Katherine's POV
"Hay salamat uwian na!" Singhal ni Paolo. Well I can't blame him nakaka-stress naman kasi talaga ang school kahit first day palang. "Tara punta tayo sa bakeshop namin! Libre ko kayo ng choco at ube bread, specialty namin yon" Pag-aaya ni Claire at lahat kami ay sumangayon sa kanya.
Hindi ako mapakaling tignan si Miguel dahil dun sa nabasa ko. Agad akong napa-iwas ng tingin nang nakita niya akong nakatingin sa kanya, baka akalain niya kung bakit ako tumitingin hay nako pipigilan ko na talagang huwag siyang tignan. Teka mukhang aalis na siya.
Pinuntahan siya agad ni Paolo. "Oh, Miguel! Sumama ka samin." Nagulat naman si Miguel sa kanya. "Oo nga, magandang idea yan Paolo." Pagsangayon ni Claire sa idea niya.
"Sorry di ako pwede. Sa susunod nalang." Nahihiyang sabi samin ni Miguel. "Nako huwag kang KJ Miguel, dali sumama ka na." Sabi ni Rafaella, talagang pinipilit nila si Miguel ah. Matagal kaming tinignan ni Miguel at dahan-dahang tumango. "Yes! Oh, tara na." Masayang wika ni Paolo.
Nagmamadaling lumabas ng room ang mga kaibigan ko at hinila naman ni Paolo si Miguel habang ako ay nag-iisip. Okay lang kaya na sinama namin siya? Ang nakalagay kasi sa sulat ay wag namin siyang imbitahin..
"Katherine! Tara na!" Sigaw ni Paolo mula sa hallway. Lumabas na ako ng room at humabol sa kanila. Habang papunta kami sa bakery eh para kaming mga bata na ang ingay-ingay magkwentuhan at kulitan.
"Miguel ako nga pala si Paolo." Panguna niya sa pagpapakilala kay Miguel. "Ako si Claire.. Siya naman si Rafaella." Sabay turo ni Claire kay Rafaella. Tumango lang siya at sinabing "Raffy in short. Sana maging magkakasundo tayong lahat."
"Siya naman si Katherine." Pagpapakilala sakin ni Paolo. Nginitian ko lang siya at kumaway. "Yun naman si Jared, walang alam kundi maglaro sa cellphone niya, feeling cool." Pang-aasar ni Raffy kay Jared.
Tumawa naman bigla nang malakas si Claire "Naalala ko tuloy dati, sa sobrang busy niya kalalaro ng video games, nahulog siya sa manhole." Nakisali naman si Paolo sa pangaasar "Oo nga, nako Jared baka mangyari ulit yan ngayon, kanina ka pa walang imik kakapindot mo diyan."
Tinignan lang sila nang masama ni Jared, sabay sabing "Kesa naman sumama ako sa inyo katatawa at sobrang ingay. Mukha talaga kayong bata tss." Nagtawanan kaming lahat nang nagulat kaming tumawa narin si Miguel.
"Oh, umimik na rin sa wakas si Miguel." Sabi ni Paolo habang kami ay nagulat parin.
"Saan ka ba banda natawa?"
"Oo nga, saan?"
Pag-uusyoso nina Raffy at Claire.
"Nung nahulog si Jared sa manhole." Sabi ni Miguel habang tumatawa parin. "Ayos, oh diba Jared, lahat ng taong makakarinig ng nangyari sayo dati tumatawa." Pang-asar nanaman nila. "Huwag nga kayo maingay, nanahimik ako dito." Mukhang napipikon na si Jared, pero nakaatawa naman kasi yung time na yon, aputik pa yung manhole na nabagsakan niya.
Natahimik ako saglit nang maalala ko uli yung letter, mukhang wala namang masama na sinama namin si Miguel ngayon. Nakampante tuloy ako kahit papano.
Nang makarating na kami sa bakery, sa labas nalang kami nagintay, at pumasok na sa loob si Claire para bumili. "Eto na! Oh, sino may gusto ng choco bread?" Excited niyang tanong samin. "Oh Miguel, tikman mo yung ube. Masarap iyan. Tyaka ito pa cinnamon." Sabay abot sa kanya ni Paolo na dali-dali namang tinanggap ni Miguel. "Salamat, Paolo."
Napabaling naman sakin si Claire at tinanong kung ano gusto ko. "Kahit ano, okay lang sakin." Sagot ko sa kanya. "Ayan, choco at caramel nalang sayo Kath ah?" Pagabot ko nito sa kanya, nagpasalamat ako agad. "Kayo? Ano gusto niyo?" Pagtanong ni Claire sa iba pa.
"UBEEE!"
"Kahit isang ube lang!"
"Syempre ube!"
Sabay-sabay na bigkas nina Raffy, Jared at Paolo.
Lahat sila may gusto ng ube. Sa totoo lang gusto ko rin ng ube, pero nakakahiya sa kanila at ayos na rin naman sakin ang choco at cinnamon. "Gusto mo palit tayo?" Nagulat ako nang may nangalabit sakin at tinanong iyan, si Miguel pala. "Ha?" Sa gulat ko yan lang nasabi ko.
"Gusto mo ba kako na ube sayo at choco nalang sakin?" Paglilinaw niya sa tanong niya. Teka halata ba sa mukha ko na gusto ko ng ube? "Hmm sige, pwede naman." Casual kong sagot sa kanya, di na ako tatanggi, mukhang willing naman siya tyaka malay ko ba kung baka mas gusto lang niya talaga ang chocolate.
"Miguel, mukhang ang haba naman i-pronounce. Pwede bang Migs nalang ang tawag namin sayo??" Biglang sabi ni Raffy. Ngumiti lang samin si Miguel at pumayag.
Panay parin ang tawanan namin, at di namin namamalayang naka-ilang oras na kami sa pagk-kwentuhan. "Uy mag-gagabi na ang bilis ng oras. Uwi na kaya tayo?" Suggestion ni Jared. "Para sayo mabilis kasi puro ka pindot!" Inaasar nanaman ni Raffy si Jared.
Napagkasunduan naming lahat na magsi-uwi na, naalala ko muli ang sulat at naisip kong mukhang wala naman akong ika-sisisi sa hindi pagpigil ng pagsama ni Migs sa amin. Sa katunayan nag-enjoy pa nga kami at nakikita ko rin iyon sa mga ngiti niya.
Nang makarating ako ng bahay nandun na ang mga kapatid ko sa sala. Nanonood ng K-drama sina mommy at Ash. Si Kenneth naman ay nanonood ng anime at si Ron ay naglalaro ng Dota, habang si dad naman ay natutulog galing work.
Dumiretso ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit sa bag ko, sa kasamaang palad nakita ko nanaman ulit iyong creepy na letter. Kinuha ko ito at nilagay ko sa drawer ko. Magaala- syete na at napagpasyahan kong matulog na.
Paolo's POV
Pagkarating ko sa bahay, may inabot agad na sulat si lola sa akin. "Iho, may sulat na dumating kaninang umaga para sa iyo d ko na na-abot dahil naka-alis ka na"
Nagtaka ako rito pero di ko nalang pinansin. "Ah okay lang lola, nga pala may uwi akong tinapay. Cinnamon flavor po galing kay Claire, paborito niyo ho yan diba?"
"Tama ka apo, salamat. Oh, sige magluluto lang ako sandali ng hapunan mo."
Pumunta na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Binuksan ko ang sulat para sa akin at nakita ko na ito ay nagmula... sa akin.
BINABASA MO ANG
Twilight- The Future Awaits
Genç Kurgu[ON GOING] Katherine Ramirez has a lot of regrets in life, so she asks her 17 year old self to prevent na mangyari ulit ang mga pagsisising iyon.. the letter that she gave to her 17 year old self predicts about what events will happen in her time...