Chapter 2 - GALIT

134 2 0
                                    

Friday na ngayon at sa naka raang mga araw ay nag sisimula na talaga ang klase.

At may naging kaibigan na ako. Isa nga lang pero okay na rin kasi mabait naman siya.

Kung tatanongin kung sino?
Hindi si Steve kundi si Mary. Siya yung palagi ko ng kasama.

Kung ano ng nangyari sa masungit na kapitbahay ko?

Aba ewan ko sa kanya. Bahala siya. Nag susungit na naman. Hindi na nga nasundan yung pag uusap namin eh.

Mabubuhay naman ako kung hindi ko siya maging kaibigan. Hindi siya kawalan sa akin.

Walang pasok ngayon kasi freshmen day daw. Pero may kunting program ngayong gabi.

Alas singko na ng hapon kaya lumabas na ako ng apartment. Nag suot lang ako ng dress hanggang tuhod at kunting light make up. Hindi ko na itinali ang buhok ko. Sinuklay ko na lang.

Ayaw ko naman kasi sanang pumunta kasi hindi na ako freshmen pero sabi ni Mary ay kailangan ko daw talagang pumunta para ma experience ko din daw. Marami daw kasing gwapo don. Haha loko talaga yun.

Pag labas ko ay nag lakad na ako pababa ng hagdan ng nakasalubong ko si Steve. Napahinto ako bigla kasi muntik na kaming mag ka banggaan.

Napatingin ako sa kanya. Naka pambahay lang siya kasi short at t-shirt lang ang suot niya. Hindi ba siya pupunta?

Napa tingin din siya sa akin at saka dumiritso ng lakad.

Ayan na naman siya. Nakakainis na siya ha. Hindi na talaga ako nakapag timpi at tinawag ko na talaga siya.

"Steve."


Napahinto siya pero hindi pa rin tumingin sakin. Tinagilid lang nito yung ulo at naka pamulsa.


"Galit ka ba sakin?"


Deritsong tanong ko sa kanya.


"Why would i?"


"Ba't ganyan ka na naman? Hindi ka namamansin at ang sungit mo na naman samantalang nong monday night ay okay tayo."


Tumingin na siya sa akin non. At nag smirk lang siya at bumalik uli sa blangko ang mukha niya.

"We're not friends and i didn't include you to be one. Attention seeker ka pala? Bakit? Gusto mo ba talagang pansinin kita?"


Napa tulala ako bigla. Ang sakit nong sinabi niya. Pero tama rin naman siya. Siguro ayaw lang talaga niya sakin o siguro ganyan na talaga siya.

"Your not even my girlfriend."

Yun yung huli niyang sinabi at saka tuluyang pumasok na sa loob ng apartment niya.

Biglang tumulo ang luha ko.
Ang sakit talaga nong sinabi niya.
Bakit ako naapiktuhan ng ganito?

"We're not friends and i didn't include you to be one. Attention seeker ka pala? Bakit? Gusto mo ba talagang pansinin kita?"


Yun yung mga salitang pa balik balik sa isip ko habang nag lalakad papuntang school. Hindi ko na namalayan at nasa school na pala ako. Napansin ko lang nong tawagin ako ni Mary.

"Jade okay ka lang?" May pag alalang tanong niya sakin.

Tumango lang ako at nag smile ng kunti.

The Guy in the Next DoorWhere stories live. Discover now