Chapter Forty-Five

4.4K 92 7
                                    

Thaila's POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.... Alam ko galit sya saakin pero pareho lang naman kami hindi nag sabi ng totoo eh. *sign* ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Nakakainis naman eh! Gusto ko rin magalit sa kanya pero hindi ko magawa nakakainis talaga.

Matapos na ang pag papakilala at pag tanggal ng mga maskara namin ang ilan ay umuwi na ang iba naman nanatili muna para makipag party. Nakita ko naman ang Gangmates ko bakas sa mukha nila ang pag-alala saakin.

"Leader.... hmmm... sa sabay ka ba?" Halata sa mukha ni Violet na hindi Alam kung ano ang sasabihin nya.

"Hindi na muna.... mag usap pa kami. Mauna na kayo"- Wala kong ganang sagot. Hindi Ako pwede mag pakita ng kahit na anong emosyon sa kanila dito.

"Hmm ok leader una na kami" sambit naman ni Red. Lumapit naman si Speed saakin.

"Kung gusto mo hintayin na lang kita para sabay na tayo " -Speed

"Wag na Speed.... kaya ko na ang sarili ko"

Wala na silang nagawa kundi ang sundin ako. Ilang minuto lang ang lumipas simula nang umalis na ang mga Gangmates ko nakita ko si Kevin kasama ang mga kaibigan nya. Nag tama ang mga mata namin at agad naman syang lumapit saakin kasama ang mga kaibigan nya. Nakatitig lang sya habang ako ganon din. naputol lamang ang titigan namin ng biglang sumingit si Alvin.

"Hmm Hi Hell... ah ano alis muna kami sege... bye!" Sabay hila ng mga kaibigan nya. Pag alis nila nag lakad naman palabas si Kevin kaya sinundan ko sya.

"Bakit hindi mo saakin sinabi?"-sambit n Kevin habang nakatingin saakin ng walang emosyon. Tsk naiinis ako sa inaasal nya!

"Hindi mo din naman saakin sinabi eh" bakas sa boses ko ang pag kainis.

"Wag mo Ibalik saakin ang tanong ko -_-" fuck this guy parang ako lang may mali saaming dalawa.

"Wag mo din ipalabas na parang ako lang ang may mali sa ating dalawa! Eh pareho lang naman tayo naglihim!"

"Hindi ko sinabi dahil sinusubukan kitang protektahan! at wag mo rin sabihin na kaya mo tinago dahil gusto mo akong protektahan!"

"Paano kung ganon na nga kaya hindi ko rin sinabi sayo ang totoo?!"

Mas naging seryuso sya kesa kanina"Kailan mo planong sabihin ang totoo?" Bigla akong na tigilan dahil sa tanong nya. Kailan ko ba dapat sabihin sa kanya? O may plano ba talaga akong sabihin ang totoo? "So wala kang plano sabihin saakin ang totoo?! "

"Hindi ko alam! Bakit ba ikaw kailan mo din ba sasabihin ang totoo? O baka wala ka din planong sabihin saakin ! Kaya pareho---"

"Bukas ko sana planong sabihin sayo ang totoo!! Hindi tayo pareho dahil gusto ko talagang sabihin sayo!! Pero ikaw! Wala ka talaga planong sabihin saakin ang totoo!?wala ka bang tiwala saakin!? Wala ka bang tiwala saakin Thaila!? Dahil Ako may tiwala ako sayo... kaso natagalan lang pag sabi ko sayo ng totoo dahil napaka busy mo! At ganon din ako..." at kasabay non ang pag iwan nya saakin doon habang nakatanga. Gusto kong umiyak pero hindi pwede dito. kaya umalis na din ako.

Pinatakbo ko ng mabilis ang motor ko hanggang makarating ako sa condo. At doon lumabas lahat ng luha na Kanina ko pa pinipigilan. NAKAKAINIS KA!NAKAKAINIS KA KEVIN JOHN SUE!

***
Sky's POV

Nag alala na talaga ako para kay Mae eh. Pero Hindi naman seguro magagalit yung Kevin na yun. Kung tatanongin nyo kung paano namin sya nakilala.... nag hanap lang kami ng infos tungkol sa mga bago nyang mga Kaibigan at nagtanong na rin kami sa mga best friends ni Mae. Pero pangalan Lang ang na kuha namin na gulat nga kami kanina na isa syang Gangster at ang mga kasama nya. Pero Hindi naman seguro sya magagalit kay Mae dahil kahit sya hindi nya naman sinabi ang totoo.

"Ano ba naman Sky pwede ba tumigil ka kakaikot parang ano ka dyan eh" walang ganang sambit ni Ell. Gaya ng sinabi nya himinto na ako masapak pa ako nitong best friend ko eh. Isa din kasi sya sa pinaka nakakatakot na nakilala ko. Mukha man syang mabait pero kapag nainis yan o nagalit nakakatakot.

"Hindi ko Lang kasi mapigilan mag alala kay Mae, Ell eh."

"Ano ka ba naman boyfriend nya naman yun kaya wala ka dapat ipag-alala."

"Hindi pa naman sila ah " protesta ko. Tama naman eh. Wala namang sinabi si Mae na sila na.

"Doon pa din punta non. At Baka naka kalimutan mo Sky mahal na mahal ni Mae si Kevin kaya pwede ba Sky mag move on ka na" halata sa boses nya ang inis nya. ".... at isa pa marami pa namang iba dyan eh... ang iba nga pilit mag papansin sayo at nag alala sayo kaso hindi mo naman na papansin yung care nya sayo... lahat kasi ng attention mo na kay Mae na.... kaya yan tuloy Baka Hindi mo napapansin may nagmamahal na sayo pwedeng nasa paligid lang sya o... nasa tabi mo lang "

Hindi ko gaano narinig ang sinabi nya sa huli pero hinid ko na rin tinanong kung ano yun. Tama naman sya masyadong natoon yung attention ko kay Mae. Seguro nga sila talaga ng Kevin na yun at sana Lang wag nya Lang sasaktan o lokohin si Mae.
***
-----__________________---------

Don't forget to....

Vote
And
Feel free to Comment.

Earl_Twenty♥️

She's a Secret Gangster |COMPLETE| UNDER EDITING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon