Naglalakad lang ako papuntang St. Claire Academy dahil malapit lang yun sa apartment ko.
Pagdating ko sa gate ay tumigil muna ako bago tuluyang pumasok. Ang laki pala talaga ng paaralan na to. Ibang-iba sa dati kung paaralan.
Tinignan ko yung papel na hawak ko at room 204 ang room ng first subject ko and it's English.
Nagsimula na akong maglakad at hinanap ang room. Mukhang aabutin ako ng siyam siyam dito ah.Mahigit 15 minutes na akong nag lalakad at umaakyat ng hagdanan pero di ko parin nakita ang room 204. Mangiyak ngiyak na ako. 5 minutes nalang talaga at mag 8: 00 na. Kailangan ko na talagang mag tanong kahit nahihiya ako.
Bahala na.
May nakita akong lalaki, tinawag ko ito.
"Psstt.. excuse me po, pwede mag tanong?"
"Sure." Ngumiti naman ito. Mukhang mabait naman kasi may friendly aura.
"Asan po yung room 204?"
"Ah.. malapit kana miss, yung pinakadulo yun na yun."
"Salamat po talaga."
Ngumiti lang siya at umalis. Nag lakad na rin ako at huminto ng nasa labas na ako ng room.
"Ito na.."
Huminga ako ng malalim.
"Don't block the way."
Dali dali akong lumingon. Oh? Siya yung sa apartment. At ganyan din yung sinabi niya noon sa akin. Tumabi ako ng unti at dumaan naman siya at pumasok na rin ako.
Wait... mag kaklase kami?
Bumuntong hininga nalang ako at saka naghanap ng mauupuan. Ang ingay ng mga kaklase ko. Yung iba nag papaganda. Yung iba naman nag chichismisan at mayroon ding nag haharutan.
Pumunta ako sa pinakalikod at may isa nalang na upuan doon. Pero napasimangot ako, malas ko naman ngayon. Si masungit pa talaga ang maka tabi ko. Pero nasa bakanting upuan ang bag nya eh.
*sigh*
Natatakot akong kalabitin siya. Baka Nakapikit kasi eh habang naka cross arms. Nakakainis talaga ang taong to. Ayaw ko namang kunin yung bag nya baka may mawala at ako pa ang sisihin. Ang sungit pa naman nito.
"Hi class, good morning."
Napa upo ang lahat sa upuan nila maliban saakin ng dumating na ang teacher namin. Pero naka tayo parin ako. Para na talaga akong shunga.
Nakakahiya to. First day na first day ko pa naman. Tumingin bigla yung teacher sakin. Napansin siguro niya na hindi pa ako umupo.
"You can take your seat miss."
"P-pero kasi ma'am.."
Tinuro ko ang bag nong masungit na hanggang ngayon ay nakapikit parin. Ang creepy naman nito.
"Mr. Preston wake up if you don't want to get out in my class, and can you please get your bag so that she can seat?"
Dahan dahang dumilat si sungit at tumingin sakin ng blangko. Nakakatakot naman to. Pero aaminin kung napa ka gwapo niya at nakakatunaw ang titig nya. Kinuha niya yung bag niya at umupo naman ako.
"Thank you." Sabi ko na lang.
Okay naman ang klase. Introduce yourself agad. Yun yung nakakainis eh.
Tumayo ako nong turn ko na.
"Hi I'm Jade Lyn Salvatore. Incoming 17 years old next week." Ngumiti ako at umupo.
![](https://img.wattpad.com/cover/110090040-288-k802441.jpg)
YOU ARE READING
The Guy in the Next Door
Storie breviI love watching you sleep. I love staring at your eyes. I love your smile because it melts my heart. In short i love everything about you. But unexpected things happened and i don't know what to do anymore. You gave up.