CHAPTER:8: KINAIN NIYA
Isang linggo na din buhat nung naka away ko si Shirley,isang linggo na din akong nakakatikim nang masasamang tingin mula sa mga babaeng may gusto kay Gian.Si Shirley? wala pa naman siyang ginagawang masama sakin mukhang natakot ata sa banta ni Gian
Hindi lang yun isang lingo ko na din nakakasamang kumain sa canteen ang papa Gian ko.Ayiiiiieeeee kinikilig ako,Palagi nga din bumabalik sa isip ko yung nangyari nung isang linggo
FLASHBACK
“shut up Shirley,wag na wag mong masasaktan si cass kung hindi”
“kung hindi ano gian?”
“ako ang makakalaban mo pag nakita ko ulit na sinasaktan mo si cass”
Pag-katapos nun binuhat na niya ako na parang prinsesa at dinala sa clinic.Hindi niya ako iniwan hanggat hindi nagiging maayos ang pakiramdam ko,Ang tagal ko pa ngang nakatulog Yun nga lang pag gising ko si Kiel na ang nagbabantay sakin
“si Gian nasan?”
“may practice pa daw siya ng basketball,asa ka namang bantayan ka nun mag-damag”Nakaka-asar talaga itong lalaking ito
“bakit kaba nandito hah?”
“bakit?aangal kapang binatayan kita,pasalamat ka pa ngang may nag tiyaga pang mag bantay sa’yo”
“bakit sinabi ko bang bantayan mo ako?”
“wala naman talaga akong balak na bantayan ka,nakiusap lang si Eurie na bantayan kita”
“ganun?”
“oo ganun na nga kaya kung ok ka na,tumayo kana diyan at hahatid na kita sa inyo”Ang sungit naman nito.bakit pa iba-iba ng mood ang lalaking ito,ang weird niya talaga
Dahil nga hindi ko na kayang pumasok ng klase Hinatid na niya ako sa bahay namin Kaso sobrang nakaka panibago talaga itong lalaking ito.Hindi manlang ako kina usap hanggang makarating kami sa bahay namin,Ano kayang problema niya?daig pa nito ang babae pag nag kakaroon pa iba-iba ng mood hmp..
“oi friendship,natutulala kana naman diyan”
BINABASA MO ANG
MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)
Teen FictionYOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!!