Ina-narrate ko naman po itong story ngayon. HAHA. Medyo sabog si Author kaya ganyan. :DD
Baka po bitin ulit ung UD ngayon. Pasensya na po ♥
BTW, Kaya madaming space kasi para di nakaktamad magbasa :)) Hehe.
--
Sumuko na si Lara sa pagdial ng mobile number nya. Lagi naman kasing busy ang phone nya at alam nyang wala na ring mangyayari.
"Tsk. Ano ba to. Puro naman Busy >,<" inis na inis sya ng biglang makareceive sya ng isang text message.
From: 0917*******
|Hoy. Miss talakera! Alam kong hawak mo ung phone ko. Hawak ko din tong iyo. Will you return it to me. I need it. BADLY.|
Nakilala nya naman agad ang mobile number na iyon. Sakanya yun.
"Ano daw? Miss talakera? Psh. Ang kapal talaga. >,<", inis nyang sabi.
Nireplyan nya ito.
To: 0917*******
|Excuse me? Anong talakera? Carnapper!|
Sa kabilang dako, nareceive naman ni Cyrus ang text message ni Lara.
Nireplyan nya kaagad ito.
To: 0927*******
|Ano ba Miss? Di na ko nkkpgbruan sayo. Pde ba, isoli mo nlng ung fown ko pra mtpos na, okay?|
"TSSSSSSS. Suplado. >,< Bakit, nasakanya din naman yung phone ko ah?! Aissssh.", badtrip na si Lara nang mareceive ang text na iyon.
Nagreply sya: |mygaaad. could you meet me, ryt nw? ngaun na as in!|
Nagreply din naman agad si Cyrus.
|Ok. alm mu ung resto knina db? dun. dun tyo mgkta. asap|
-
Nagmadali si Lara papunta sa resto.
"Bwisit na lalaki to. Ang kapal ng mukha.", bulalas nya sa sarili.
Maswerte si Lara dahil nakasakay pa sya ng jeep ng mga oras na iyon.
Malayo pa sa binabaan ng jeep ang mall kung nasaan ang usapang restaurant ng dalawa dahil sa heavy traffic kaya naglakad pa ng kaunti si Lara.
"Anlaking hassle talaga nung carnapper na yun!!", inis na sabi nya habang hinihimas ang sakong na sumasakit na sa paglalakad.
Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa resto.
Tinext nya ang number nya:
|Carnapper, San k na? Im already here.|
Nagreply naman agad si Cyrus:
|Hoy babaeng talakera! Pde bng mghntay ka!|
Nainis nanaman si Lara.
"Ang kapal naman! Ako pa ang pinaghintay?! >< Mamaya ka lang talaga!"
Mga 20 minutes ang lumipas nang dumating si Cyrus sakay ng motorsiklo.
Lumingon-lingon pa ito upang makita si Lara at nakita nya nga itong nakaupo malapit sa bintana.
Lumapit sya agad dito at ibinagsak ang leather jacket na suot nya sa table.
Napreskuhan naman si Lara.
"Psh. Ang tagal mo naman! Ako na nga tong nag-commute, naglakad, at nagkakalyo ang mga paa sa pagpunta dito, ako pa ang maghihintay!"
"Wala ka ba talagang manners?! Grabe, restaurant to. Hindi palengke. Pwede bang ibigay mo na lang yung cellphone ko para tapos na?!", medyo nairita naman si Cyrus.
"Alam mo.... ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Style mo yan no? HA! Pero sasakyan kita. Cyrus ang pangalan ko."
"Presko! Anong style ang sinasabi mo dyan?! >< Ang gusto ko lng sabihin sayo, magpahalaga ka sa oras! Kawawa siguro ang girlfriend mo. O, ayan na yung cellphone mo! Aalis na ko.", nilapag ni Lara ang cellphone sa table at tumayo. Naglakad na sya palabas ng resto at balak ng umuwi. Naiwang nakaupo don si Cyrus.
Naghintay ng masasakyan sa labas si Lara. Damang-dama na nya ang pananakit ng paa nya.
"Wala na atang masasakyan. Ansakit na ng paa ko. :(((", daing nya. "Tawagan ko nalang kaya si Jenise? Hays. Baka tulog na yun! IM SO HOPELESS!!!"
Maya-maya pa'y may narinig na papalapit si Lara. Sa takot nya, hindi sya lumilingon. Hinawakan nyang maiigi ang bag nya at aktong maglalakad na sana...
"Ganyan ba talaga kayong mga babae?", boses mula sa likod nya.
"Jusko naman! Tinakot mo ko!", pabuntong-hiningang sabi ni Lara nang makita si Cyrus.
"Natural bang nagger kayo?", binalewala naman ni Cyrus ang bulalas ni Lara.
"Ano bang problema mo?! Siguro nakipag-break lang sayo ang girlfriend mo dahil djan sa kupad mo kumilos.", gusto lang sana nyang inisin ang binata.
"That's true.", diretso ang tingin at kalmado si Cyrus. "Kanina lang. Bago ka dumating."
"Oh.", hindi alam ni Lara kung maaawa sya o magdidiwang kasama ng gf ni Cy. "Uuwi na ko, naghihintay lang ako ng masasakyan."
"Wala ka ba talagang utak? Wala ka ng masasakyan ng ganitong oras. Gabi na."
"Maghihintay ako."
Ini-start naman ni Cyrus ang motorcycle nya at sinabing, "Sumakay ka na."
"Dyan?", nag-aalangan pa si Lara. "Ayoko."
"Wag ka nang maarte. Sabi mo nga, may kalyo na yang paa mo. Sumakay ka na."
"Osige.", nakayuko at nahihiyang sabi ni Lara.
"Eto, ikaw na ang magsuot.", iniabot ni Cyrus ang helmet. "Kumapit ka ng mabuti."
Tumango lang si Lara. At pinaandar na ni Cyrus ang sasakyan.
--
NOTE:
Salamat sa naghintay ng UD na to for 112347589+ years :D
Please vote :)