Katherine's POV
Ako si Katherine Ramirez, isang incoming grade 12 student ako. I have 4 siblings. I am the eldest together with my twin brother Ron, next to us ay si Kenneth na magiging grade 9 at ang aming bunso na si Ashley isang incoming grade 7. Kaming lahat ay nag-aaral sa Everest Academy.
Today is June 15 and it's my first day in school, sa kasamang palad I wokeup late. It's already 6:20 am, I rushed to the bathroom and fixed myself. Pagtingin ko sa oras it's only 6:35 am, I still can have breakfast.
I went to the dining room and I saw my dad with my 3 other siblings na nagkukulitan sa mesa, habang si mommy ay hinahanda ang aming breakfast kaya pinuntahan ko siya sa kitchen at tinulungan maghain sa mesa.
After eating, agad kaming nagpaalam na kina mom and dad dahil baka malate na kami nang tuluyan. Sabay lumabas ng gate sina Kenneth at Ashley, habang si Ron naman ay walang paki-alam at naglalakad lang habang nakasuot ang kanyang earphones. Palabas na rin sana ako ng gate nang biglang tinawag ako ni mommy, at may inabot na sulat.
"Erin!! Anak, may sulat na dumating para sayo kanina." Sabi ni mommy.
"Ahh sige ma, una na po ako salamat."
Nagmadali na talaga ako makapunta sa school dahil malapit na talaga ako ma-late ilang minutes nalang. Tumakbo na ako papunta ng school nang makarating ako, hindi pa naman nagsisimula ang flag ceremony.
"Hay salamat hindi pa nagsisimula." Sabi ko sa sarili ko habang hingal na hingal.
"Katherine Ramirez!!"
"Ay palaka!" Wika ko nang nagulat akong may tumawag ng pangalan ko. Pagtingin ko sa aking likod bumungad sa akin ang mga kaibigan kong sina Paolo, Rafaella, Jared at Claire na abot tenga ang ngiti habang kumakaway sa akin. "Ano ba yan makatawag ng pangalan ko, wagas buo pa talaga."
"Eto kasi sina Paolo at Claire kanina ka pa hinahanap." Sabi ng mataray kong kaibigan na si Rafaella. "Ikaw din naman ah! Kunwari ka pa." Ganti sa kanya ng mapagbirong Paolo.
"Ang iingay niyo naman! Mga isip bata." Biglang sabat ni Jared, kahit kailan talaga napakasungit niya. "Palibhasa kasi puro ka video games Jared. Kaya di mo na napansin si Kath." Wika ng masayahin kong kaibigang si Claire. "Isa ka pa. Can you guys just shut up?" Reklamo uli ni Jared.
Bago pa humaba ang bangayan nila inawat ko na sila. "Nako tama na yan haha masyado niyo naman akong namiss." Sakto nagring ang bell kaya tabi-tabi kaming lahat pumila tutal magkakaklase naman kami.
After ng flag cem, umakyat sa stage si Principal Davis. "Welcome students to academic year '17-'18! I am glad that you made it to the next level.. and for the freshmen I welcome you to Everest Academy, I hope you guys do your best for this school year! And thank you for choosing EA."
After ng orientation agad pumunta ang mga students sa kani-kanilang rooms. I sat at the back habang ang mga kaibigan ko ay nasa may unahan, ang unfair talaga nasa dulo ako dahil letter R ang last name ko.
Dumating na ang aming moderator na si Ms. Garcia. She started to call our surnames para sa aming attendance. While I was waiting for my name to be called, naisipan kong buksan ang sulat na natanggap ko, and i was surprised na ito ay galing... "galing sakin?" Mahina kong sinabi sabay bukas nito. Maraming papel ang nakalagay sa loob, but I don't recall writing all these.
Page 1
To my 17 year old self,
Kamusta ka na?? I'm writing this 10 years in the future.."10 years in the future? This is so weird" Sabi ko sa isipan ko.
Tinatanong mo siguro kung bakit ako nagsusulat sa 17 year old self mo. may mga pabor kasi ako na gusto ipagawa sayo kahit na ano mangyari..
Hindi ko na mapigilan sarili ko, baka naman prank lang toh.
para ang pagkaka-maling nagawa ko ay hindi mo ma-ulit at hindi mo ika-sisi in the future. I want you to choose the right path in your life. For now, sasabihin ko ang mga events that happened before, and that will happen...
Nawala ako sa sarili nang tawagin ako ni Ms. Garcia. "Okay so nabanggit na ba ang lahat?" She asked. "Yes, ma'am." Sagot namin ng mga kaklase ko.
"Good. I have someone to introduce to you guys.. sandali lang tawagin ko lang sa labas." Nagbulungan naman ang lahat dahil excited sila sa ipapakilala ni ma'am.
Earlier, akala mo late ka na sa flag ceremony, pero hindi pa, sinalubong ka rin ng iyong mga kaibigan.. After the short orientation, umupo ka sa bandang likod. May ipapakilala si Ms. Garcia, isa siyang transfer student at siya ay si Miguel..
"Okay class, so meet your new classmate. So, tell us about yourself.." Ms. Garcia said to the boy next to her. "Good morning, I'm Miguel Alexander Diaz from Astrid." Maraming nagtilian sa mga babae at sabay sabay nilang sinabing good morning pabalik.
Bumalik ang attention namin kay Ms. Garcia nang magsalita siya muli "Please be seated next to Katherine." At kasabay nito ang pagbasa ko sa sunod na nakasulat sa letter.
He will be seated next to you. Please don't let your friends invite him na sumabay sa inyo mamayang dismissal.. Please, this is my first favor.
Napa-awang ang bibig ko sa nabasa. "This is impossible, maybe this is just a coincidence." I told myself, to try and make me feel better. Ayoko na muna ituloy basahin 'toh.
---
BINABASA MO ANG
Twilight- The Future Awaits
Teen Fiction[ON GOING] Katherine Ramirez has a lot of regrets in life, so she asks her 17 year old self to prevent na mangyari ulit ang mga pagsisising iyon.. the letter that she gave to her 17 year old self predicts about what events will happen in her time...