CHAPTER:21:KIEL MY SAVIOR
Nandito kami lahat sa Gym ngayon,P.E kasi ang subject namin
At Simula nang pumasok ako,lahat halos nang nadaraanan kong studyante ang topic ay ang pakikipag-hiwalay sakin ni Gian
Lahat sila galit sakin
Nakakatawa diba?
Ako na nga yung ginago at nasaktan,ako pa ang nagmukhang masama
“ bakit kasama na naman niya si keil? “
Palagi ko na nga palang kasama si kiel ngayon,hatid sundo niya nga ako eh,yun ang gusto niya, ayaw pa awat kahit anong sabi ko na wag na niya akong dikitan pa
“ oo nga!! Pagkatapos kay Gian,si Kiel naman ang nilalandi niya,kaya siya iniwan ni Gian kasi sobrang landi niya “
“ korek girl!! At hindi lang yun sobrang ambisyosa kasi “
“ don’t mind them “-Kiel
Ngumiti lang ako ^.^
“ wag kang mag-alala,bingi na ang tenga ko sa mga ganyang parinig “
“ haha,ganun ba?! buti naman,ah nga pala may kukuwanin lang ako sa locker room,babalik din ako agad,hintayin mo lang ako diyan “
“ ok sige! “
Nag nod nalang ito at mabilis na umalis
Sight….
Napapa-buntong hininga nalang ako,kasi yung totoo hindi naman talaga ako ok
Sobrang apektado pa din ako nang pangyayari,sobrang sakit pa din hanggang ngayon
“ ouch!! “daing ko
May tumama kasing bola sa likod ko at hula ko halatang sinadyang tamaan ako
Tumingin ako dun sa pinaggalingan nung bola at nakita ko si Shirley at ang grupo niya
“ oh bakit ang sama mong makatingin? Aangal ka hah?! “ -shirley
Tinignan ko nalang siya nang masama at kinuha yung mga gamit ko,ayoko nang gulo kaya iiwas nalang ako
“ oh,san ka pupunta?hindi pa tayo tapos mag-laro ”
Tsk!! Sabi nang ayoko nang gulo eh,humaharang pa sa dinaraanan ko
“ dadaan ako,tumabi ka “ nakatiim-bagang na sabi ko
“ wow!! At tumatapang kana ngayon hah? tignan ko nga kung hanggang saan ang kaya mo “
Haist!! Pinag-iinit talaga nang babaeng ito ang ulo ko
“ pwede ba Shirley!! Wala ako sa mood makipag laitan ngayon,kaya kung pwede lang ibulsa mo muna yang MUKHA MO!!,at kung pwede lang tumabi ka diyan sa dadaanan ko,nakaharang ka eh “
“ abat!! Hindi ka kagandahan para sabihan ako nang ganyan “
Natawa ako nang pagak sa sinabi nito
“ ah,oo nga pala MAGANDA KA!!! at sa sobrang ganda mo pati ugali mo nahiya na sa’yo “
“ sumosobra ka na hah?! talagang gusto mong makatikim “
BINABASA MO ANG
MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)
Novela JuvenilYOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!!