Ilang Araw na ang nakalipas pero sariwa pa rin sakin yung pinagluto niya ako. Hindi na siya masyadong snab sakin pero tahimik parin talaga siya. Ako na nga ang nag e-initiate na kausapin siya lalo na sa school.
It was a Saturday morning. Gumising ako ng 7 AM. Nagluto ako ng agahan at pagkatapus ay kumain. Maglalaba ako ngayon since walang pasok. Kakaunti lang naman ang labahin ko.
Mga 9:30 na ako natapos dahil nag linis narin ako ng buong apartment. Umupo ako sa sofa at nag papahinga. Hindi ko mapigilan na isipin si Steve.
"Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?"
Napangiti ako bigla. Crush ko siya nong una,
Pero...
parang lumagpas na ako.
Knock~knock~
Ha?
Wala akong expected na bisita ngayon. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Steve.
"Oh? Steve anong atin?"
"Help me buy some groceries."
"Wow ha, wala man lang hi or hello. Straight to the point agad?"
"Kung ayaw mo then don't."
Tatalikod sana siya Pero pinigilan ko.
"Teka Teka... Ito naman, hindi mo man lang antayin ang sagot ko. Syempre sasamahan kita. Bihis lang muna ako."
Opportunity ko na yun makasama siya. Hindi naman siguro masama na sumama sa kanya. Pagkatapos nong nangyari kagabi kung saan pinagluto nya ako ay parang ayaw ko ng hindi nya ako pinapansin. Gusto ko siyang maging kaibigan kahit hindi ko alam kung kaibigan na ba ang Turing nya sakin.
Pagkatapos kung magbihis ay kinuha ko yung sling bag na laman ang wallet at cellphone ko. Lumabas ako ng apartment saka ini lock ang pinto. Nakatingin ako kay Steve na nakapamulsang tumingin sakin. Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Tss. Ang tagal." Sabi niya sabay talikod at naglakad.
"Wow ha, Matagal na ba yung 5 minutes? Grabe talaga."
Pagdating namin sa parking ay saka ko lang na realize. Motorbike ba ulit ang sasakyan namin?
" I know what your thinking. We will use my car." Sabi niya na nakatingin Pala sakin dahil siguro sa paghinto ko.
"Ah... B-buti naman."
Pagdating namin sa Grocery ay kumuha siya nong lalagyan at saka tinulak iyon. Nasa likod lang ako at nakasunod lang sa kanya. Hindi rin naman niya sinabi kung ano ang gagawin ko. Pero wag naman sana akong gawing taga bitbit mamaya. Sa liit ng muscles ko baka mabalian pa ako ng buto.
Napa hinto ako ng bigla siyang tumigil at lumingon sakin. Yung tingin na nakakatakot ay bakas sa kanyang napaka gwapong mukha.
"Ganyan kanalang ba talaga? Are you my bodyguard coz you're always staying at my back!" Inis na Sabi niya sakin .
"Ha? Eh wala kanamang sinabi kung anong gagawin ko." Napa kamot ako sa batok. Ang gwapo parin talaga kung magalit ang isang to.
" Tulungan mo akong mag grocery. I already told you kanina. Tss.."
" Eh ano bang mga bibilhin mo? Hindi ko naman alam kung ano yung wala sa apartment mo o kung anong gusto mong e stock sa ref m- "
"It's yours."
"Ha?"
Kunot noong tanong ko sa kanya. Anong 'it's yours' ba ang pinagsasabi niya?
" P-para sayo ang mga groceries."
YOU ARE READING
The Guy in the Next Door
KurzgeschichtenI love watching you sleep. I love staring at your eyes. I love your smile because it melts my heart. In short i love everything about you. But unexpected things happened and i don't know what to do anymore. You gave up.
