March 6, 2014

297 8 6
                                    

Waaaah!! Kinikilig akoooo~ Eh kasi naman. Hahaha! Alam mo ba yung feeling na kakausapin ka ng crush mo ng walang dahilan??

Yung feeling na, nakatayo lang ako, pagkakita ko sa kanyang palabas siya ng room at sa luwag ng hallway ng school, sa harap ko pa talaga sya dumaan kaya pumunta agad ako sa harap ng kaibigan ko.. Yun pala, uupo siya sa tabi ng kaibigan ko..

Yung tipong inusod niya yung bag ng kaibigan ko palapit sa kanya, sabay tingin sa akin then tanong sa kaibigan ko kung ROTC ba siya, pero natauhan din siya, sabay sabi ng "Diba ROTC ka?" sa akin. Sabi ko, "Oo, bakit?" Sasagutin ka niya ng "May ROTC daw ngayon ah?" Syempre hindi ko naman alam na meron kaya sabi ko "Hala. Wala naman silang sinabi sa akin eh." Sabay tingin sa phone kung may nagtext sa akin dahil ang awkward ng mga tingin niya sa akin..

Sabi niya "Ang alam ko meron.." Tapos noong padating na yung kasama niya, umalis na lang siya bigla ng walang paalam. Ano kaya yun? OMG. Hahaha!

Tapos ilang beses pa siyang dumadaan pababa, at paakyat, ang hindi ko lang magets ay kung bakit pa sa harap ko pa siya dumadaan sa luwang naman ng hallway ng school.. To think na nakaupo na nga ako -__- Hahaha! Ehhhh kinikilig ako syempre, crush ko yun no! :">

Tapos yung may pinuntahan ata siya sa end ng hallway ng social hall, pagbalik niya.. Dumaan ulit siya sa tapat ko, tapos tiningnan ko siya kasi nagbabasa ako ng horror story na libro.. Pag tingin ko, nakatingin pala siya, and to think na nakalampas na nga siya, nakatingin pa rin siya. Like OMG! Kinikilig talaga akooo :"> Ehhhh! <3

Nong tapos na yung klase nila, edi syempre, dadaan nanaman sila sa harap namin.. -___- Nakatayo nanaman ako, kasi di naman ako mapakali sa inuupuan namin at tinamad na ako magbasa dahil boring naman.. Ayun, dumaan ulit siya sa harap ko, teka, actually hindi sa harap ko. Sa mismong tapat ko, tapooos! Nag-smile siya at tinaas niya ng dalawang beses yung dalawang kilay niya na parang nagpapaalam na aalis na siya, ganito ganyan.

Hindi niya ata alam na ako yung katext niya. :"> Omg. Hahaha! Sorry naman po. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano nangyari at nagconfess ako. Wala naman sa plano yun eh! Ang kaso lang binubuking niya ako sa text. Nasabi ko kasi yung word na "paghanga" tapos ang sabi niya, "Diba ang paghanga ay crush?" Like OMG! Pero hindi talaga niya alam na ako yung katext niya! Huehue.

Sinasabi ko naman kung sino ako eh. Pero di talaga niya maalala. Haaay. Adik lang! Hahaha :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THANK YOU FOR READING THIS! SARANGHAEYO! VOTE AND LEAVE A COMMENT FOR APPRECIATION!! TAKE CARE AND GOD BLESS. LOVE LOTS! <3

PM ME FOR DEDICATIONS! :)

-Micahlorz :">

Her Online DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon