CHAPTER 56 (it's not a fake)

2.7K 88 10
                                    

Clark's pov

"Ehh bakit parang sobra kang nag aalala??"- sabi niya habang naka yakap ako sakaniya…






"Kase mahal kita"- yan nalang ang nasabi ko…






Jelay's pov

"Kase mahal kita"- sagot niya naman saakin…




"A-anong mahal?? Fa-fake lang yun di-diba??"- ako




"Hindi. Hindi yun fake… una palang mahal na kita… naalala mo yung first day?"- tapos tinanggal niya yung pagkakayakap saakin…





"Binigyan kita ng headset, kasi ayokong nasasaktan ka… ayokong may nag sasalita sayo ng masasakit na salita… naalala mo tuwing sinasaktan ka ni michelle? Lagi kitang pinag tatanggol kasi ayokong nasasaktan ka… ayokong may nananakit sayo, ayokong nakikita kang nasasaktan dahil ako yung nasasaktan… naalala mo yung pinag sasabi ko sayo?? Dahil kay jason? Masakit sakin na gawin yun, nag selos ako, kasi ayokong nakikita kang may kasamang iba… isa pang dahilan kung bakit ko yun ginawa kasi mahal na kita, ayokong mahalin ka nun kasi alam kong may iba kang mahal at yun ay si jason… pero nagkamali ako, sana tinanong muna kita tungkol dun… pero dahil mas umiral yung pride ko, tiniis ko yun hanggang sa bigla kang umalis ng bansa, hinabol kita sa airport ng dalawang beses… nung una nasa bahay ka pa nun… pero nung pangalawa nakita kitang bumaba ng eroplano at pumasok sa banyo, hindi ko nga alam kung bakit ka pa bumaba kasi meron naman sa loob ng eroplano eh… nang palabas ka na huminto ka, tapos kinuha mo yung cellphone mo at sinagot yung tawag… nasa likod mo lang ako nun… kakalabitin sana kita kaso narinig ko sabi mo 'i love you' kaya hindi ko na tinuloy… kaya gumawa nalang ako ng arte dun sa airport, tinanong ko kung nasan na yung eroplano kahit alam kong naka alis na… sa totoo lang, nag sisi ako nun kahit isang taon lang"- tapos naluluha na siya, haluh?? Hindi ko naman siya pinapaiyak ah!?





"Alam ko, alam kong sinundan mo ako… alam ko ding nasa likod kita, ginawa ko lang yun kasi ayoko nang umiyak, ayoko nang masaktan ulit… nag kunwari nalang ako na may kausap sa telepono kahit wala…" totoo. Ginawa ko yun… kasi alam kong yun yung makaka buti.






"Hey hey!! Ang aga aga nag iiyakan kayo diyan?? 4:30 palang ah!? Bakit nandito ka jelay?? Masyado kang excited sa kasal ah!"- sabi ni manang…






Nag pahid naman ako ng luha ko, pati nadin si clark…






"Bakit kayo nag iiyakan??"- sabi ulit ni manang…






"Ahh wala po hehehe, kinurot ko po kasi siya"- sabi ko naman…






"Psh"- pabulong na sabi ni clark…






Tinignan ko naman siya ng masama…






Manang's pov

Nako kayong mga bata kayo!! Ako pa niloko niyo?? Narinig ko kaya lahat! Bwahahaha kanina pa ako gising hindi nila ako napapansin ehh nasa likod lang ako ni sir clark eh! Hahaha… ang cute nila, bagay na bagay!







Jelay's pov


"Upo ka muna"- sabi ni clark






Umupo naman ako agad…






"Uhm, clark pwedeng buksan yung tv?? Hehehe"- pag papa cute na sabi ko, para buksan niya…






"seriously?? Sa tingin mo may palabas ngayon?? 4 palang ng madaling araw… sa bagay meron nga, balita nga lang"- ayt oo nga pala…






"Edi CD nalang! Please! Sige na! Diba may CD ka ng spongebob??? Hihihi please!"- pag papacute ko pa, para buksan niya na…







Clark's pov

Nakakatawa tong babaeng to, nag papacute?? Psh, di naman cute






"Psh, oo na may magagawa ba ako?? Kundi lang kita mahal!"- pabulong na sabi ko…






"Huh?? Cute ko?? Syempre! Hahaha"- sabi niya naman






"Hindi ka cute"- sabi ko naman nang may malamig na boses…






"G-grabe ka! Iplay mo na nga lang! Kala ko ba ayaw mo akong nasasaktan?? Psh ikaw naman mismo nagawa." Mahinang bulong niya. Psh. Naririnig kaya kita…






"Hindi ka cute kase MAGANDA KA!" Tsaka ko pinlay agad yung DVD… nang tumingin ako sakaniya… namumula nanaman siya… psh, masanay ka na clark.

Campus Heartthrob Fall Inlove To The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon