Chapter Three: is this the Real thing?

57 1 5
                                    

Chapter 3

Napatitig ako sakanya, tumitig din siya. May nilagay siya sa kamay ko. Isang papel. Dirediretso na siyang naglakad. First time na hindi kami sabay pumasok ng room.

Binuksan ko yung papel. Hand writing nya nga.

"shhh...see you after class sa may acacia"

Alam ko na. Yung pinuntahan namin nung nag sneak out kami. Nacurious ako bigla, bat niya pa kelangan isulat? Pwede naman niyang sabihin sakin, o sabay kaming pumunta dun.

Misteryoso nga talaga si vince.

For sure ayaw nya yun ipaalam sa barkada dahil sa nakalagay na "shh".

Pagbalik ko ng room, linagpasan ko lang yung upuan niya. Pero nakita ko sa peripheral view ko na nagiisketch nanaman siya. Walang kasawaang sketch!

After dismissal, di ko na siya nakita, so for sure andun na yun. Pasimple nalang akong nagpalusot sa barkada na uuwi na ko.

After that time, nakita ko si mis feh.

Ms: carla, you going there?

Ako: saan po?

Nagtataka ako. Tinutukoy niya ba yung acacia na pupuntahan namin ni vince o kung saan?

Ms: sa sinabi ni vince?

Ako: ah.. Uhm. Opo.

Ms: okay. Ingat ka carla.

Sobrang na curious talaga ako. Bakit alam ni ms feh!? Samantalang yung barkada hindi.

I rushed to the place. Nakita ko agad si vince. Nakaupo, naka tingin sa ulap.

Ako: psst. Vince!

Di niya ko tinitignan, o baka di niya ko marinig.

Ako: hui!

Vince: oh, anjan kana pala carla.

Ako: oh. Ano gagawin natin dito?

Vince: Wala.

Ako: hah? Akala ko panaman kung ano na.

Vince. Umupo ka lang dito sa tabi ko.

Ako: okay? Tapos? Hmm. At bakit alam ni mis feh--

Vince: Shhhhh!

Ako: howkeeeey!(whispers)

Halos mag iisang oras lang kaming nakaupo ni vince dun.

Dumidilim na nga eh. Napapanis narin yung laway ko. Wala pa kami napag uusapan. Andami kong naiisip kung bakit kami andito. Bakit kasama ko siya na ganito kami.

Vince: carla.

Ako: oh?

Vince: ano feeling ng kasama mo ko dito at wala tayong pinag usapan?

Ako: wala. Okay lang. Bakit?

Vince: maganda ba yung sunset?

Ako: oo, nagustuhan ko.

Vince: sorry hah. Tahimik lang ako.

Ako: eh bakit nga kasi.!?

Vince: wala. Gusto ko lang pakiramdaman.

Ako: pakiramdaman na ano!?

Vince: na, kasama kita habang nakikita yung sunset. Yung sobrang tahimik lang ng nasa paligid.

Ako: ahh. Kaw talaga. Maganda yung sunset... Maganda din yung feeling na kasama kita.

Nako. Bumibilis yung heart beat ko. Parang mag eexplode na. Kinakabahan ako kung ano ang susunod na mangyayare.

The Seeker and The KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon