The Seeker and The Keeper

121 2 5
                                    

PROLOGUE

Ang Mundo ay isang malawak na bilog. walang sulok, pero ang lahat ay may katapusan.

Minsan naiisip ko kung BAKIT may mga bagay-bagay na kailangan kang maguluhan.

Yung tipong feeling mo mawawala ka na sa sarili mo sa kakahanap ng butas palabas.

halos nga ata lahat ng tao, ganun at ganun ang problema. magkakaiba nga lang ng sitwasyon,

pero kahit paulit ulit mang madapa, o masugatan.

lalagyan at lalagyan parin natin yung sugat ng bandage, o kaya naman, hahayaan nalang sa paglipas ng panahon.

eto nga ata talaga ang pinaka masakit na mangyayare sa atin, pero ito naman ang magiging rason para magpatuloy sa buhay.

dahil mas nagiging MASAYA, EXCITING at MASARAP mabuhay dahil dito.

"LOVE"

Ako si Carla Garcia. 18 years old. marami akong tanong sa buhay. Maraming beses na rin akong nasaktan, pero mas marami yung oras na masaya ako. Siguro masyado nga lang talaga akong MATAPANG. sa pagiging adventurous ko.

Maaga akong nagkaproblema sa love. 14 ata ako nun eh. Pero lagi naman natin sinasabing mga kabataan na "Nasa edad tayo ng pageexperimento." kaya marami satin ang nag sisisi.

Noong ako'y first year palang, naranasan kong magmahal. yung tipong pagmamahal na hindi ako makakain sa kakaisip sakanya, kahit iharap pa sakin yung isang galong cookies n cream. Hirap makatulog sa kakaisip at kakaimagine ng feeling na kasama ko siya. yung pasilyap silyap. tapos yung may gawin lang syang sweet, sobrang kilig ka.

Si Vince yung bestfriend ko. Mabait yun eh. sobra, Parang Santo. protective siya. Hindi naman ganun ka gwapo pero CUTE siya. Magaling siyang mag sketch. halos mapuno na nga yung diary ko sa mga sketch na binibigay niya sakin. Mahilig siya sa mga portrait at scenery images. 5 kami sa grupo. pero si vince yung pinaka close ko. Ako, si Vince, Derek, Jazz at si Kit.

nakakaramdam ako ng selos pag may iba siyang kasama. yung feeling ko na parang Ipis na pilit mo mang apakan, buhay parin at lalapitan ka pa.

nakakaramdam ako ng galit o tampo pag di man lang siya magparamdam at pinagaalala niya ko

nakakaramdam ako ng kilig pag kinukulit niya ko. yung astang boyfriend material siya sakin.

nakakaramdam ako ng kulang pag diko siya maiglapan sa school at

nakakaramdam ako ng saya kahit wala siyang ginagawa para pasayahin ako.

IT'S SO UNEXPLAINABLE

MAHAL KO NGA ATA TALAGA BEST FRIEND KO.

MORE THAN BEST FRIENDS.

walang nakakaalam na nahuhulog na nga ako kay Vince.

Natatakot ako.

pano ko ba sasabihin?

kelangan ko bang sabihin?

Magiging ganun parin kaya ang samahan namin ni Vince?

ano nalang iispin sakin ng friends namin?

Yan ang mga iba kong tanong na hindi ko masagot. at takot akong subukan...

AKO PALA ULIT SI CARLA,

matatawag ko ba ang sarili kong TANGA DAHIL UMASA AKO?

o kaya naman

DUWAG DAHIL DI KO MASABI YUNG TUNAY KONG NARARAMDAMAN?

"FALLING IN LOVE with a friend is such a romantic way of having a best partner in life, but sometimes, friends are only meant to be friends."

( TO BE CONTINUED IN CHAPTER 1 )

The Seeker and The KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon