DOS

11 3 0
                                    

Chapter Two - Surprise?!

" WELCOME HOME MIKAZA IKE LASTIMOSA!,"

Naramdaman ko naman ang paglaki ng mga mata ko. What the fuck is happening right now? I.. I can't believe this. Nakita ko si Mommy na may dalang malaking box habang nakangiti sa akin. H-how come she's here? Nakita ko pa na lumayo ang kanilang sinasakyan sakin bago ko tinawagan si Bizarre.

Tinignan ko naman ang paligid. Alam ko na kung sino ang may plano ng lahat ng ito. Confetti, party hat, three-layered cake na may Disney princesses sa gitna, human-sized ng mga Disney princesses, aissh basta alam na alam ko na.

Napailing naman ako habang tumatawa. Nagmukhang birthday party ng isang three years old na babae, hayss, kaya palaging si Daddy ang umaayos ng mga celebrations. Nagulat naman ako ng biglang may yumakap sakin. Napapikit naman ako sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya. I miss this scent.

" Same old perfume huh?," natatawa kong tanong sa kanya pagkakalas niya sa pagkakayakap sakin. Nakita ko siyang ngumiti at ayun di ko na makita ang mga mata ni Bizarre.

" Shunga, yan pa talaga ang napansin mo ah?"natatawa niyang tanong. Napanganga naman ako ng may napagtanto ako. Hinawakan ko naman ang braso ni Bizarre na parang nagsasabi ng diyan na muna siya sa kinatatayuan niya at mukhang nakuha niya naman iyon at tinanguan niya ako habang nakangiti.

" I'm sorry for leaving you guys," naiilang kong sambit sa harap ng kanilang lahat--- kay mommy, daddy, Zik, Calvin Nixon's Fam, Bizarre Alcontin's Fam, and our other friends. Nanlumo naman ako ng walang ni anino ni Calvin ang sumulpot aissh, he's on a vacation Mikaza, for Pete's sake.

" It's okay, Az. As long as you're okay," sabi ni Zik. Di pa nga pala ako nakakaganti sa lalaking to pero mamaya nalang muna iyon.

" Are you okay now, Mikaza?," tanong ni Caster, kuya ni Calvin. Tinignan ko muna siya ng matagal. Magkahawig na magkahawig nga talaga sila ni Cav. Mas matangkad nga lang si Cav ng konti sa kanyang kuya.

" Silly, I'm more than okay," natatawa ko pang sambit matapos kong titigan si Caster. Natawa naman ang iba lalo na si mommy, nangingibaw ang hagikik niya sa lahat.

" So I think, let's party?," tanong ni daddy. Naka-corporate attire parin si daddy, mukhang kagagaling sa meeting. Nagulat naman ako ng may umakbay sa akin. It's Zik for fuck's sake.

" Cheer up, Az. You wouldn't want to ruin the mood here," sabi niya habang sumisipol pa. Aissh, I think I don't have any choice here. Tahimik naman akong naglakad papunta sa dining area ng mga Alcontin habang nakaakbay parin si Zik sakin.

" Jay's really awesome, bruh," natatawang sambit ni Zik. Nilingon ko naman siya, akala ko ako (-,- ). Kausap niya pala si Caster na nasa kabilang gilid niya.

" He sure is. 1st year college payun bruh," sabi ni Caster habang umiiling-iling pa. Eavesdropping eh? Wala din naman akong magagawa, nakaakbay sakin ang magaling kong kuya.

" Halata naman sa height niya," sabi ni Zik at tumawa ng malakas. Di naman kami napansin ng mga kasama namin dahil nasa huli kami. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsuntok ni Caster kay Zik.

" Gago, mas magaling pang magbasketball sayo yun," sabi ni Caster. Nakita ko naman ang pagngiwi ni Zik.

" Ice hockey lang oh?," mayabang na sambit ni Zik. Siniko ko naman si Zik kaya nilingon niya ako. Pinagmamayabang niya ngang talaga ang pagiice hockey niya.

" What now Az?," tanong niya sakin. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Caster sakin. Mukhang wala siyang alam na nandito ako sa tabi ni Zik. Nagulat eh.

" You're there Az? I didn't notice you," sabi ni Caster at mahinang tumawa.

" Yeah I'm here. Ang sweet niyo kasi kaya di mo ako napansin," sabi ko at inirapan ko silang dalawa. Ginulo naman ni Zik ang aking buhok. What the fuckin' fuck.

" We're not gays, Mikaza Ike," sabi ni Caster habang tumatawa. Umoo naman si Zik sa sinabi ni Caster.

" Yeah, yeah right whatever," sabi ko while I roll my eyes heavenwards. Before I forgot...

" Di parin kita pinapatawad sa pang-iiwan mo sakin nung biyernes, Zikenyle," sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Tinignan naman ako ni Caster.

" You're there too Az?," tanong sakin ni Caster.

" Yeah, and there's this douchebag na ang kapal ng mukha at iniwan pa ako sa labas ng court," sabi ko at sinamaan ng tingin si Zik na sumisipol-sipol sa tabi ko. Feeling innocent, psh.

" Wait, kakarating mo lang galing sa China nung araw na iyon ah?," naguguluhang tanong ni Caster. Tinanguan ko naman siya.

" Mabuti nga't may tumulong saking basketball player dun," sabi ko at halos ngumiwi lahat ng parte ng mukha ko pagkabanggit ko ng basketball player.

" What?! Why didn't you tell me?!," pasigaw na tanong ni Zik at tinanggal na niya ang kaniyang brasong nakaakbay sa akin, mabuti naman kahit na sobrang oa ng reaction niya.

Nakuha naman niya ang atensyon ng mga kasama namin na nakaupo na sa mesa. Nandito na pala kami sa dining area nina Bizarre, di ko man lang napansin. Psh, as always, attention seeker talaga tong Zik na'to. Nag-peace sign naman si Zik at yumuko nang bahagya. It's a sign of apology and respect.

" We're not done yet Mikaza Ike," bulong ni Zik sakin at tumabi na sa right side ni Mommy. Tinignan naman ako ni Caster ng 'what-the-fuck-is-happening?'. Nagkibit-balikat naman ako, ayokong umusisa pa siya sa problema naming dalawa ni kuya but well, magbestfriend chuchu naman ang dalawang yun. Dumeretso naman ako sa left side ni Mommy at uupo na sana ako ng biglang may nagsalita na siyang dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso.

" Am I late?,"

Last Spin EndsWhere stories live. Discover now