Chapter Four - Treat
Calvin's POV
" Ang aga mo yatang nagising?," tanong ni Bizarre pagkakita niya sa akin at tumawa pa ng bahagya. Tinitigan ko muna siya habang umiinom ng tsaa bago siya sinagot. She's really cute. So as Az, the both of them are cute. Magkaibigan ngang talaga ang dalawang iyon.
" Yeah, di ako sanay matulog sa ibang kama," sabi ko at itinuon ang aking pansin sa dyaryo. Naramdaman ko namang umupo siya sa harapan ko kaya ibinaba ko ang aking hinahawak na dyaryo. Nakita ko namang nagsalin siya ng sariling niyang tsaa. Pati ang paghawak parang bata.
" Oh well, halata naman," sabi niya at uminom ng tsaa habang nakatingin sakin. Sinuklian ko naman ang mga titig niyang iyon at kung ilang minuto kaming nagtitigan ay di ko alam.
" So, How's China?," pag-iiba niya ng usapan at kumuha ng tinapay na nakahain sa mesa. Feel na feel naman niyang kainin ang tinapay na para bang ngayon lang siya nakakain nito.
" China parin naman," sabi ko at uminom ng tsaa. Kinunotan niya naman ako ng kaniyang noo. Kahit anong gawin ng babaeng ito, ang cute niya paring tignan. How did she do that?
" Am I supposed to laugh at that Calvin Richard Nixon?," seryosong tanong niya sakin. Nandiyan parin naman ang kaniyang noo na nakakunot.
" If you say so," sabi ko at nagkibit-balikat nalang. Nakita ko namang inirapan niya lang ako. Hay, ano bang problema ng mga babae ngayon? Parang sasabak lagi sa gyera?
" You're nonsense. Magsama kayo ni Az,hmp," sabi niya at may pailing-iling pa. Napatawa naman ako sa kanyang ginawa. Magkaugaling-magkaugali nga ba talaga kami ni Az? Bakit ang hirap paniwalaan? Napabuntong-hininga naman ako sa aking iniisip.
" Ay ganon. Lalim nang pinaghuhugutan ng hininga mo tsong. Malaki ang problema nito, tsk tsk tsk," sabi niya at tinawanan pa talaga ako kaya tinitigan ko siya ng masama. Wala talaga to sa hulog palagi eh. Nagbibiro kapag seryoso at kapag seryoso naman ay di mo mabibiro. Tsh.
" Shut up Biz," sabi ko at tinignan talaga siya ng masama. Napatawa naman siya sa ginawa ko. So it's payback time huh? Wala talaga sa hulog, tsh.
" Alam mo kase yang si Az. Bato na yan eh, di na yan nakakaramdam. Hayys, kung ako sayo tol dun kana lang sa isa pa naming kaibigan," sabi ni Az at tumawa ng malakas. Nasasapian yata to?
" Baliw ka yata,tsh?," pagsusungit ko sa kanya. Yeah, may nabanggit sina Az at Biz tungkol sa isa nilang kaibigan bago ako nakarating sa buhay ng mga babaeng to. Isa akong transferee nung grade four palang kami at yun daw yung time na lumipad papuntang Europe ang kaibigan nilang iyon. Ang mas malala, lalaki iyon.
" What? Bakit ako nanaman? HAHAHA Don't tell me bumalik na naman? Hahayss, Calvin Richard di mo talaga maiiwasan ang kamandang nang isang Bizarre Alcontin," sabi ni Biz habang umiiling at mahinang tumawa. Nasapo ko naman ang sarili kong noo. She's really full of herself, tsh. Save her.
" Marumi yang isipan mo Bizarre Alcontin," sabi ko at umiling-iling pa. Kaya napahagalpak naman siya ng tawa. She's insane, tsh.
" GOOD MORNING PEOPLENESS OF THIS WORLDNESS,"
Napatayo naman sa gulat si Bizarre kaya napatingin naman ako sa pintuan.
" OHEMGEE ZIKENYLEEEEY," sigaw ni Bizarre at niyakap niya si Zik. Parang di nagkita ng ilang buwan at taon ah?
" BIZARREEEEY," sigaw din ni Zik at yumakap kay Biz. What's wrong with these people nowadays? Ang kokorni na ng mga tawag, tsh.
" Bro," pagsalubong ni Caster. What's he doing here? Tinanguan ko lang siya. Nalilito na ako.
YOU ARE READING
Last Spin Ends
Подростковая литератураAng buhay ni Mikaza Ike Lastimosa ay espesyal dahil ikalawang buhay na niya ito. May nangyari sa buhay niya na hindi niya inaasahan. Nagmahal siya ng isang basketbolista at nasaktan lang din siya dahil dun. Kaya niya pa kayang umibig muli? Isusugal...