{Ang mundo na para sa akin}"Maraming salamat po sa inyo" matipid akong ngumiti sa kaharap ko.
"Hindi ba mukhang nakakatakot na magha-hating gabi na para ba-byahe papunta sa paroroonan mo iha?" Kita ko ang pagtataka nito sa akin.
Ngayon ang napag-usapan namin ni Ziba,kahit na ayaw ko pang umalis dahil sanay ako sa kung ano mang meron na ako ay kailangan ko ng iwan ang nakasanayan ko dahil sa hindi naman ako nararapat sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.
"Naghihintay po kasi sa akin ang mga kamag anak ko po.Maraming-maraming salamat po talaga sa mainit niyong pagtanggap sa akin" sambit ko
Mukhang hindi pa nga sila naniniwala sa akin ngunit mas minabuti ko nalang umalis ng mukhang nagmamadali kahit hindi naman dahil mukhang gusto pa nila ako sa puder nila.
"Pagpasensyahan niyo po sana ang pabigla-bigla ko pong pasiya.Pangako ko pong babalik po ako rito,Aling Perly" muli akong ngumiti sa kanila at umalis na ng tuluyan.
—
"Ang buong akala ko'y hindi ka na naman sisipot, Yvaine" may sigla akong naramamdaman sa boses niya .
Hindi ko ito kinibo.Nagpatuloy kami sa paglalakad at habang papalayo kami ng papalayo sa Bayan ng Masugpo ay padilim din ng padilim sa dinaraanan namin.Napatingin ako sa hawak nitong pana at sa likuran niya na may sampong kakaibang palaso.
"Ano ang gagawin mo sa palaso at pana?" Tanong ko.
Rinig ko ang mahina nitong pagtawa bago tumingin sa akin.Medyo napa-atras ako sa biglaang pagdapo ng mga mata niya sa akin.
"Proteksyon" mahinang tugon niya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakbay.
Mahabahaba narin ang nalakad namin ngunit nagtataka ako kung bakit wala parin kami sa paroroonan namin.Puro mga matataba't matatayog na puno ang nasa paligid namin tanging ang pagsayaw ng puno dahil sa hangin, paghuni ng mga ibon at ang pagtapak namin sa mga dahon na bulok ang ingay na aking naririnig.
"Ziba,malayo pa ba?" Pagtatanong ko ngunit hindi ito nagsalita.
Unti-unting humihina ang paglalakad niya.Anong nangyayari?
"Yvaine,ang dugo mo" may panghihinang tugon niya.
Nalilito ko siyang nilingon ngunit pumikit ito ng madiin 'tsaka tumingin sa akin ng nahihirapan.
"Hanapin mo ang dugo na tumatagos sa iyong katawan,mahihirapan akong kalabanin SIYA kung naamoy ko ang dugo mo" tila pigil na pigil na impit ang boses niya.
Kahit nalilito ako sa sinabi niya ay agad kong ginawa ang sinabi niya,hinanap ko ang dugo na tumatagos sa katawan ko.Nangunot ang noo ko ng makitang nasa braso ko pala ito,doon ko naramdaman ang hapdi ng makitang labis ang pagdurugo nito.
"Yvaine,maging alerto ka may sumusunod sa atin" ika niya.
Pinunit ko ang tela sa suot kong damit at tinakpan ang dugo na tumatagas. Wala akong alam sa kung ano mang sinasabi ni Ziba,wala akong ideya sa lahat ng tinutukoy niya.Kita ko ang paglabas ng pangil niya at ang pamumula ng mga mata niya.Ilang beses ko na siyang nakitang magtrasform ngunit ngayon ko pa lamang nasaksihan kung paano siya makipaglaban.
Napahawak ako sa dibdib ko ng may humawak sa balikat ko.Biglang lumakas ang hangin na aking nararamdaman ng magsalita ang nilalang sa likod ko.
"Siya ba ang hinahanap ng panginoon natin?" Malamig ang boses niya katulad ni Ziba ngunit mas hamak na nakakatakot ang bawat pagbigkas niya ng mga salita.
"Huwag mo akong subukang kalabanin ka,Remada" nakita ko ang pagngisi sa labi ni Ziba matapos niya itong sabihin.
"Huwag kang lilingon sa kaniya,Yvaine!"
Iniangat ko ang tingin kay Ziba na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.Here we goes! I am always demanded by her abilities.
Sinunod ko ang nais niya.
"Ziba,ikaw lamang ang may pinakamisteryosong mga galaw sa ating pamilya.Ibigay mo ang iyong nalalaman"
Buong lakas akong pumikit upang hindi ipaamoy ang takot na nararamdaman ko.Matapang ako ngunit sapat lamang iyon sa isang ordinaryong katulad ko.Hindi ako kasing tapang ng inaakala ni Ziba.Kahit isa man ako sa kanila.
I stiffen when she transform into a horrible creature,doon ako kumuha ng lakas na magtago sa isang puno.
Nagtaka ako ng hindi kumilos ang kaninang tinawag ni Ziba na Remada,isang kurap ko lamang ay naging paniki na ito at lumipad sa gawing silangan.
"Yvaine"
Gulat kong tinignan si Ziba na ngayon ay nasa gilid ko na.Is she doesn't know the word be careful?
"Alam ko na may kapangyarihan ka,Ziba! Ngunit huwag kang manakot! " inis ko itong binalingan ng tingin .
Naging normal na ulit ang mukha niya at maging ang kulay ng kaniyang balat.
"Halika na,malapit na tayo" mabilis niya akong hinawakan sa kamay at muling naglakbay.
"Bakit ikaw ang nasa tabi ko?" Tanong ko sa kaniya.
Hanggang ngayon ay nahihiwagaan parin ako sa biglaang pagsulpot ni Ziba sa mundo ng mga tao noong tumuntong ang taon ko sa ikalabing walo at sinabing siya ang magiging tagapagtanggol ko.Ano ba ang misteryosong nababalot ng normal kong panlabas? Paanong naging ka-uri ko siya.
Ngunit hindi niya ako sinagot at ngumiti lamang ng tipid gaya ng nakagawian niya na.
"Sa papasukan mong mundo,hindi ka pwedeng maging normal.Wala ka dapat pagkatiwalaan,wala ka dapat pagsabihan kong sino ka talaga sapagkat kinakailangan na ikaw lamang ang nakakaalam ng kung sino ka.Sa bawat pagtapak mo ay may makikilala kang impostor,mga peke at higit sa lahat ay halimaw" ngumiti ito sa akin ng malungkot bago niya ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin "Yvaine,ang dugo na nananalaytay sa iyong katawan ay kakaiba,ikaw ang nasa propesiya ngunit hindi ko batid kong ano ang papel mo sa bago mong mundo.Huwag kang magtiwala kahit kanino...kahit sa akin,dahil balang araw magbabago ang ihip ng hangin.Huwag kang matakot dahil habang walang nagbubukas ng mga mata nila ay kaibigan mo silang lahat,kaming lahat,ngunit sa oras na magbigay ka ng kahit anong motibo para buksan ang kanilang mga mata at dakpin ka,wala kang magagawa." Mahabang lintaya niya.
Ano ang ibig niyang sabihin? Dapat ba talaga akong mag-ingat? So,it means she doesn't know me that much as I doesn't know who really am I? How could it be possible?!
"Paano ka nakakasiguro na ako'y ligtas dito?"
"Madali lang dahil naniniwala ako na dito mo mahahanap kong sino ka talaga"
Litong-lito parin ang isip ko sa sinabi niya.Napahinto siya kaya huminto rin ako,doon ako naliwanagan na nandito na pala kami.Agad na lumitaw ang portal .
"Handa ka na ba,Yvaine?"
Bigla akong nangilabot sa ngiti niya at sa kamay niyang nangngusap na sana'y aking tanggapin ang alok niyang pumasok sa kakaibang mundong naghihintay sa akin.
I took her hand and close my eyes.Nang buksan ko ang mga mata ko bumulaga sa akin ang mukhang paraiso.Maraming mga hindi ordinaryong paru-paro ang lumilipad sapagkat mayroong mga tao roon na maliliit.Maliwanag ang paligid dahil sa mga makikintab na mukhang buhangin na ikinakalat ng mga paru-paro. Should I call them fairies?
Napangiti ako sa amoy na aking nalanghap na para bang dumaan ito sa akin.
"Binabati kita,Yvaine Arnett sa mundong naghihintay sa'yo" biglang nagbago ang tinig ni Ziba
Nilingon ko ito ng may pagkamangha dahil ang kaninang pandigma nitong suot ay nag-iba.She's now wearing a black fitted long dress na mas lalong nagpatingkad sa ganda niya.
Napansin ko rin ang pag-iba ng aking damit.Para itong isang school uniform ang kaibahan nga lang ay puno ito ng makikintab.
Ang kaninang takot na naramdaman ko ay napalitan ng excitement....
BINABASA MO ANG
Lost Blood
VampireWhat do you know about Vampires? Do you believe that they really exist? Or Lets just say do you believe in magic? All Right Reserved 2017