∆∆∆∆ This story is inspired from Thailand series. This is only a Pinoy Version....... ∆∆∆∆∆∆
•• Polly's POV ••
Sa Lungsod ng Bukidnon nandito ang Hacienda Torres. Dito na ako ipinanganak, nagkamulat ng isipan. Sa Hacienda kasi nag tatrabaho ang mga magulang ko, at may sarili kaming bahay kubo sa loob ng Hacienda kasama ang iba pang mga trabahante rito.
Musmos palang ako ng makilala ko si Señorito Ivan, ang nag iisang anak ng may ari ng Hacienda. Mabait naman siya at pala kaibigan, at magalang din sa mga trabahante. Kumbaga Down to earth siyang maituturing na tao.
Di nagtagal, naging malapit kaming magkaibigan. Tuwing hapon, sinusundo niya ako sa amin para maglaro doon sa may Malaking Punong kahoy na nasa huling bahagi na ng Hacienda.
O di kaya doon namin maisipang mag picnic. Manghuli ng mga paruparo at mamitas ng mga ligaw na bulaklak. Gumawa din kami ng dalawang duyan at isinabit namin sa matitigas na sanga ng Puno.
Lagi kaming masaya na parang walang problema, sa aming kamusmosan ramdam namin ang kalayaang maging masaya.
Panalagin ko nga ay hindi na matapos ang kaligayahang Iyon.
Nung nasa highschool na kami, looks like may kakaibang feelings na ako para sakanya. Yung term na,,,,,,,,,,,
" CRUSH "
ayyyssttt 😍😍😘
Sorry na! Ey, hindi niyo naman ako masisisi... Sa sobrang closeness naming dalawa, hindi ko maiwasang magkagusto sakanya nuhhh....
But,,, hindi ko sinabi sakanya yung feelings ko... Nakakahiya kasing umamin. Tsaka, mga bata pa naman kami ey, ayoko munang mag Love love love! Baka paluin ako nina tatay! Hahahaha 😂😂😂
Sa side naman ng pamilya ni Ivan, mabait naman sila at hindi mata pobre. Kung ano yung gustong gawin ni Ivan, sinusuportahan nila, at kung sino man gustong kaibiganin ng anak nila, tinatanggap naman nila ito.
•••••••••••••••••••••••••••
Ayun, dumating din ang araw na nagtapos na kami ng highschool.
At isang araw, kinausap ako ni Ivan...
Dinala niya ako doon sa paborito naming tambayan,
Bigla akong nakaramdam ng kaba, para kasing seryoso masyado ang mood niya ngayon.
" Polly.... Gusto ko lang magpaalam sayo. Aalis kami ni Mommy dito. Dun nila ako papaaralin ng Kolehiyo sa Manila, wala akong magawa, pinipilit nila ako. Yun kasi ang natatanging gusto nila para sakin, kaya pumayag nalang ako. "
Sabi nito nang hindi lumilingon sakin.
I took a deep breath and i stare at the blue skies.
Nakakalungkot isipin...
Na ang matalik kong kaibigan sa loob ng maraming taon ay mawawalay na sa akin, simula ngayon.
" Iiwan mo na ako dito? Hmmm... Pag aalis ka, magiging malungkot talaga ako. "
I said in a calm voice. Pero bakas pa din ang kalungkutan sa boses ko.
Gusto kong umiyak.. Pero pinipigalan ko ang aking mga luha. Hindi ako sanay na makita niya akong umiiyak.
" I'm sorry, Polly. Pero kailangan kong umalis para sa ikabubuti ko. Malungkot din naman ako kasi malalayo kana sakin, ang bestfriend kong sobrang bait at pala ngiti.. Parte ka parin ng buhay ko kahit saan man ako magpunta, Hope you will understand my decision. "
He gap my hands with a smile on his face.
" kailan ka babalik rito? "
" i don't know. Hope someday. "
He stood up.
Binitiwan niya na ang aking mga kamay.
" Goodbye, Polly. "
That was the most hurtful word i ever heard from someone who mean more so much to me.
BINABASA MO ANG
U-Prince Series #1 : The Handsome Heir
RomancePeople Change but Feelings will never be changed