Harry's P.O.V.
2:56 PM
Nandito na kami ngayon sa labas ng Maxicom. Hinahantay na lang namin yung tatay ko. Sabi kasi ni Mang Ando may meeting pa raw siya. Mabuti na lang at hindi na kami gaano katagal naghintay dahil agad din naman kaming naka-alis noong dumating na siya.
"How's your week with Karen and Mang Ando?" tanong niya sa akin pagkapasok ng kotse.
"Masaya po." Maikli kong sagot.
"Why don't you call me dad or even papa?"
Ayun, napansin din pala niya. Medyo naiilang talaga ako magsabi ng dad o papa. Hindi naman kasi ako lumaki na may tatay kaya sobra akong naiilang. Kaya imbis na sagutin ko yung huling tanong niya, inulit ko na lang yung sinabi ko nung una na may word na dad.
"Masaya po Dad, masaya po sila kasama"
Hindi naman sa feel na feel ko yung pagtawag ng Dad. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ako sanay sa tawag na dad or papa dahil di naman ako lumaki na may ama. Kung kayo ba papapiliin? Diba mas okay ang dad. Kasi naisip ko kapag "papa" para akong bakla na tumatawag ng papa sa jowa niya. Ewan ko lang ahh, weird man kung weird basta yun ang reason ko.
"Are you excited to meet your kuya, ate and your stepmom? I'm sure they also feel the same."
"Hindi po eh, Ang totoo- kinakabahan po talaga ako .. Dad."
"Ahh ganun ba" sagot ng tatay ko habang kinakalikot yunh cellphone niya, maya maya pa ay:
"Hello, Hon? Sorry male-late kami ng 30 minutes kakatapos lang kasi ng meeting ko. Nandyan na rin ba si Paolo at Amanda? .......
Okay, mabuti naman kung ganun. I'm with Harvey's twin brother, papunta na rin kami. .......
Don't worry ako na mag-papaliwanag sa kanila. Siya nga pala, pakisabi sa mga maids- ihanda ang kwarto ni Harvey, doon muna mag- s stay si Harry. ......
No! Hindi pwede sa guest room, Di siya magiging komportable doon. .......
Okay, See you later hon. I love you "Habang kausap ng tatay ko yung asawa niya, ako naman naramdaman ko yung vibration mula sa bag ko.
Nakatanggap pala ako ng 2 text messages mula kay- JAKE.
*Harry, nakarating ka na ba? Goodluck ahh. Sana di ka sungitan ni tita Maricar.
*Pag-kakilala mo ng family mo, sure ako pwede mo na rin makilala yung iba. Next time sama ka sa akin, papakilala kita sa mga kaibigan namin ni Harvey.
Balak ko sanang replyan si Jake kaso tinamad ako. Nakatingin kasi yung tatay ko sa Cellphone ko.
"Nakilala mo na pala si Jake?" Marahang tanong ng tatay ko sa akin. Halata siya masyado na binasa niya text message kanina.
"Opo, nagkakilala po kami sa bahay kanina. Napag-kamalan po kasi niya na ako yung Bestfriend niya."
"Ummmm. Sige sige." Ang matipid na sagot ng tatay ko.
Maya- maya pa'y huminto kami sa isang malaking gate na may nakatayong 3 guwardiya.
"Magandang Hapon Sir," bati nila sa tatay ko.
Kahit hindi nila nakikita ang tatay ko sa loob dahil sa tinted na salamin ng sasakyan. Bumati pa rin yung mga guwardiya. Ang weird.
Dinaanan namin yung ilang hektaryang garden. Bago kami tuluyang bumaba sa tapat ng...
"Wow, Ito yung mansyon mo Dad?" Manghang- mangha ako sa ganda at laki.
"Mansyon ko? Hindi! Mansyon natin to."
Pinagmasdan ko ang tanawin sa napaka-lawak na garden na sa tingin ko ay pwede ng gawing farm. Ang daming puno at ang daming bulaklak. May swimming pool sa banda roon, fishpond naman sa banda doon, tapos doon naman may open na basketball court, may golf course field naman sa pinaka-gilid. Meron ding mga nipa-huts na sa tingin ko ay pwedeng gawing tambayan.
BINABASA MO ANG
I Must Be Harvey
Teen FictionThe story of a man that isn't half of anything but owns a whole identity. Paalala: Ang istoryang I Must Be Harvey ay orihinal na katha ng pilyong imahinasyon ni Rocketeer Mouse. Anumang pagkakahawig o pagkakapareho ng pangalan ng mga karakter, sena...