June 2, 2014

20 0 0
                                    

Hiii~ Matagal tagal ding walang naisulat.. :3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano nga ba ang mga nangyari ngayong June 2? Enrollment lang naman namin kanina.

Grabeng daming tao. Haba ng pila. Ang init ng panahon. Haaay.

Ayun, hindi din namin natapos. Haha!

1. Pumila kami sa pagkuhanan ng Pre-Reg. Grabeee! -_- napakainit na. Siksikan pa.

2. Si ex 2 , nandun na sa harap. Ang daya! Hahaha! Mas nauna talaga siya nakakuha ng form. Kami? Ayun, nasa gitna ng pila.. Parang hindi pa gumagalaw ha! -_- XD

3. Ayun, nakita ko si crush R :""> HAHAHA! Nandon siya sa pinaka huli. Haha! Kawawa. Ayan kasi, lakwatsa ng lakwatsa! :D

4. Sa wakas! Nakakuha rin kami ng pre-reg. Next stop? Yung nakapaskil na schedules namin kokopyahin. :D sakto ng pinagstop-an namin.. Sa tabi ni Crush R! Hahaha!

Habang kinakausap ko mga kasama ko..

Ako: san na tayo pupunta?

Crush R: sa bahay.. Hahaha!

Ako: (di ko siya pinapansin) san na nga

tayo pupunta?

Tanong ko ulit sa mga kasama ko.. Wala talagang sumasagot sa akin kundi yung si Crush R! Hahaa baliw. Paulit-ulit lang naman na "Sa bahay." Tapos tatawa. Baliw!

Hanggang sa nagmove na yung pila nila.. Tapos nagbye na din ako sa kanya. Hehe~

5. Tapos! Nung nandon na kami sa lugar kung nasan yung schedule namin. Nandon din pala yung ex suitor ko na 3rd year naka tambay. Haha!

Nakatingin siya sa akin. Awkward. Pumasok tuloy ako sa cr. Ang init talaga grabe! Ayun, nag tali ako ng messy bun hahaha yieee :> cute ko. Choss~

So habang hinihintay ko yung friend ko para matapos niya kopyahin yung schedule kasi sa kanya na nga ako kokopya pagkatapos hahaha, nakatayo lang ako sa side nila..

Walang ibang magawa eh. Kaya sinulat ko muna sa pre-reg yung mga basic chuchu na tanong..

6. Ayun na nga, nung natapos na niya kinopya na namin siya.. Haaay. 24 units. -.- Tapos MWF wala kaming vacant. 1 hr lunch. 1 hr vacant lang. Ang daya! Haha!

7. Pumunta na kami don sa next step.. Yung ipapakita ang cc's. Tapos yung si ex 2, nandon na pala pero di pa siya nakapila. So naunahan pa namin sila sa pila. Hehe~ Ang init init talaga! Kahit yung nagcheck ng cc na instr. over na sa pawis kaya pinaypayan ko pa.

Oh diba? Ang bait ko! Hahaha!

8. Pagkatapos namin don.. Dumeretso na kami sa susunod, edi syempre madadaanan namin yung pila ng kuhanan ng form.. Nakita ko dun si Crush E! Emeghed nakapila siya. Walang kupas, gwapo at maputi pa din! Hahaha! Kaso yung prof. na magsa-sign sana sa pre-reg form namin, umalis pala. Grabe! Hirap maghintay! -.-

Kaya tumambay muna kami sa mga upuan sa chairman's. Grabe daming tao pa din tapos wala pang kuryente grabenh init. Biglang may lumapit sa aming parent, nagtatanong kung saan na siya susunod na pupunta. Edi sinagot namin.

Tapos biglang mga first year naman na apat ang lumapit. Tinawag pa nga kaming "Ma'am". Mukha ba kaming teacher? Hahaha! So nagtanong din sila. Habang nagtatanong sila nagtatawanan din kami. Eh iba kasi yung form na hawak nila. Hindi naman ganun nungg 1st year pa lang kami! Hahaha! Hanggang sa umalis na sila~

So wala pa din yung prof. kaya pumunta muna kami sa 7/11 para magpalamig.. Ang kaso.. Naalala namin wala pa lang kuryente! Hahaha! Kalokohan namin tumambay kami doon sa kuhanan ng mga drinks, eh tago yun. Binuksan buksan namin tas hawak hawak ng drinks, kunwari yun ang pipiliin namin bilhin XD yun pala nagpapalamig lang sa loob HAHAHA

Tapos ayun nakita din namin yung mga 1st yr boys na nagtanong sa amin. Sila nanaman. Tas nag hi hello kami. Hahahaha laughtrip talaga sila eh. HAHA!

Tapos nung dumadami na yung tao bumalik na kami sa school kasi ang init na -.-

9. Anong oras na? Hindi pa din dumadating yung prof. namin.. Tapos nagGM yung friend namin na kapag wala ang prof. Punta na lang dun sa isang instr. kaya pumunta kami sa chairman's at doon pumila. Ang init talaga grabe!!

10. Edi pumunta kami doon~ pumila! Buti na lang aircon sa loob! Hahaha :3 saya saya xD

11. Pagkatapos nagpa assess na kami~ yung kasama ko naman.. Pinaabot don kay Crush E. Omg! Nakakahiya hahaha! So ayun, umalis muna kami. Tumambay muna kami don sa ilalim ng puno tas umupo ako sa tricycle ng school~

Pagtingin ko sa harap ko. May motor doon di kalayuan sa akin. Nandon yung ex suitor 2 ko. Teka, ex suitor ba o suitor pa din? Ewan.. Suitor pa din ata! Hahaha! Patingin-tingin pa siya. Sulyap pala hahaha

Tapos nung pumunta na kami sa harap para kunin yung form namin.. Ayun na tumambay ulit kami sa chairman's eh nandon sa isang upuan eh ex 1 ko at mga barkada niya.

Wala lang, walang pansinan. HAHA! Kwentuhan lang with my friends tas siya ganun din. Eh nakatalikod sila sa amin eh. Tas kami pa-side. AHAHA!

Tapos nung nandun na yung sundo ko. Umalis na ako. XD

See? Walang enjoy na nangyari sa akin. Hahaha! Pa-tikim pa lang. Enrollment pa lang yun eh. :P hahaha

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THANK YOU FOR READING THIS! SARANGHAEYO! VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR APPRECIATION!! TAKE CARE AND GOD BLESS. LOVE LOTS! <3

PM ME FOR DEDICATIONS! :)

-Micahlorz :">

Her Online DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon