Chapter II : Tago

0 1 0
                                    

Harry's P.O.V.

Mag- iisang linggo na rin mula noong nakilala ako ni tatay. Maraming nag-bago sa mga nakalipas na araw. Sa una, di pa siya makapaniwala at nag-aalangang kunin ako papunta sa puder niya ngunit ng sinabi ko ang nangyari kay mama at ang matagal kong pangungulila sa pagkakaroon ng ama. Agad niya kong niyakap at humingi ng paumanhin. Hindi na siya gaano nag-kwento, sinakay niya ko sa kotse niya pauwi sa isang malaking bahay.

Dito ako tumutuloy sa Isang malaking bahay sa Subdivision. Ako, yung maid, at yung driver lang ang nandito. Sabi sa akin ng tatay ko, hindi pa daw siya handa na ipakilala ako sa pamilya niya pero hahanap daw siya ng tyempo para mangyari yun.

Si Alfonso Santillan (tatay ko) ay likas palang babaero. Habang kakwentuhan ko si Ate Karen, marami akong nalaman tungkol sa buhay ni tatay.

Ang kinakasama pala ng tatay ko ngayon na si Maricar De Villa ang legal wife. At anak nila si Paolo Santillan, ang panganay na anak ng tatay ko. 25 years old na siya at isa siya sa mga mukha ng Maxicom brand. Pangalawa naman ay ang 19 years old na si Amanda Santillan. Anak naman daw siya ng tatay ko sa isang Brazillian model noon. Ang bunso naman daw ay ang 17 years old na si Mark Harvey Santillan. Ayon naman sa nalalaman ni Ate Karen, wala daw silang nabalitaan na may kakambal pala si Harvey. Ang alam lang daw nila ay anak si Harvey ni tatay sa isang babaeng hindi kilala noong nagbakasyon siya sa Sorogon.

"Opo Ate Karen, Si Mama po yung tinutukoy niyong babae. Alam mo ba, di ko rin alam na may kakambal pala ako. Ang sabi lang sa akin ni mama- kapatid lang daw" ang sabi ko kay ate karen na noo'y aliw na aliw sa pagk-kwento.

"Nabigla nga ako sa pangyayari eh. Akala ko nung dumating ka dito ay ikaw si Harvey at maayos na ang kalagayan mo. Pero kinausap kaming dalawa ni Ando ng tatay mo at sinabing kakambal ka ni Harvey. Alam mo, good decision naman yung ginawa ni Sir na dito ka niya muna pinatira. Kasi, hindi mo kakayanin ang ugali ni Ma'am Maricar. Baka mahirapan ka lang doon".

Dahil sa sinabi ng Maid na si Ate Karen, maraming namuo na tanong sa isip ko at lahat ng yun ay binato ko sa kanya ng sunod sunod.

"Ehh, nasaan ba si Harvey? Anong nangyari sa kanya? Gaano naman po kasama yung ugali ng asawa ng tatay ko? Tsaka.. "

Bago pa man ako makapagtanong ulit ay narinig kong pumasok si Mang Ando. Siya yung personal driver ni Harvey na ngayon ay personal driver ko na daw.

"Sir, Harv- ahh, Sir Harry! Eksaktong 10 AM po ay ihahatid ko kayo sa Department Store para bumili ng mga damit niyo."

"Ha? Bakit di na lang niya gamitin yung damit dito ni Sir. Harvey?" -tanong ni Ate Karen kay Mang Ando.

"Hindi pwede Karen, utos ni sir- na bilihan siya ng mga bagong damit at iba pang gamit. Oo nga pala, sumama ka na rin para matulungan mo si sir sa pagpili"

After ng mahabang usapan, naligo na ako sa Cr na kasing laki ng ng bahay namin sa Sorsogon. Hindi ako sanay sa shower kaya nagrequest ako kay Ate Karen na hiramin yung tabo sa banyo niya sa baba. Doon kasi ako sanay.

Alas Dyis na, nakasakay na kaming tatlo  sa loob ng kotse. Nakasuot ako ng jacket na may hood dahil baka raw may makakita sa akin na kakilala lalo na't sa mall pa kami bibili. Binilin din kasi ng tatay ko kay Mang Ando na ingatan ang identidad ko. Lalo na't kamukhang kamukha ko si Harvey.

"Ando! Bakit nilampasan natin yung Mall na yun? Diba doon bumibili ng damit si Sir. Harvey? Magaganda kaya yung mga damit doon!"

Medyo natawa naman ako sa reaksyon ni Ate Karen, akala ko nakakita ng aksidente sa sobrang O.A.

"Hay naku Karen, sino ba kasama natin? Si Sir Harry diba, Hindi siya pwede sa Mall na yun. Maraming nakakakilala kay Sir. Harvey doon. Hanggat maaari, ilayo natin si Sir. Harry sa problema. Naku ikaw talaga di ka nag-iisip" -paliwanag ni Mang Ando habang nakakunot noo.

I Must Be HarveyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon