ARA P.O.V
"Ang gwapo talaga ni Jeff no? Ang tangkad pa saka ang yaman. Ang yummy niyan! Sarap papakin ang pandesal!"
Ang lalaswa talaga ng mga tsismosa dito sa amin.
"Sinabi mo pa! Kaya nga ang swerte ni Mia eh!" second the motion din ng kasama niya.
I frowned. Ang mga tao talaga dito sa amin, ginagawang agahan, lunch at dinner ang tsismis. Ang pinag-uusapan nila? Yung pinsan ko na si Kuya Jeff na kaka-uwi lang. Sundalo kasi siya na nakadestino sa Mindanao. Kungsabagay di din naman nakakagulat na pag-usapan nila si Kuya sikat 'yun sa mga girls eh.
By the way pauwi na ako, bitbit ang isang kilong bigas. Binibilisan ko na kasi sure akong gutom na ang mga kapatid ko. Wala pa nito sina Nanay at Tatay, nasa laot pa at nangingisda. Malamang bukas pa ang uwi nila.
Bakit mahirap kami at mayaman sina Kuya Jeff samantalang mag-pinsang buo kami? Kasi 'yung kapatid ni Tatay na si Tita Carmen nakapangasawa ng Koreano—si Tito Junseo, kaya naka-angat sa buhay. Sila nga 'yung nagpapa-aral sa amin eh. Di kasi sapat ang kita nila Tatay sa pagkain namin ,minsan naglalabada ako at si Nanay. Graduating na ako ngayon sa hayskul.
Yung dalawa kong Kuya may asawa na at naghihirap din. Anyway, nandito na ako sa bahay. Nangunot ang noo ko nang maabutan ko na kumakain na ang dalawa kong maliliit na kapatid. "Saan kayo kumuha ng pagkain?" tanong ko pagkapasok.
"Kay kuya Jeff po." sagot ni Aris.
Dumoble yata ang kabog ng dibdib ko. "E-Eh asan siya?" Hindi ko din kasi nakita ang sasakyan niya sa labas.
"Nasa likuran po ng bahay."
Napatango nalang ako at pumunta ng kusina para ayusin na ang dala ko. Saglit lang ay bumukas ang pinto ng kusina papasok mula sa likod-bahay. Bumungad ang matangkad at matipunong pigura ni Kuya. "Ang tagal mo naman umuwi." Sabi niya nang yakapin ako sa may likuran.
"Ano ka ba Kuya? Nandiyan mga kapatid ko." Palag ko nang panghahalian niya sa leeg pero di siya nagpa-saway. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero mas lalo lang niya hinigpitan ang yapos sa akin.
"Minsan na nga lang ako umuwi, ang taray mo pa. Di mo ba ako namiss ha?" bulong niya sa punong-tainga ko.
"Andiyan nga sina Aris baka makita nila tayo!" I snapped still trying to free myself from him, but obviously, I couldn't break free from his hold. Ano nalang ang panama ko sa mga braso niyang mahigpit na nakayapos sa maliit kong katawan.
"Kumakain naman sila eh. I miss you." Sabay pihit niya sa akin paharap at hinalikan ako sa labi. Yes, tama ang nasa isip niyo...may relasyon kami ni Kuya.
—and we share a Forbidden Love...
MAS lalong lumalim yung halik niya at ang pagkakayapos sa akin, ako naman ay sinisikap pa ding maitulak siya palayo. "A-Ano ka ba Kuya?" Mahina at humihingal kong palag.
"Ano bang problema mo ha? Di lang tayo nagkita ng anim na buwan, ang arte mo na! Bakit? May iba ka na ba dito ha? May ipinagmamalaki ka na dito? Sino ha?" Galit niyang sunod-sunod na tanong sa akin. Napa-iling ako, di pa din siya nagbabago, napaka-mainitin pa din talaga ng ulo niya. At sa kunting bagay kung anu-ano na ang iniisip.
"Saka nalang tayo mag-usap kung di mainit yung ulo mo." Sabay talikod ko na para maghugas ng plato nang hablutin niya ako sa braso paharap at dinaluhong. Napasandal ako sa lababo.
"Wag mo nga akong tatalikuran kung kinakausap pa kita ha?!"
"Kuya pwede ba, yung boses mo naman! Madinig ka nila eh!" nanggigil na talaga ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Storie d'amoreMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...