Chapter III : Malikmata

5 1 0
                                    

Harry's P.O.V.

7:00 AM

"Ughh. Ang sakit sa mata ng liwanag." Dahan dahan kong minumulat ang mata ko na noo'y tinatamaan ng sinag ng araw mula sa labas. Paano ba naman, salamin ang ding-ding at nakalimutan ko pang ibaba ang kurtina kagabi. Palibahasa di pa ko sanay sa buhay dito. Lumapit ako sa Bintana, mula doo'y nakita ko na naman yung batang lalaki na nag b-bike. Malimit ko siyang makita. Sa tantiya ko 7 years old pa lang siya.

Naligo ako sa CR sa loob ng kwarto ko at nagbihis ng pam-bahay. Pagkatapos ay bumaba para mag-almusal.

"Good Morning, Ang aga mo naman nagigising" -pambungad na bati sa akin ni Ate Karen. Mag-almusal ka na.

"Nasaan po si Mang Ando?"

"As usual, hinatid niya sa trabaho ang Dad mo." Sagot ni Ate Karen. "By the way, eto nga pala yung susi ng kwarto ni Harvey, nakalimutan ko i-abot sayo kahapon."

"Salamat po. Mamaya ko na titingnan pagkatapos mag-almusal."

8:00 AM ng matapos ako mag breakfast.  Naaaliw kasi ako sa pinapanood kong Cartoons sa T.V. kaya medyo napatagal ang pag-kain ko. Natutuwa nga sa akin si Ate Karen, dahil sa aming magkakapatid- ako lang daw ang mahilig sa cartoons.

9:00 AM noong umakyat na ako para icheck yung itsura ng kwarto ni Harvey. Tinapos ko pa kasi yung palabas sa TV. Sa unti-unting pagbukas ng pinto, nakakatuwa na ang una kong masilayan ay litrato ng kakambal ko na nakangiti. Para bang sinasabi na "tuloy ka, welcome ka sa kwarto ko".

Tuluyan na akong nasa loob. Sinara ko na rin ang pinto. Sobrang laki ng room ng kakambal ko. Pati dito sa loob ng kwarto niya maraming picture frames na panigurado siya ang kumuha.

Meron siyang mini library sa corner malapit sa bintanang salamin. Mahilig pala siya magbasa.

Sa table naman niya sa tabi ng bed. May nakalagay na reading glass at isa pang picture frame.

"Ito siguro yung bestfriend niyang si Jake"

Yung background nila sa picture mukhang sa amusement park.

Binuksan ko yung drawer ng table. Nagulat ako sa laman.
May magnifying glass, may rubics cube, meron ding earphones, flashdrive, notebook, photo album, at... ano to??

May box ng condom sa drawer niya?
Ibang klase rin pala tong si Harvey. Hahahaha.

Nagpatuloy ako sa pangi-ngialam ng mga gamit doon. Lahat na yata nakal-kal ko.

Binuksan ko yung walk in closet niya. Ang daming damit, karamihan puro v-neck shirts. Nakita ko sa closet yung damit na suot niya sa picture. Kinuha ko yung damit pati isang pantalon, pumasok ako sa CR ng room at nagtingin - tingin, doon ko na rin sinukat yung mga damit.

"Hanep, parang ako si Harvey!"

Nakakita ako ng wax, ginaya ko yung hairstyle ni Harvey. Patayo kasi yung buhok niya. Sa akin naman bagsak lang. Ng malapit ko ng ma achive yung hairstyle na yun, nakarinig ako ng pag-sara ng pinto.

Malamang si Ate Karen pumasok din ng kwarto para maglinis. Sabado pala kasi ngayon, tinuloy ko lang ang pag-ayos sa buhok ko.

Pagkatapos ay binuksan ko yung faucet sa lababo para maghugas ng kamay.

"Sino nandyan?" Tanong ng isang boses na di pamilyar sa pandinig ko.

Maya- maya pa'y bumukas ang pinto ng CR.

Sobrang bilis ng kaganapan.
Nakita ko yung sarili ko na yakap yakap ng isang binata na mas matangkad sa akin. Hindi ako nakapagsalita, mahigpit lang ang yakap niya sa akin.

I Must Be HarveyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon