Lost Blood

33 8 0
                                    

"Isa ka na sa amin,Yvaine Arnett" malamig niyang tugon sa akin.

"Ako?Isa sa inyo?nagpapatawa ka ba,Ziba?" Pahalakhak kong tugon sa kaniya.

Ngunit mabilis lamang niya akong napuntahan sa kinaroroonan ko at hinawakan ang magkabila kong braso.Maputi ang kutis niya,ang mata niyang kanina'y normal na itim ay agad nagbago at naging kulay berde ang kaniyang alikmata, at ang kaninang perpektong ngipin ay nagkaroon ng pangil.Isa siya sa mga kinaiinisan kong nilalang!

Buong lakas ko itong inilayo sa akin ngunit nagulat ako sa naging impact nito sa kaniya.Napakurap-kurap ang aking mga mata sa nakita.Ang katawan niya ay naihagis ko sa pader dahilan para magkabakat ng hugis ng katawan niya sa pader.This can't be!

"Kita mo?" Ngisi ang ipinukol niya sa akin matapos ayusin ang sarili niya. "Yvaine,isa ka na sa amin gustuhin mo man o hindi,wala ka ng magagawa kundi tanggapin ang hinaharap.Kailangan mong sumama sa kinaroroonan ko hindi ka na ligtas sa mundo ng mga mortal,mahahanap at mahahanap ka ng mga bampirismo" napalitan ang mapanukso nitong boses sa pag-aalala.

"Wala ng saysay ang pagbabantay mo sa akin,Ziba! Kung ako sayo'y tigilan mo na ako!" Nasasakal kong tinignan ito.

Aalis na sana ako ngunit taliwas ang gusto ng kapangyarihan ni Ziba.Ikinulong ako nito sa malakas niyang pwersa.Gayunpaman ay hindi ko na nagawang mapamangha sa kaniyang kapangyarihan sapagkat madalas niya itong gawin sa akin gamit ang kaniyang isipan.

"Ikaw ang nakasulat sa propesiya,Yvaine! Ako ang iyong tagapagbantay sa ayaw at sa gusto mo ay kinakailangan kitang iligtas sa mga masasamang bampirismo!" Mahinahon ngunit may pagkagigil nitong saad sa akin.

"Propesiya? Matagal na akong walang pakialam sa propesiya niyo! Normal na ang buhay ko rito,masaya na ako,kaya't huwag ka ng magtangkang gambalain pa ako" gigil kong tugon.

Agad kong ginamit ang natitira kong lakas upang malabanan ang pwersang ginamit niya,laking pasasalamat ko ng malabanan iyon.Aalis na sana ako ng magsalita siya na mas lalong nagpagulo sa pasiya ko. . .

"Nais mo bang maamoy nila ang kamandag ng iyong dugo? Nais mo bang ipahamak ang mga kumupkop sa 'yo? Nanaisin mo bang maraming buhay ang mapapahamak dahil lang sa gusto mong maging malaya? Iyan ba ang gusto mo? Ang maging masaya ka samantala maraming nagluluksa dahil sa iyong makitid na utak? O sasama ka sa akin upang walang mapahamak na inosenteng tao?----"

Agad kong pinutol ang gusto pa nitong ipabatid sa akin at hinampas ang nasa harapan kong pader upang matigil ang malikot nitong pangungumbinsi sa akin.

"Tama na! Kung sasama ba ako sa iyo malalaman ko kung bakit ako ang pinili ng inyong propesiya?"

Napahawak ako sa sintido ko at mariin kong tinignan ang babaeng nasa harapan ko na ngayo'y nakangiti na ng nakakaloko

"Oo Yvaine,malalaman mo" ngumiti ito sa akin ng matagumpay 'saka pinitik ang kaniyang daliri dahilan para maiangat ang buong katawan nito sa ere.

"Sasama ako,Ziba ngunit bigyan mo ako ng sapat na araw" bigo ko itong tinignan at walang buhay na umalis sa lugar na madilim.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad naglaho ang imaginary room na ginawa niya.Napatingala ako at nakita ang araw na masigla.

Ito na ba ang simula ng tunay na buhay na inilaan NIYA sa akin?





Lost BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon