Day 007

1.3K 57 57
                                    

10:19 Pm

Keco: Hello :)

Seen 10:20 Pm

Jibby: Mukhang pormal ka ngayon ah. Anong nakain mo?

Keco: Sardinas.

Jibby: Kaya pala ang lansa

Seen 10:21 Pm

Keco: Grabe ka saakin Jibby \( '0' \)

Jibby: 'wag mo nga akong tawagin sa nickname ko! Ashtadi!

Keco: Ikaw ah! Nanonood ka ng Encantadi

Keco: *Encantadia haha kulang ng a

Seen 10:23 Pm

Jibby: Sayang nga tapos na

Keco: Ba't parang ang bait mo na?

Seen 10:24 Pm

Jibby: Bakit Keco ang pangalan mo? Keco? Paano ba bigkasin yan? As in Ke tas Ko?

10:25 Pm

Keco: Haha ang daming nagsasabi niyan saakin. Kiko kase ang basa hindi KeKo ( '——)

Seen 10:26 Pm

Jibby: Okay.

Jibby: Fuck!

10:27 Pm

Keco: Aray! Ang lutong ng mura ah. Parang Crispy Fry lang.

Seen 10:28 Pm

Jibby: Hindi ikaw. 'Yong mga basher ko sa Insta.

Keco: Bakit?

Seen 10:30 Pm

Keco: Ok lang kahit di mo sabahin

Keco: *Sabihin

Seen 10:31 Pm

Jibby: They are talking about my last post.

Keco: Maaari ko bang malaman kung anong sinabi nila? \(*∆*\)

Seen 10:33 Pm

Jibby: Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Sino ka ba? Hindi naman kita kilala.

Keco: Kaya nga tinatanong kung pwede e.

10:34 Pm

Keco: Kwentuhan nalang kita.

Seen 10:35 Pm

Jibby: Kapag ba sinabi kong ayoko,titigil ka na?

Keco: Hindi

Jibby: O anong kwento?

Seen 10:36 Pm

Keco is typing. . .

Keco: Jibby bago ako magkwento,nakita pala kita sa TV kagabi

Seen 10:37 Pm

Jibby: Saan?

Keco: Animal Planet.

Jibby: Pakshet! Ano ba? Magkwekwento ka ba o manglalait? Lintek!

Seen 10:39 Pm

Keco: Hahahaha! Ito naman ang init kagad ng ulo. Eto na magkukwento na. Alam mo ba yung tulay sa simbahan malapit sa inyo?

Jibby: Oh? Paano mo nalaman na nay tulay dito?

Keco: Duhh kase alam ko. Hahaha! Sabi kase nila laging may paring nakaharang sa daan doon. Naghihintay ng masasakyan.

Seen 10:41 Pm

Jibby: Wag ka ngang manakot!

Keco: Natatakot ka? °(0_0)°

Jibby: Hindi naman. Continue

Keco: Kase nga diba may pari doon? Na nakaharang lagi. Pumapara siya sa mga dumadaan na tricycle. E yung mga sinasakyan niya natatakot yung driver.

Seen 10:43 Pm

Keco is typing. . .

Keco: Tapos sabi nila,mawawala ang pari pagdating niyo sa simbahan.

Jibby:  Oh? Bakit?

Keco: Hindi ko na nga alam e. Magoogle nga.

Seen 10:45 Pm

Jibby: Korni

Keco: Eto nalang. Ano tawag kapag pinagsama-sama ang lahing American,Pinoy at Japanese?

Jibby: Ano?

Keco: Amoypanese! AMerican,piNOY,jaPANESE. Hahahaha!

Seen 10:48 Pm

Jibby: Ang korni mo talaga. Matulog ka na nga bwiset!

Keco: Ayieee!! Pinapatulog mo ako?

Jibby: knock knock

Seen 10:50 Pm

Keco: Aba pinaghandaan ah. Sige who's there?

Jibby: Sri Lanka

Keco: Sri Lanka Who?

Jibby is typing. . .

Jibby: Nang Sri Lanka sa mundong ito,laking tuwa ng magulang mo.

Keco: :|

Keco: Ano yung effort?

Seen 10:52 Pm

Jibby: Yung binibigay sa lahat ng bagay,parang pagtatyaga. Hindi mo alam? Sabi na tambay ka lang e.

Keco: Mali,hindi yun.

Jibby: Huh? Anong hindi?

Keco is typing. . .

Keco: Effort,kung saan naglalanding yung nga airplane.

Jibby: Itulog mo na nga 'yan.

Keco: K. Goodnight. Baka maubusan ka pa ng knock knock mo \(•∆•\)

Seen 10:56 Pm

Jibby: Korni mo mukha mo!

--




22:19 StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon