March 11, 2014

33 1 0
                                    

Hello! Computer Science kanina. -___- 7-11 AM. Tapos 8 pa lang dismissed na kami. Ano namang gagawin ko diba? Syempre, sumama sa mga friends ko.

Gumawa sila ng Application Letter for cmpsc. LOL! Tapos ayun, pafacebook facebook lang yung isang friend ko, tapos binisita namin yung profile ni Crush E. :">

Yung feeling na pareho kami ng crush ni friend, pero parang wala lang. Sharing thoughts about him and stuff. Yieee :"> Yung tipong, pag nakikita namin siya, kinikilig kami. Ehhhhh! <3

Tapos kinwento niya sa akin na nakasalubong niya si Crush E kanina sa Social Hall. Tinanong ko kung tumingin si Crush E. Pero sabi niya, hindi daw. Haha! Sayang </3 Sabi ko, edi buo na yung araw mo kasi nakita mo na siya. Ang sagot niya, "Hindi pa nga eh. Hindi kasi siya tumingin." SAY WHAT?! Hahaha! Ehhhh :">

Tapos after nung page-encode nila, nagdecide kaming tumambay muna sa room 207 sa Social Hall. Wala lang! 1 pa kasi ang klase namin eh mga 9 something pa lang yun. Tapos nung nasa Social Hall na kami, sa iba naman ako nakatingin habang naglalakad.. Hanggang sinabi ni Friend sa akin, "Nandun siya oh.."..

SYEMPRE, SINO PA NGA BA ANG NANDUN? EDI SI CRUSH E LANG! HAHAHA :">

React agad ako eh, kasi naman po katext ko siya diba? And to think na kilala na niya ako. Like omg! Tapos yung room na pinagkaklasehan nila is sa 208. So magkatabi lang yung room na tatambayan namin!

Tapos nagulat ako nung nakita niya kami, bigla siya naglakad.. Akala ko may pupuntahan lang siya, tapos mas nagulat nanaman ako nung nalaman kong sa harap ko siya nagstop. LIKE OMG I CAN'T BREATHE! AHHHHHHH!

Tapos inistretch na yung kamay niya na parang tinuturo ako but hind turo yun. In a good way naman. Yung pinapakita niya lang na ako yung kausap niya, tapos lumapit pa siya sa akin.

Siya: Ano pala yung Application Letter na sinasabi mo?

Ako: Ah eh. Yung sa Cmpsc.

Tapos kinuha niya yung hawak ng isang friend ko (yung walang crush kay Crush E) tapos sabi niya "Eto ba yun?"

Friend: Hindi. Printscreen yan para dun sa email.

Siya: Ah sige, thank you.

Ako: Wala pa. HIndi ko pa tapos. Haha!

Siya: Ah sige..

Tapos nagtuloy na kami malakad papunta sa 207, siya naman bumalik na sa 208. Tapos, yung feeling na busy kaming gumagawa ng resume para sa Friend ko (yung may crush din kay Crush E) hindi ko naman alam na nasa likod ko pala siya.

Tinitingnan yung ginawa kong resume! OMG! Nakita niya yung epic fail na edit ko para sa white background. Hahaha! Actually, yun din kasi ang pinag-uusapa naming tatlo, kung paano ko inedit. Ang weird kasi!

Tapos nung nakita ko siya, sabi ko "HALA! Wag mo tingnan.." sabay takip sa laptop ko. Tapos tumawa siya! Hala! Ang cuteee! Ano ba yan! :"""> Tapos umalis ulit siya.. 

Maya maya saglit, umupo siya dun sa mga upuan sa harap ng classrooms. Doon siya umupo sa harap ng 208 na actually, kitang kita din doon sa 207. Eh nakatingin lang siya sa akin, yung halos eye-to-eye na talaga kami.

Eh hindi ko naman po kaya yung makipag eye-to-eye sa lalaki lalo na kung hindi ko ka-close! Kaya nagtatago ako sa laptop ko, tapos tumatawa siya. Haha!

Tapos ayun, nagklase na ulit sila tapos kami nanuod sa laptop ko ng Final Destination 2. Nung uwian na nila, like OMG. Syempre, crush ko nga diba! Pumunta agad ako sa pinto nung room na tinatambayan namin kasi naka close. Baka hindi ko siya makita! Haha :">

Nung bubuksan ko na, sakto naman dumaan siya tapos nakita niya ako kahit medyo maliit lang yung open ng pinto. Pero nakalabas na yung isang kamay ko, kasi binubuksan ko nga.

Nagsmile siya tapos nagtaas siya ng dalawang kilay TAPOS! HINAWAKAN NIYA YUNG PRECIOUS HANDS KO! Yung tipong nagpapaalam na siya na uuwi na siya. <3 OMG!! Waaaah!! KILIG MATSSS OMG!!! TT^TT

Tapos noong math na namin, last period sa hapon.. Nagtext ako sa kanya kasi super bored na ako. -__- Syempre, patago kung magtext. Haha! Tinext ko siya, "Math's boring. :(" Nagreply agad siya "Okay kaya yan.."

Ako: NO.

Siya: Haha! Okay nga eh.

Ako: I hate Math.

Siya: Ako din naman. Pero masaya naman.

A: Tutor mo ako. Haha :D

S: Sige. Haha! Magkita tayo. :)

A: Haha! Nahihiya ako.

S: Bakit ka nahihiya?

A: Basta! Haha

S: Sige na, mas maganda sa personal para mas maintindihan mo..

A: Sige na nga!

S: Yan. Sige! Haha :)

OMG! ITUTUTOR NIYA AKOO! LOOK AT THAT! HAHAHA EMEGHED. :""> EHHHH KAKILIG OY! HAHAHA YIEEEE~

Tapos yun, I lived happily ever after. xD Dejk, uwian na kaya I lived happily ever after. Haha! May nakita ako sa Converse na shoesh. Ang ganda ganda! Bibilhin ko yun! TT^TT Hindi pwedeng hindi.. Ang cool niya eh. Dark color lang siya :"> Hehe.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THANK YOU FOR READING THIS! SARANGHAEYO! VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR APPRECIATION! TAKE CARE & GOD BLESS! LOVE LOTS! 💋

PM ME FOR DEDICATIONS!! 😁

- Micahlorz 😱

Her Online DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon