CHAPTER:22:ANG KULIT!
Dinala niya ako sa parking lot kung san nakaparada ang kotse nito
“ oh sir,anong nangyari sa kanya? ”
“ may gamot ba tayo diyan sa loob nang kotse? ”
Ang sungit niyang magtanong parang hindi matanda yung kinakausap niya
“ ano pong klaseng gamot? ”inosenteng tanong nung driver
“ sa sugat alangan namang sa bukol ”naiiritang sabi nito
Hanggang ngayon, hindi pa din mawala yung pagkainis sa mukha nito,natatakot tuloy akong mag-salita baka kasi bulyawan niya din ako
“ ah,sorry poh sir,meron po!! tekat kukuwanin ko ”
Binaba na niya ako at pinapasok sa loob nang kotse nito,gagamutin niya daw kasi yung mga sugat na nakuha ko kanina
“ haist,nawala lang ako saglit ito na nangyari sa’yo,lalo ka tuloy pumapanget ”
Ganun? Nung nakaraan lang ang sabi niya ang ganda ko,tapos ngayon ang pangit ko na
Tinabig ko yung kamay niyang naglilinis sa sugat ko sa tuhod
“ oh bakit? Masakit ba? ”
Hindi naman masakit,nabadtrip lang ako nung sinabi niyang ang pangit ko
“ haist!! Napikon kana agad dahil sinabihan kitang pangit? ”
Bingo!! Alam na alam niya talaga
Nag-pout nalang ako bilang tugon sa kanya
“ pangit ka naman talaga eh,kaya tanggapin muna yun “
Ang walanghiya talagang pina ulit-ulit pang pangit ako
“ unlimited kaba? “
“ bakit? “
“ paulit-ulit ka kasi “ then binuksan ko yung door nang kotse niya para bumaba na sana,nang bigla niya akong yakapin
“ binibiro lang kita,ikaw naman,”then he chuckled
BINABASA MO ANG
MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)
Teen FictionYOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!!