Chapter 3 - SORRY

188 2 0
                                        

"Jade."




*dug*dug*dug*

Tinawag niya ako sa pangalan ko?

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at nakita kung hindi siya sa akin nakatingin.

"T-tinawag mo ako?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi nag a-assume lang ako.

Saka pa lang siya tumingin sakin. Hindi ko siya mabasa.

"Saan ka galing?" Tanong niya na naka pag pa shock sakin.

"Ha?"

"Tss.. nevermind."

At pumasok ulit ito sa apartment niya. Anong nangyari don? Napakamot ako sa ulo ko. Tsk. Galit tapos ngayon wierd? Tsshh... ewan ko sa kanya.

***

Monday na ulit. Ang hirap talaga bumangon. Nakakatamad talaga pag monday noh. Naligo na ako, nag bihis at kumain nalang ako ng bread at nag kape. Wala na akong oras mag luto,eh.

Pag dating ko sa classroom at saka din dumating yung teacher namin.

Umupo na ako at nakita kung nandon na pala si Steve. As always ay poker-face na naman. Di ko nalang pinansin dahil Hindi rin naman yan mamamansin. Nakinig nalang ako sa teacher namin. Simula ngayon di ko na siya papansinin at Hindi ko na siya kakausapin. Kakausapin ko lang siya kung school related.

During lunch at sabay kami ni Mary na kumain pero ngayon ay tatlo na kami dahil nandito rin si Luke. At masasabi kung pag kasama ko si Luke ang saya lang. Magaan kasi siyang kasama at napaka bait. Habang kumakain ay nakita ko sa counter si Steve na bumili ng sandwich at bottled water pero mukhang hindi siya dito kakain dahil lumabas siya sa canteen pero bago yun ay bigla siyang tumingin sa kinauupuan namin at tumingin siya sakin.

*dug*dug*dug*

Hindi ko magawang umiwas sa tingin niya.



Steve's POV

Tinignan ko si Jade. Simula nong ininsulto ko siya ay hindi na siya nawala sa isip ko. Gusto kung mag sorry kahit hindi ko naman gawaing mag sorry lalo na sa makulit na gaya niya.

Kasama niya yung kaklase naming babae at yung lalaking kasama niya nong sabado.

Kakilala lang niya jan tas kung makapag usap walang bukas. Napa kunot ang noo ko ng inumin nong lalaki ang bottled water na ininuman na ni Jade. Pano ko nalaman? Kasi nakabukas ang bottled water at nasa kamay iyun ni Jade. Kaya napa tingin siya don sa lalaki at sinuntok niya ito sa braso. Tss. Sa canteen pa talaga sila nag lalandian ha.

Tuluyan na akong nag lakad palabas ng canteen. Pumunta akong library at umupo sa medyo tagong sulok at don kumain. Pagkatapos ay nag basa na lang ako ng libro habang hinihintay ang oras ng klase.

Pag katapos ng klase ay hindi agad ako umuwi. Pumunta akong plaza ng school at don gumawa ng assignment ko.

Hindi ko hilig magsalita lalo na sa klase pero hindi ako tamad na estudyante. Mga 6 na ng napag pasyahan kung umuwi. Naka idlip pala ako.

Pumunta akong parking dahil nandon ang motor ko. Nag suot na din ako ng helmet.

Habang binabaybay ang kalsada pa tungong apartment ay napako ang tingin ko sa isang babae na hinahawakan nong lalaki habang yung isa pa niyang kasama ay kinuha ang pitaka nito. Hindi ito nakapalag.

Jade?

Dali dali akong huminto at bumaba sa motor ko at tumakbong lumapit sa kina ruruunan nila.

"What did you do bastard."

Napalingon ang dalawang lalaki sakin at saka kumaripas ng takbo. Hindi ko na sila hinabol dahil umiiyak na si Jade. Nilapitan ko siya at niyakap.

The Guy in the Next DoorWhere stories live. Discover now