Chapter Four:

73 2 8
                                    

CHAPTER 4

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan at ganun din siya. Medyo naiilang na nga ako, pero di ko parin maiwasan yung mata niya.

There, just the two of us.

Bigla siyang tumingin sa buwan at nagsimulang magsalita. Punong puno ng COLDNESS yung boses niya, I don’t know if its just because he was tipsy that time. So ako, inisip ko sa sarili ko na.

HOY CARLA, wala tong meaning para sakanya. CLEARLY, BEST FRIENDS LANG KAYO.

Vince: Carla, hmm

Bigla naman akong tumingin sakanya sa pag tawag ng name ko, pero di siya tumingin.

Vince: di ko alam, kung dito pako mag 4-4th year.

Biglang tumigil yung heartbeat ko. Para bang, binagsakan ako ng buwan nung gabing iyon. Parang nalulunod sa luha yung puso ko pero, tinitigan ko lang siya. I didn’t give him any reaction. I felt like I was cold as ice, hard as a rock sa sinabi niya.

Vince: di ko sainyo sinabi kaagad, kasi hindi ko pa sigurado. Pero sa tingin ko, yung 3 months na bakasyon, magiging….

Tumigil siyang bigla at yumuko. Binilang bilang niya sa kamay niya. Patuloy lang ako sa pakikinig kahit, unti-unti na kong natutunaw sa loob.

Vince: 4…5…7…9… hangang 1 year, 2… 3…

Hindi ko na talaga mapigilan. Di ko alam kung kailangan ko ng sabihin sakanya yung gusto kong sabihin. Natatakot ako. Natatakot akong umasa sa wala. O kaya naman, natatakot akong baliwalain niya lang.

I breath heavily and coldly. DAMNIT. FUCK THIS ONE. Gusto ko na talagang umiyak.

Hangang sa di ko namamalayan, lumuha na nga ako. Galing sa mata ko, hangang sa dumating sa pisngi at tumulo.

Di lang ako nag papahalata sakanya, di ako tumingin para di niya Makita.

Bigla niyang hinawakan ulit yung kamay ko, pinisil niya ng sobrang higpit. Hindi lang din ako gumalaw dahil sa sikip ng nararamdaman ko.

Iniabot niya yung kamay niya sa may cheeks ko at pinunta yung mukha ko paharap sakanya. Pero di parin ako makatingin, dahil nahihiya ako..baka malaman niya yung gusto  kong sabihin.

Vince: bakit ka umiiyak?

Ako: wala. Mamimiss lang kita pag umalis ka na.

Vince: lalo naman ikaw, ikaw ang pinaka mamimiss ko sa lahat.

Lalo pa kong napaiyak sa sinabi niya. Lumapit siya sakin at yinakap niya ko ng hindi ganun a higpit, yung tama lang.

“YOU MEAN SO MUCH TO ME, CARLA”

Sambit niya ng pabulong sa tenga ko, the words he uttered grounded all my nerves. I felt something.

“SO YOU ARE, VINCE”

Hindi ko alam kung PAANO ko nasabi yun sakanya.

“DON’T EVER FORGET THAT”

“YOU’RE ALWAYS THE PRINCESS I WANT TO…”

Bigla siyang napatigil sa mga sinasabi niya. I WISH. Sana nga sabihin niya ring may gusto siya sakin. Namuo lang ng isang basa sat shirt niya yung mga luha ko.

“PROTECT and CARE”

Hanggang sa nakumpleto niya yung gusto niyang sabihin.

“THANKS, VINCE. ALAM MO NAMANG, I ALWAYS WANT YOU TO BE AROUND. ALWAYS…”

Inalis niya yung kamay niya sa pagyakap sakin at tumingin ulit sa buwan.

Hindi na ako nag tanong pa ng kahit na ano, ng nagsimula siyang humiga. Hangang sa nakatulog nalang siya. Andun parin kami sa bubong, habang ako, tahimik paring nag iisip.

Ako nalang natira dun na gising. So sinamahan ko lang si Vince magdamag dun sa rooftop nila. Pumunta ako ng kwarto ni vince para naman kunin yung unan at kumot niya.

Sinilip ko yung dalawa sa baba, pero walang pinagbago yung pusisyon nila na nag susubuan ng paa.

Pinagmasdan ko yung kwarto niya. Inisip ko na, hindi na ako makakapunta dito, kung oo man, matagal pa.. siyempre kasi aalis nga si vince.

SANA HINDI MATULOY.

Napansin kong wala na yung picture frame dun sa may table niya sa may kama niya. Malinis na malinis. Hinanap ko, pero wala. Napansin ko din na malinis ngayon yung kwarto ni vince. Punong puno ng poster yung walls niya. Yung favorite bands naming at syempre yung mga dinadrawing niya.

Kinuha ko yung kumot niya at may isang unan na ang CUTE. Di ko aakalain na nag uunan nga si vince ng ganon. Yung hotdog na unan.

Pag akyat ko, naabutan kong nagising siya. Umupo ulit siya.

Vince: san ka pumunta?

Ako: kumuha ako ng unan at kumot, nakatulog ka na kasi

Tumawa si vince na parang kinilig naman siya.

Vince: ahh. Kaw talaga. Sige, tara tabi tayo. Lasing nako eh. Mas masarap matulog dito.

Hangang sa magkatabi na nga kami, walang malisya. Iniisip ko lang na, konting days nalang kung sakaling matuloy siya. Gusto ko siyang yakapin habang magkatabi kami, pero tama na yung unan ko yung braso niya. Nako, nakatulog nalang ako nun bigla habang nakatingin sakanya.

Nagising ako ng inalis niya yung  braso niya sa pagkakaunan ko dun. pero nakatulog lang ako ulit sa sobrang pagod.

Ng pag gising ko ulit, nakita kong nasa kwarto niya nako. Wala akong matandaan kung paano bako nakapunta dun. bumaba ako para icheck kung andun pa sina derek.

Vince: o gising ka na. tara, let’s have breakfast. Dadalhan sana kita sa taas, eh nagising kana,

Ako: ah, uhm.. pano ako nakapunta sa---

Vince: basta. Naglakad ka ata eh. Haha. Tara, nag luto ako ng Chicken soup. Ah tsaka siyempre perfect yan with.. TADAAAAH. GARLIC BREAD!:)

Napasmile naman ako dun, nag iimagine nanamn tuloy ako. Kung siya man nga si mr. right at maging husband ko to. NAKS. Everyday breakfast with TADAAAh. Sweet niya talaga kahit kelan.

Nag breakfast kami ng parang wala lang siyang sinabi sakin kagabi. Pero sinubukan kong tanungin siya about dun sa pag lipat niya ng school.

Ako: uhm, vince. So, san kana papasok?

Tinignan niya lang ako habang kinakain niya yung garlic bread. NAMAN ayan nanaman yung mata niyang nakaktunaw kung tumingin.

Vince: SA PUSO MO.

Ako: Sana nga lang….

Shit, ano ba yung sinabi ko sakanya!? “SANA NGA LANG”. ano ba Carla, joke lang yun. Seryoso mo talaga kahit kelan. Mahahalalata ka na niyaaa!

Vince: huh?

Ako: wala. Hahha. Sabi ko, SANA DITO KA NALANG ULIT.

Tumawa lang ulit siya at sinagot ng seryoso yung tanong ko,

Vince: sa pazana. Ewan ko ba kina mama.

So yun nga, sure na ata talaga.

Matapos naming mag breakfast, tinulungan ko siyang mag hugas ng mga kinainan at nag ligpit din kami ng mga kalat. Pinahiram niya din ako ng tshirt niya kasi pawisan nako.

Though, nagmumukha akong hiphop sa laki ng tshirt niya.

Nagpasundo nako sa driver dahil OVER STAYING NAKO kila vince, baka maabutan pako ng ate niya at ano isipin. Lagi panaman kami nun inaasar, lalo na pag dumadalaw ako kina vince.

Tawag na nga sakin nun eh, sister-in-law. NAKO. KINIKILIG LANG AKO.

The Seeker and The KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon