Chapter One

69.5K 1.3K 130
                                    

MIKAELA MICHEL

KINABUKASAN. Nagising ako sa mga katok. Pupungas pungas akong umupo sa kama ko habang nakabalot pa rin ang buong katawan sa makapal na kumot. Napakaganda ng panaginip ko, kasama doon ang First ko.

"Good morning, Princess." Napangiti ako sa malambing na bati sa'kin ni mommy.

"Good morning, mom." Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Hinalikan siya sa pisngi.

"Fix your self, Princess. Pupunta tayo sa CSU, makikipagkita ako sa ninang mo then we will go shopping."

Nagningning ang mga mata ko sa tuwa. Agad tumalima. Parang magic word ang binanggit niyang mga salita. Camposano Sebastian University, doon nag-aaral si First ko. University Dean ang Ninang Amor ko doon. Patalon talon akong tumakbo papunta sa CR para maligo.

Mabilis akong natapos sa pagbibihis Ngayon malapad ang ngiting nakaharap ako sa full lenght mirror habang sinusuri ang ayos ko.

Kailangan maging maganda ako para malamangan ko ang ibang mga babaeng nagkakagusto sa First ko.
Nakasuot ako ng Christian Dior large black jeans denim at pinaresan ko iyon ng Gucci off-white cropped cardigan para makita ang hubog ng katawan ko. Kinuha ko ang paborito kong Miu Miu patent sandals. Hindi kataasan ang takong ng sandals ko dahil sa edad kong seventeen halos maabot ko na ang five'six height.

Nakuha ko 'yon sa daddy kong pure Brazilian. Pero ang kutis kong kayumanggi namana ko sa mommy kong pure Filipina. Maraming nagsasabi na mukha daw akong manika, lalo kapag nakatulala at hindi nagsasalita.

Naglagay ako ng red lipstick at kunting pulbo. Napangiti ako, nagustuhan ko ang outfit ko ngayon. Nagmukha akong college student.

Umikot ikot pa ko sa harap ng salamin. Nang makuntento dinampot ko ang  kulay itim kong shoulder bag na binili pa ni daddy mula sa Paris.

"Hindi halatang nagmamadaling magdalaga ang princess namin," biro ni daddy nang makababa ako.

Napanguso ako. Sabay silang natawa ni mommy. "Dalagang dalaga ka na." Natuwa ako sa sinabi ni mommy.

"Dapat lang mommy para bagay na kami ni First ko," sagot ko. Itinago ko ang kilig na nararamdaman ko.

"Let's go then." Agad kaming sumakay sa kotse. Mas lalong napuno ng saya at excitement ang puso ko dahil sa paglipas ng ilang minuto nakarating na kami sa CSU.

"I'm coming my future husband," bulong ko. Nauna akong bumaba sa sasakyan, excited na excited ako.

Unang dumako ang tingin ko sa pinakamalaking building na nasa gitna, iyon ang pinakabungad ng university. Natigilan ako. Napawi ang masaya kong ngiti dahil sa nakita ko. Ang sakit sa mata at sa puso.

Tanaw ko si First ko na masayang nakikipag-usap sa isang babae habang papasok sa building na 'yon. Nakangiti ito, iyong ngiti na hindi niya maibigay sa akin.

Napakasakit pala ang makita siyang may kausap na iba, na masaya at kalmado. Bagay na hindi niya kayang gawin kapag ako ang kausap. Bakit sa'kin lagi siyang nakabulyaw? Sa'kin lagi siyang nakasimangot, laging iritado at laging galit.

Kahit gusto kong umiyak hindi ako nagpahalata sa mga magulang ko. Tiniis ko ang kirot sa dibdib ko, ayokong mag-alala sila. Imbes na magmukmok taas noo akong naglakad papunta sa building na pinasukan nila. Nakangiti pa rin ako.

"Hindi ka na magpapakita sa ninang mo?" tanong ni mommy n'ong makitang hiwalay na daan ang tinatahak ko.

Umiling ako. "Pasabi nalang po ng hi ko." Nakatitig lang siya sa'kin. "Go ahead mom, maglilibot lang po ako sandali."

Castillion Brothers Series 1: First CastillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon