SINGKO

2 1 0
                                    

Chapter Five-Car Owner

" I think I left my phone inside your car," frustrated kong sagot sa kaniya. Tinignan ko naman ang paligid. Oh, nandito na pala kami sa tapat ng restaurant na kakainan sana namin.

" Oh, just wait here. I'll get your phone," sabi ni Cav. No. Aalis na sana si Cav ng hinigit ko ang kaniyang braso. Napalingon naman agad si Cav sakin.

" No, you should wait here Cav," sabi ko sa kanya at hinatak siya papasok ng restaurant. Yeah right, dito ko nalang papahintayin si Cav sa loob.

" Az, you s--,"

" Please Cav, let me. It's my phone, just hand me your keys. Babalik ako within ten minutes," sabi ko sa kaniya at pinaupo siya sa isang bakanteng upuan, malamang. Napabuntong-hininga nalang siya at ibinigay din ang kaniyang susi, psh, namiss ko tuloy ang magmaneho.

" Okay okay. But why here?," takang tanong niya sakin at inilibot ang kaniyang paningin. Aish, what a waste of time, Mikaza Ike.

" Aish, I think you should order Cav. It's just a waste of time kung uupo ka lang dito and paki take-out nalang kung anong tingin mong masarap. It's for all of us. Don't forget my fries, okay?," habilin ko sa kaniya habang tumatawa. Kinuha ko naman ang aking ATM card at ibinigay sa kanya.

" Okay Az, just be careful," sabi niya at pumila na. Nagmadali naman akong lumabas ng sinenyasan na niya ako. Baka wala na kaming mauupuan nito letse. Aissh, hahanapin ko nalang sina Zik sa parking lot. OH CRAP ANG LAKING PARKING LOT NUN MIKAZA IKE!

Halos takbuhin ko na ang buong parking lot. Ang tanga mo lang kase Mikaza Ike. Kulang na nga kayo sa oras, may pa grand entrance pa yang cellphone mo. Nang makita ko na ang sasakyan ni Cav na nakaparking ay hindi ko na iyon pinalagpas.

Kailangan kong magmadali. Dali-dali ko namang binuksan ang sasakyan ni Cav at hinanap ang aking cellphone. Bakit iba ang amoy? Sumakit tuloy ang aking ilong letse na. Tinakpan ko nalang ang aking ilong ng aking handkerchief at naghanap ulit pero BAKIT WALA DITO SA LOOB?! NASAAN NA ANG CELLPHONE KO LETSE?!

Napatayo naman ako ng tuwid. NALAGLAG KO BA IYON?! Wala naman akong naalalang inilabas ko ang cellphone ko nung inakbayan na ako ni Cav?! Letse?! At dahil sa galit ko ay padabog kong isinarado ang sasakyan ni Cav kaya gumawa ito ng ingay. Oh fuck.

" What are you doing with my car?,"

Napatalon naman ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko at biglang tumahimik ang sasakyan. Galit na galit ito na para bang nangangain ng buhay. Letse na talaga Mikaza Ike. End of the world na ba? Ahuhuk. Hindi nga kay Cav ang sasakyan na ito! LETSE TALAGAAAAAA. Mag-sorry ka nalang Az pagkatapos mong pakalmahin ang sarili mo.

" Are you deaf or something miss?," galit na tanong ng nasa likod ko. Calm down, Az. Nilingon ko naman ang lalaking nagmamay-ari ng sasakyan. Nagulat naman ako ng mamukhaan ko ang lalaking ito.

WHAT THE WHAT?!

MY LUCK IN SHINING SHOES ANG NAGMAMAY-ARI NG SASAKYAN NA KATULAD NG KAY CAV?! Hindi pa narerelease ang sasakyang ito sa Pilipinas, sa China nga nabili ni Cav ang sasakyan niya. Magsorry ka talaga sa kaniya Mikaza Ike, magsorry ka talaga.

" You look familiar," tanong ng aking Luck In Shining Shoes at tumagilid pa talaga ang kaniyang ulo na parang sinusuri ako. Napayuko naman ako sa kahihiyan. Nagulat naman ako ng bigla itong tumawa kaya napatingin agad ako sa kanya. OHEMGEE, NAWAWALA ANG MGA MATA NIYA .

" You're the little girl I met last friday right?," natatawa paring tanong niya sakin. His smile. His eyes. It's too precious. Nung nagkita kami nung Friday ay wala ka talagang mababasa sa mukha ng lalaking ito na para bang bitbit na niya lahat ng problema ng mga tao sa mundo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last Spin EndsWhere stories live. Discover now