"Gusto ko ng makasama si Papa at ang sinasabi nilang kapatid ko"
Ito ang nag-iisang dalangin ni Harry sa bawat gabi bago siya dalawin ng antok.
Mahirap ang buhay sa probinsya kaya nagbabakasakali siya na dumating ang pagkakataon na i-ahon siya ng kanyang ama mula sa pagkakalugmok. Batid niya na ang kanyang ama na isang negosyante sa Maynila ang tangi at nag-iisang tao na makatutulong sa kanya lalo na't pumanaw na ang kanyang ina dalawang taon na ang nakalilipas.Sa labing pitong taong pamumuhay niya sa probinsya, kailanma'y hindi siya nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa kanyang ama. Kaya minsa'y naiisip niya na sana siya na lang ang naiwan sa puder ng ama at ang kapatid naman niya ang napunta sa kalagayan niya ngayon.
Pero, hindi ehh. Unti-unti na siyang Nawawalan ng pag-asa dahil kahit ang kanyang pumanaw na ina ay di man lamang nagawang dalawin ng amang matagal na niyang gustong makilala. Ayaw na niyang maniwala sa huling habilin ng kanyang ina na "balang araw, babalikan tayo ng tatay mo, at makikita mo rin ang kapatid mo".
"Ayoko na, sawa na ko!. Kung hindi niya kayang magpakalalaki bilang dating asawa ni mama, Sana naman may bayag siya para tanggapin na may anak siyang napabayaan na!"
Isang naghihimutok na desisyon ang biglang pumasok sa kanyang isipan at agad na nilabas ng kanyang bibig sa pamamagitan ng pag-sigaw. Ikalawang anibersaryo ng pag-kamatay ng kanyang ina, at hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ang ama nito.
"Buo na ang desisyon ko! Pupunta ako sa Maynila!"
Naniniwala siya na nasa siyudad ang pag-asa. Na nasa kanyang ama ang magandang buhay. Desidido at pursigidong mabago ang nakasanayang buhay na matagal na niyang pinagsawaan.
Kaya niya ba? Anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya sa Siyudad?
Paano kung ang buhay na ibibigay sa kanya ng tadhana ay pagpapatuloy lamang ng buhay ng ibang tao na naputol na?
Kaya niya kayang angkinin ang sapatos na kasukat ng kanyang paa kahit na alam niyang ito'y hindi para sa kanya?
Magulo? Oo alam ko!
Para maliwanagan at mapunan ng kasagutan ang iyong mga tanong, sundan ang kwento ni Mark Harry Santillan sa"I MUST BE HARVEY"
***********
BINABASA MO ANG
I Must Be Harvey
Teen FictionThe story of a man that isn't half of anything but owns a whole identity. Paalala: Ang istoryang I Must Be Harvey ay orihinal na katha ng pilyong imahinasyon ni Rocketeer Mouse. Anumang pagkakahawig o pagkakapareho ng pangalan ng mga karakter, sena...