa rin? Why don't you buy a new car like me?"
Napatingin ako sa kung saan saka ngumiti yung ngiting nakakaasar.
"Taray ng kotse mo ah? Ang ganda, di nga lang bagay sa nagmamanehong wrong grammar"
"At leaaast may kotse, binili namin 'to CAAAASHHH! E ikaw? Ano maipagmamalaki mo?" sabay irap niya sa akin at nguya ng bubble gum
"Maipagmamalaki ko..........." napakagat ako ng labi "Wala"
Tumawa sya ng pang kontrabida (malamang, sya kasi talaga kontrabida sa buhay ko)
"Poor girl like you, omaygash, You are so kawawa, I pity you ew. Btw," habang may kinukuha syang kung ano man sa kotse niya "Tissue oh? Pampunas sa pawis at sa dugo mo sa ilong" saka na naman sya tumawa habang minamaneho yung oh so lovely car niya tss.
"MASIRA SANA YANG GULONG MO BOSET!" saka ko padabog ding itinapon yung bwisit niyang tissue.
Ah, nga pala yung babaeng yun si Annie Dionisio. Isang nakakairitang babae, PERIOD.
Maglalakad na sana ako habang pinapatay ko sa isip si Annie kaso...
"Hoy!"
"Ay puting tupa!" napapikit ako saka napadilat at napapikit ulit ng makitang si Russel pala yung nanggulat sa akin "Walanghiya ka! May kasalanan ka pa sakin! At nga pala papatayin mo ba ako sa gulat, muntik ko na mailuwa puso ko oh?"
"Luh? OA. Sino yung kaaway mo dun?"
"Walaaaa.. T-teka?" sabay turo ko sa mga bagaheng bitbit bitbit niya sa mga kamay niya "Ano yan?"
"Bag"
"Oo, alam ko. T-teka wag mong sabihing?" saka na ako napahawak sa bibig ko "TITIRA KA SA BAHAAAY? I MEAN SA APARTMENT KOOOOOO?"
At binigyan niya lang ako ng ngiti.
Boset na ngiti na yan.
Palaging sa ngiti niya natatapos ang episode ng kwentong 'to.
Tss.
-_-
BINABASA MO ANG
Why Russel Marry Genesis? [ O N G O I N G ]
RomanceBakit nga ba kasi?- Genesis Basta! Baka ma-ispoil natin ang istorya- Russ Sige na nga, shut up na me- Genesis Good Girl- Russ