[Sophia's POV]
"Wahhhhh!!! May kapatid ka? Myghad! Twin! The who?"- MarielaAnaknang! Andyan na naman ho sila sa ka-oa-yan na yan..di ba nila alam masakit sa tenga ang pagsisigaw nila? Akala tuloy ng mga Tao dito sa park eh kung ano na ang nangyayari dito sa baliw Kong twin =_=..
At tama kayo ng nababasa..nandito nga kami sa park. Malapit lang ito sa Tree House naming magkakaibigan. Matagal na nga pala naitayo ang tree house na yun..dahil din sa tree house na yan kaya kami nagkakilala 2 years ago.[FLASHBACK]
Umalis ako noon sa bahay namin nila Mama dahil nag-away kami. Ayaw niya kasi akong payagang pumunta sa puntod ni papa. Nagtataka ako nun kasi bakit ayaw na ayaw ni mama ako pumunta dun. Sabi niya sa akin bawal daw at baka mawala ako. Hindi ko naman naintindihan ang sinasabi nya sa akin noong panahong iyon. Sino ba naman a g Hindi? Papaano naman ako mamawala nun eh malaki na ako. Katorse na ako at nasa tamang isip na. Atsaka alam ko naman ang daan papunta at pabalik eh..Kaya ang ginawa ko ay umalis ako at pumunta sa lumang playground. Umupo ako sa isa sa mga swing dun at nagpaduyan-duyan..Pinunasan ko ang mga luha na nasa pisngi ko at inayos ang mood ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako nun.Nagising naman ako nang oras na yun dahil sa iyak ng dalawang babae,mukhang magkaedad kami. Hinanap ko naman kung nasaan sila banda at nakita ko sa isang sulok ng slide,mukhang binully yata sila kasi base sa mga itsura nila,may kusot-kusot na damit,magulong buhok at puno ng putik ang damit at katawan.
Nilapitan ko sila at tinitigan. Hindi naman nila ako napansin kaagad kaya nagulat sila nung magsalita ako.
'Anong nangyari sa inyo'
Tinitigan ko ulit sila at nangingilid na ang kanilang mata sa luha.. wala naman akong ginawa eh..aalis na sana ako ng oras na yun baka kasing mapagkamalan pa ako ang may gawa sa kanila..
Hindi ko naman alam ang iisipin or itatawag ko sa kanila dahil sa magkaedad kami at ang tatanda na nila para umiyak.
'S-sandali lang.. d-di-to ka m-muna..wala kaming kasama'
Sabi nung batang babaeng may ipit na ribbon na kulay yellow sa buhok nya (sophie )
'Anong nangyari sa inyo '
Pag-uulit ko sa tanong ko kanina.. at tama nga ako sa hinala ko.nabully nga sila at napagtripang bugbugin..
"Sino ang gumawa nyan sa inyo "
Agad naman itunuro sa akin ng batang babaeng na naka-asul na hikaw. (Kristine).
Tinignan ko naman ang direksyon na tinuturo nya .Nilapitan ko ang grupo ng mga lalaking kasing edad ko rin at binugbog.'Kayo ba ang may gawa nun sa kanila?'..
Sinundan naman nila ng tingin ang tinuro ko. Yung dalawang babaeng binugbog nila.
'Eh.. ano naman kung kami nga? Huh? May problema ka ba dun miss?' - ..sabi nung payatot na mukhang lider ng mga nambugbog sa kanila..kinwelyuhan ko ito itinaas sya gamit ang dalawa kong kamay. Nagulat naman ang mga kasama nya dahil itinapon ko ito dun sa malaking lata na basurahan..
'Oo..may problema. Bakit nyo binugbog ang dalawang yun?' ..
'Wala ka na dun miss..kung ako sa iyo umalis kana baka umiya-putang*na!!'
Daing ng lalaking tinanong ko nang maayos pero Hindi naman ako sinagot ng maayos..
'Kalalake nyong tao pumapatol kayo sa mga babae?! Kabaklaan ang tawag dyan!!...'..matigas kong saad sa mga walang kwentang lalaki na kaharap ko. Susuntukin na sana ako ng lalaki na inihagis ko kanina pero nasapo ko ito at inambahan ng suntok..tumilapon naman sya sa lakas ng suntok ko..
BINABASA MO ANG
My Heartless Gang Princess [On going]
FanfictionThey Call me "Heartless Princess" because I don't give mercy on people I killed. Why? Because I have no heart and I Don't want to show any weakness to anyone. If I do? nahh.. I will lose everything... At wala akong Balak bumalik sa pagiging mahina...