UPDATE 1: LARA

118 1 7
                                    

Hello. So I'll start another story kahit di ko pa tapos ung ongoing series ko. :)) Pasensya na pinkpolkadots! :))

Based on reality po kasi yung His Small brown eyes at bumagal na po ung development ng story sa totoong buhay. HAHA! Pasensya na talaga.

Salamats kay Coloured Rainbows dahil nabigyan ako ng idea kung san iikot ang story :))

Before anything else, wala pong chapters tong story. So each part would be named: UPDATE..

So, Here it goes...

--

LARA's POV

Ilang linggo na rin nang magsimula ang summer vacation. Refreshing. Dahil sa wakas ay nakamit ko na ang break na hinihintay ko mula sa 10 buwan ng pag-aaral and for a good-for-nothing relationship.

*RIIIIIIIIINNNNGGGG*

Sino naman kaya ang tumawag?

| Jenise calling.... |

"Hello?", medyo malungkot ang pagsagot ko ng phone.

"Uy! Lara! Pasensya na, ngayon lang ako nagparamdam. So,nagbreak na daw kayo ni Riley?"

Buti naman tinanong mo. Hayy. I surely need someone to talk to.

"Ah, oo e. 2 weeks ago." 

"ANO'NG NANGYARI?!!!!!"

"Aray naman! Wag ka ngang sumigaw!" nagulat ung eardrums ko sa lakas ng boses nya. "He needs a life of his own daw. So, he's moving to California with his parents.", malumanay ang sagot ko.

"Aww, dude." sarcastic naman ang response ni Jenise.  Natawa tuloy ako. Bestfriend ko nga talaga sya :))

"Ewan ko sayo! HAHAHA! Hayaan mo na. Napag-usapan na naman namin ang tungkol dun."

"Hay nako. Anong napag-usapan? E ikaw nga ang huling nakaalam na aalis na ung tao. Oh come on! I told you.. from the very first place, to break up with the bastard! Ikaw lang nman e.."

Tama sya. Ako nga ang huling nakaalam ng tungkol dun. Tama rin sya na matagal na dapat akong kumalas jkay Riley. Tutal, paulit-ulit lang din naman nya kong sinasaktan.

"Haaaay. Lagi ka namang tama. Sana lagi din akong nakikinig sayo." sagot ko.

"ANo ka ba? Wag ka na ngang magsenti dyan! Hayaan mo na ung bugok na un.  Gusto mo labas tayo? May bagong mall sa Binondo." masayang aya ni Jenise.

"May magagawa pa ba ko? Sige. :))"

Binaba ko ang phone at dali-daling nagready.

Ligo..

Bihis..

Ayos..

OFFFFF..

Sinundo ko si Jenise sa bahay nila at saka kami tumuloy sa Mall.

--

Maganda ang mall at nagdecide kaming manuod ng sine ni Jenise. Horror ang napili naming movie. Okay naman at natapos namin ito at paos na paos kami.

"Kain tayo.", aya ko kay Jenise.

"Sige. Madming resto dito. San mo gusto?"

"Hmm. Dun na lang!", sabi ko sbay turo sa unang resto na nakita ko. 

Pumasok kami ni Jen...

Lakad...

Lakad..

*BOOOOOOOOGSH!

"Aray naman!", sigaw ko sa nang may makabunggo sakin. Nalaglag tuloy ung phone ko.

>_____<

"Psh. Sorry miss. Di naman sadya e!", sagot ng lalaki.

"O, talaga tol? Di sadya? Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Text ka ng text!", bulalas ko.

"HINDI KO NGA SINASADYA, OKAY? Sorry." aba. Galit na ata ang loko? Sya pa ang may ganang magalait >,<

"Aba----"

"Tama na nga Lara, kunin mo na ung phone mo sa sahig.", pinutol ni Jen ang sasabihin ko. 

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at kinuha rin ng lalaki ang kanya. Nkatingin kami pareho ng may galit sa isat isa. Pagkakuha ng phone ay inilagay ko agad ito sa bag ko at saka tumayo.

"Napaka-careless whisper! HMP.", bulong ko kay Jen.

Lumabas naman agad ng resto ang lalaki at nakita ko syang sumakay ng motorcycle. Grabe. Mukang action star si Kuya. Naka-leather jacket tapos may motorcycle. HAHA.

--

Pagkatapos naming kumain ni Jenise ay umuwi na kami agad. 

"Itext mo ko kagad pag nakauwi ka na ha?", bilin ko sa kanya.

"Oo. Ikaw din ha?" sabi nya.

Pagdating ko sa bahay, kinalkal ko agad ang bag ko at hinanap ang cellphone ko para maitext si Jenise.

Hanap..

Hanap..

EUREKA!

HA? WAIT?! DI KO PHONE TO AH?!!!!!

"Ay, packing tape! ASAN YUNG PHONE KO?!!!"

Gulat na gulat ako nang makitang kulay green na Blackberry phone ang nasa bag ko. 

EEEEEWWWW. Kulay palaka.

Sa pagtataka kung bakit kulay green imbes na kulay violet ang phone, naalala ko.

"Ung lalaki sa resto!", di ko alam na lumalabas na pala sa bibig ko ang mga iniisip ko.

Malamang nagkapalit kami ng phone. O baka naman modus yon? 

Imposible.

Erase.. erase!

Sa porma nyang yon, mukha syang carnapper at hindi phone-taker. Isa pa , pareho lang kami ng phone unit. Bkait nya naman kukunin yon?! 

Tama.

Nagkapalit kami ng phone.

Tinawagan ko agad ang mobile number ko. Baka sakali....

WTF?!!! BUSY???????

**

NOTE:

Yan lang muna po. Antok na ko eh :))

Kung okay ung story, please vote :))

Salamat.

-- Chromosome.

The Dreamer's manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon