Chapter I : Siyudad (See-you-dad)

3 1 0
                                    

Harry's P.O.V.

"Tol naman, wag kang padalos-dalos. Babalikan ka naman siguro ng erpat mo, maghintay ka lang."

"Oo nga tol, diba na-message naman natin sa facebook yung page ng company nila. Baka naman nabasa na ng tatay mo yun. Baka nga papunta na sila dito eh."

Hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng kaibigan ko hindi sang-ayon sa desisyon ko. Ano bang mali sa pag-luwas para makilala ko si papa? Haaays. Palibhasa kasi kumpleto ang pamilya nila kaya di nila ako maintindihan.

"Alam mo Harry, tama yang desisyon mo. Para kapag nakilala mo na yung tatay mo, eh di gaganda na rin yang buhay mo. Malay natin, pagbalik mo dito isasama mo na rin kami sa Maynila para ipasyal sa bago mong bahay na mansyon."

Buti pa itong bestfriend kong si Kate, palaging positive kung mag-isip. Salamat naman at sa lahat ng tao dito sa Sitio Salabong, may isa pang natira na nakakaintindi sa akin.

"Guys, Ano man ang kapalarang naghihintay sa akin doon sa Maynila- haharapin ko. Kung tanggapin man ako ng tatay ko, eh di masaya. Kapag hindi naman- masaya pa rin dapat. Siguro maghahanap na lang ako ng trabaho kung di niya ko tanggapin bilang anak."

Eto ang mga naging usapan namin ng mga kaibigan ko isang araw bago ako lumuwas papuntang QC. May nakapag-sabi kasi sa akin na doon daw matatagpuan ang bahay ng mga Santillan. Tulong -tulong kaming mag-kakaibigan sa pamasahe ko. Paano ba naman' problema ng isa dapat problema na rin ng lahat. Sinikap namin na makabuo ng Sampung Libo para kung sakaling hindi ko pa makita ang tatay ko ay may pera akong pambayad ng matutuluyan. Balita kasi namin, mahal ang renta sa siyudad.

Isa sa may malaking ambag ang bestfriend kong si Kate. Magkababata kami at mag-kaklase since kinder. May pagka-boyish siya pero di mapagkakailang maganda. Matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mata, may pagka-chinita at morena. Kaso never mo siyang nakikitang naka bistida o nakapalda. Sa lahat ng kaibigan ko, siya ang pinaka naging emosyonal noong umalis ako ng Sitio Salabong sakay ng tricyle para ihatid ako sa terminal ng Bus.

"Mag-iingat ka Harry ahh! Tandaan mo, kung nahihirapan ka na, balik ka agad okay?"

Hindi ko na nagawang sumagot pa, kaya niyakap ko na lang ang bestfriend ko para iparamdam sa kanya na di dapat siya mag-alala dahil palagi akong magiging okay.

2:00 PM

Sa mga oras na ito, malayang lumilipad ang isip ko. Sa tuwing pumipikit ako, naaalala ko ang mga taong naiwan ko sa probinsiya at sa tuwing nakamulat naman ang aking mga mata ay nakikita ko sa bintana ng sasakyan ang mga lugar na nadadaanan. Hudyat ito na habang papalayo ako sa mundong nakasanayan, papalapit naman ako sa di tiyak na buhay. At iyon ay ang buhay sa siyudad.

"Kuya, ilang oras pa po ang byahe pa maynila?" tanong ko sa katabi kong lalaki sa bus.

"Naku toy, hindi ko alam eh. First time ko rin sa pag-luwas kaya di ko masasabi kung gaano pa katagal ang byahe".

Ngumiti lang ako sa lalaki, medyo bata pa at kung tatantsahin ay siguro'y 25 years old ang edad niya. Naka polo siya na kulay puti at naka pantalon na maong. May hawak siyang bote ng tubig sa kanang kamay at may nakapatong naman na brown envelope sa hita niya.

Hindi lang pala ako ang nagbabakasakali sa ibang lugar. Panigurado, trabaho ang sadya niya sa siyudad. Sa pag-ngiti ko ay sinuklian din naman niya ako ng matamis niyang ngiti.

Medyo nababagot na ako at wala akong magawa sa byahe. Yung iba kasi may pinagkaka-abalahan. May mga nag-lalaro ng cellphone, may mga nakikipag-kwentuhan, at may nanonood ng videos. Di ko kinaya ang pagkabagot kaya naman-

"HINTOOOOOOO!!!" , biglang huminto ang bus dahil sa sigaw ko. Napatingin sa akin lahat ng mga pasahero sa bus.

"OMG!" Malakas na tili ng babaeng pasahero sa unahan.

I Must Be HarveyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon