CHAPTER:44:I WON'T GIVE UP!
Medyo ok na kami ngayon hindi katulad nung nakaraan na parang ilang kami sa isat-isa,lumalabas labas na din kaming dalawa at nakakangiti na din sakin si kiel,palagi ko siyang pinagluluto para naman kahit papaano mapadama ko talagang mahal ko siya
Hindi natuloy yung pakikipag kita namin kay kate nung nakaraang araw,may biglaan daw kasi itong pinuntahan kaya nag date nalang kami ni kiel, kasalukuyan ko siyang hinahanap ngayon uwian na kasi. gusto kong makasabay siyang umuwi
“ bhaby! Nakita mo’ba si kiel? “tanong ko sa kaklase kong nasalubong ngayon
“ ah,,si kiel ba?!nakita ko siya kaninang nakaupo sa may gilid nang pool ewan ko nga lang kung nandun pa siya “ may pool kasi sa school namin kailangan namin yun para sa swimming lesson
“ ganun ba!sige salamat “ mabilis na’kong nagpaalam sa kanya at pumunta sa likod nang Gym,dun kasi makikita yung pool
Nakangiti akong naglalakad habang palapit sa pool,mukhang nandun nga siya, likod palang kasi niya kilala ko na,nakaupo siya sa gilid nang pool patalikod sakin,dahan-dahan akong lumapit sa kanya para gulatin siya nang mapatigil ako nang masilayan yung hawak-hawak niya
Hawak na naman niya yung picture nila ni kate,pinagmamasdan niya itong maigi nang may ngiti sa labi,nakaramdam ako nang sakit pero pinillit ko pa din magpaka normal sa harapan niya
“ hooy!! “ marahan ko siyang tinulak na ikinalaglag nang picture sa pool
“ shit!! “ pagmumura niya
“ sorry..hindi ko.. “ natigilan ako sa inis na rumehistro sa mukha niya kaya napatungo nalang ako habang kinukuha niya yung picture na buti nalang hindi naman gaanong nabasa
Panay ang punas niya sa picture at panay ang pagpag niya,nailing pa siyang habang ginagawa yun,gusto ko siyang kausapin pero parang bigla akong napipi sa harapan niya ngayon
“ I’m sorry!! “ hinging paumanhin ko ulit,tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hatakin
“ it’s ok!! “ ngumiti siya sakin at niyakap ako,hindi ko na tuloy napigilan ang pagtulo nang luha ko
“ sorry kiel..hindi ko naman.. “
“ shhh!! Sorry din,nasaktan na naman kita!! “ malungkot niyang saad na ikinahigpit nang yakap ko sa kanya
Tumingin ito sakin at pinahid ang luha sa pisngi ko saka ako hinalikan,matagal din yung ginawa niyang paghalik sakin. pagkatapos, niyaya na niya akong lumabas nang school, makikipag kita na daw kasi kami kay kate ngayon
BINABASA MO ANG
MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)
Teen FictionYOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!!