"Tika lang. Saan ba tayo mag aaral?"
"Sa C.U"
"Charles University?"😮
"Hindi. Calanggaman University. Wag ka ngang assumera, hindi tayo mayaman hoy. Kaluka!"
Sinamaan ko ng tingin ang bruhilta na ito. Kaluka nagtanong nga lang ehh, maka assumera wagas.
Well! Pangarap kong maka pasok duon. Dahil isa maraming mayayaman, sarap mang harbat( alam nyo na yun), pangalawa gwapo lahat duon, pangatlo mga matatalino din, pangpaganda ng lahi hahahaha, pang apat ahmmmm pangtatlo lang yata yun nakalimutan ko na eh hahahaha.
"Oi bruha bilisan mo ng magluto, gutom na ako shit ka. Wag ka munang mag dai dream dyan." Sigaw ng magaling kung kaibigan.
Baliw sya dai dream daw, eh dae dream kaya yun sus bobo talaga nito.
"Oo na manahimik ka na dyan, at itikom yang bibig mong mabaho." Sigaw ko rin sa kanya. Inirapan naman ako ng bruha, bago nag tungo sa Cr, baka tatae. Hahahaha
Anyway, highway, liwayway,kanalway, ako nga pala si julibe, ka lahi ni jollibie hahahaha. Julibe Malascarma, na laging minamalas, at wag kayo matawa kasi totoo yan.
Yung bruha na yun ay si Maria Clara Kalamay, may mabahong bibig at wag kayo napaka inosente nyan at kung ano iniisip nyo yan sya. At faborit din nyan sogar brown alam nyo yun yung kamay,at hindi puti ahh kasi pang mayaman yun. Hahahaha maniwala kayo sa sinasabi ko.
Mahirap lang kaming dalawa, malamang nangangarap kaming may boipren na mayaman ehh.
Wala na akong nanay at tatay, dido na sila. Habang ang magulang ni maria ay nasa probinsya iniwan namin, joke lang nag pa iwan para sa tubuhan nila.
Taga Negros Occidental pala kami, at nasa Manila na kami ngayon. Maghahanap pa ako ng trabaho para sa pangkwela ko.
Perst yer collage na ako, ay kami pala. At perst tym namin dito kaya nakakaluka.
Maghahanap pa pala ako ng werk.
"Bruha luto na, tama na yang kakatae mo baka ma ubos na tae mo kakalabas sa pwet mo."
"Manahimik ka dyan, nag fifing ako dito hindi nagtatae."
See? Napa ka inosente talaga.
Kumain na ako at lumabas sa bahay hindi na ako nag abala pang magpa alam. Lukaluka kasi yun ehh.
Naglalakad ako, malamang hindi naman pwede lumipad hindi ko yun kaya, kung pwede abat lilipad na ako.
"Omygas ang beatiful paste ko, baka masira kalukang araw na ito nakaka sira ng araw."
Napatingin naman yung mga tao sa paligid ko.
Ang ganda ko talaga, pinagtitinginan ng mga tao. Bwahahahaha!!! Dyusa ito.
Lakad lang ako ng lakad ng nahulog ang pwetaka ni kuya sa harap ko, kaya kinuha ko ito at sinundan si kuya.
"Kuya! Kuya! Ang pwetAka nyo po" sigaw ko.
Ang vait ko talaga, bungga.Hindi parin ito tumingin sa akin, pero ang ilan ay tumitingin, sila ba si kuya na hulog ang pwetAka? Kaloka mga assumera.
Hinabol ko sya at hinawakan ang kamay nito.
"What the fuck!" Sigaw nya sa akin.
Nagulat ako kasi ano daw? The fak? At nakatulala ako kay kuya , kasi ang gwapo. Tulo na yata laway ko.
"Damn!! Youre drooling. Ewww"
Ehh? A-ano daw?
"Tuli po? Tuli? Mag papatuli ka po? Ay kuya hindi po ako duktor."
"Fuck you"
Ay fak na naman daw.
"Ha?"
Sinabunutan naman nito ang buhok na parang gusto nya yun tangalin. Sayang naman buhok nya shane na shane.
"Ang sabi ko naglalaway ka" sigaw nito.
Pinahid ko ang laway ko na kanina pa tumutulo. Totoo yan ha, gwapo nya kasi ehhh.
"Ayy sary!" Sabi ko
"What do you want?"
?_?
"Donat po? Wala ako nun ehh. Bumili ka nalang , parang mayaman ka naman ehh"
Hindi maka paniwalang naka tingin ito sa akin. Wow! Nagagandahan na sya sa akin, bavo bavo.
"Damn this shit" Bulong nitong sabi.
"Po?"
"Ano bang kaylangan mo?"
"Ay oo nga pala kuyang pogi, na hulog nyo po ang pwetAka nyo." Sabi ko sabay lahad ng pwetaka nya.
"Tsk. Baliw" sabi nito sabay kuha ng pwetaka nya.
May kinalikot ito duon, at nag labas ng isang libong pesos.
"Ano to?" Nag tataka kung sabi.
"Stupid. Isn't it obvious? Its money, money."
"Maney nga po, tapos?"
"Damn! Mababaliw na ako."
"Gusto nyo pong samahan kita?"
Sinamaan naman nya ako ng tingin, agay tinulungan na nga sya ohhh. Kaluka nito.
"Tsk. Sayo na yan. And lea- I mean wag ka nag sumunod pwede bah" sabi nito sabay alis.
Wow may pera na ako, wala man lang ako ginawa. Ang cool dito, nag bibigay sila agad ng maney.
"Bay kuyang nahulog ang pwet.Aka na pogi." Sigaw ko.
Tumakbo naman ito bigla.
Anong nagyari nun? Makahanap na ngalang ng trabaho.
BINABASA MO ANG
Ang Dalagang Probinsyana
RomanceTukuyin at alamin ang buhay ng isang dalagitang galing sa province. Ano kaya ang mangyayari sa dalagang walang alam sa cities, at mga taong ibang iba sa kanyang inakala. Spg alert!! Spg alert!!! Bawal bata! At isip bata. Kung ayaw nyo mag basa, okey...