Katherine's POV
Masarap akong natutulog nang biglang may narinig akong ingay sa ibaba. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko ang mga kapatid kong naglalaro sa computer.
It's 2 in the morning and yet they are playing Dota? Even Ashley is playing too. Bumaba ako ng hagdan at pinuntahan sila.
"Huy! Ano ba ang ingay niyo. Alas-dos palang ng umaga oh! Dota na agad ina-atupag niyo. May pasok pa tayo mamaya. Kayo din, pagnagising sila mama ewan ko nalang sa inyo." Saway ko sa kanila, pero hindi nila ako nilingon.
"Ate ano ba, ngayon lang naman eh. Tyaka half day lang naman tayo ngayon." Sagot sakin ni Kenneth habang naka-tuon ang atensyon sa paglalaro. "Ano ba Erin, ngayon na nga lang nagsaya 'tong mga toh e." Pagtanggol ni Ron sa mga nakababatang kapatid namin.
"Alam mo bad influence ka eh noh. At ikaw Ashley, bakit naglalaro ka rin niyan? Alam niyo ba na maraming na-aadik sa Dota at yung "iba" ay napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral? Tulad niyang kuya Ron ninyo." Nako kumukulo na talaga dugo ko sa kanila.
"Eh Ate Erin, di naman po namin papabayaan ang pag-aaral namin." Sagot sakin ni Ashley. "Oo nga ate.. sisiguraduhin namin yun" Pagsangayon sa kanya ni Kenneth.
"Hoy Erin. Hindi ko napapabayaan ang pagaaral ko. Top 1 ako sa klase namin noh tsk." Tanggol ni Ron sa sarili niya.
"Mr.Ron Ramirez sa pagkaka-alam ko dapat tinutulungan mo kong sawayin yang sina Ash at Ke---" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang pinutol ito ni mama.
"Hoy kayo diyan! Anong oras palang at puro na kayo computer nang computer. Ikaw Erin, kelan ka pa natuto maglibang sa computer? May pasok pa kayo mamaya matulog na ulit kayo, kundi ipapa-alam ko ito sa daddy niyo." Sabi ni mama sa amin. Pati tuloy ako nadamay.
Pumasok na ulit si mama sa loob ng kwarto at sinabihan ko na rin ang mga kapatid kong umakyat na.
Nagising ako dahil sa alarm ko. It's already 6am. Nagshower ako agad at nagtoothbrush. Malamig ngayong araw, kaya naisip kong magsuot ng hoodie under my white long sleeved polo, partnered with my short skirt uniform.
Kumain na rin ako sa baba ng biscuit, diet kasi ako😉 charot! So eto na nga 6:30 na pero bakit mukhang di parin bumababa ung 3 kong MABABAIT na kapatid?? Sinubukan kong katukin si Ashley, aba hindi binubuksan ang pinto ah?? Mahimbing pa ata ang tulog.. si Ron naman naririnig ko pang humihilik.. kumatok naman ako sa kwarto ni Kenneth at binuksan niya ito.. well sa kanilang mga kapatid ko masasabi kong mas matino si Ken kesa sa 2.. nakabihis na siya at akmang aalis na.. ano? Walang kain kain? Taray nito, bonga lang ah? Tinanong ko siya kung di siya kakain sabi niya na kumain daw sila kaninang madaling araw nina Ash.. wow edi sila na kumain d man lang ako niyaya kahit nung bumaba ako..
Kumatok na siya kila dad at nagpaalam na para umalis gayun din ang ginawa ko at sinabi ko kay dad na hndi pa gising si Ron at Ash haha boldyak ung mga yon mamaya for sure.
Naglakad na kami ni Ron papuntang school kaso dumating ang mga kaibigan niya kaya iniwan niya ako.. sad naman lagi nalang akong iniiwan..pero nakita ko rin ang fwends ko.. kumpleto sila si Pao-pao si Claire si Raffy si Red at si ay! D pala kami kumpleto wala si Migs.. kaibigan narin kasi ang turing namin sa kanya kahit 1 araw palang kami nagkasabay-sabay..
"Ohayo! Haiii!!" Sabi ko sa kanila na parang bata na nagpa'cute' ng boses hehe ~ohayo means Good morning in Japanese~.
"Ohayo!!" Bati rin nila sa akin
Dumiretso kami agad sa rooms namin. As usual likod pa din ako umupo and sila.. sa harap.
Naglunch time na.. yipeee kakain nanaman ako! Sabi sa inyo char char lang yung diet eh haha..
"Bakit kaya hindi pumasok si Migs?" Takang pagtanong ni Claire
"Oo nga 2nd day palang absent na agad?? Grabeee"-Rafaella
Umuwi na ako sa bahay after lunch.. tama sila Kenneth half day nga lang kami.. pero teka, hindi ata pumasok si Ron d ko siya nakita kanina?? Si Ash lang...
Pagpasok ko ng bahay sinesermonan ni dad si Ron. So far ang narinig ko is 9am na nagising si loko hahah kawawang Aron ayt este Ron sorna.. ayaw niya kasi gamitin ang Aron kasi yun lagi ang tawag ng ex niya sa kanya.. or should I say, 'Baby Aron Ko' hahaah eh kaso sinaktan kasi siya nung ex niya.. kaya ayun heartbroke si bro ko.. kasi naman ang babata pa may ganyan na agad nako.. take note 14 palang siya nun haay tas si gurl 13.. ano nga ulit yon?? Young love? At tyaka ung love at first sight? Nekeee enek ng kelebew.. di ako naniniwala sa mga ganun nako.. lolokohin ka lang nun..
Umakyat na ulit ako sa kwarto para magpahinga.. biglang naalala ko na hindi pala pumasok si Migs.. hmm bakit kaya??
5 days had gone*
Lumipas ang 5 araw di parin siya pumapasok.. hmm di kaya dahil yun dun sa sulat?? Ang unang pabor na hindi ko ginawa??
BINABASA MO ANG
Twilight- The Future Awaits
Teen Fiction[ON GOING] Katherine Ramirez has a lot of regrets in life, so she asks her 17 year old self to prevent na mangyari ulit ang mga pagsisising iyon.. the letter that she gave to her 17 year old self predicts about what events will happen in her time...